Chapter Twenty-Seven - Coming Home

12.8K 348 17
                                    

         Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lang umabot sa oras ng pagkikita namin ni Ryu. Tatlong buwan ding di ko siya nasilayan kaya sobra akong excited na makita siyang muli. Halos liparin ko na ang Yodobashi Camera. Nakakaasar lang. Naabutan pa ako ng red light. Dapat sa basement ako dumaan e.

        Pagdating ko dun tinangka ko pa sanang mag-elevator pero sobrang tagal at marami na ang naghihintay kaya tumakbo na lang ako sa escalator. Ang hirap nito dahil nasa seventh floor pa ang mga kainan. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nakupo! Fifteen minutes late na ako. Tiyak naiinis na siya sa akin.  Ang on time kasi sa kanila ay ten minutes early.

        Parang it took me forever para umabot sa 7th floor. Na-disorient pa ako pagdating ko dun. Hindi ko alam kung nasan banda na ang Cappriciosa. Palinga-linga muna ako. Sinubukan kong tumakbo sa right side ko. Pero umabot na ako sa dulo, hindi ko pa nakikita ang nasabing restaurant. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at tiningnan ang directory na nasa monitor sa harap ng elevator. Nasa opposite direction pala ako pumunta.

        Nang sa wakas nakita ko na ang hinahanap, napakunot-noo naman ako sa dami ng tao. Parang may kaguluhan yatang naganap. Hawak-hawak ng isang mama ang pumutok nitong labi habang dinuduru-duro siya ng isang pamilyar na lalaki. Kahit nakatalikod ito, nakilala ko agad si Ryu.

        Mayamaya pa, may dumating na mga guwardya. Pero hindi natinag ang kumag. Hindi ko siya maintindihan dahil sobrang bilis ng Osaka-ben (Osaka dialect) niya. Mukhang galit na galit siya sa mama. Nang susuntukin na naman sana niya ito, lumapit na ako sa kanya at pinigilan ko ang kanyang kamay.

        "Ryu!" sigaw ko. Hindi natuloy ang pagsuntok niya sa lalaki.  "What's wrong?" tanong ko.

        Hindi siya sumagot pero nagtatagis ang bagang niya kaya alam ko kung gaano siya ka galit. Nakialam ang mga guwardya at sinabing dapat daw bayaran ni Ryu ang mga na-damage niya sa restaurant. Binulyawan lang sila nito.

       Nakita ko ang mga kumalat na broken plates at glasses sa loob. May mga nasira ding upuan. At ang mga guests ay tila natakot. Ang iba'y umalis na nga.

        "Ako na ang magbabayad," malumanay na sagot ng nakaaway ni Ryu sa manager.

        "Sir, hindi naman po kayo ang may kasalanan," sagot naman nito.

        "Ano ba'ng nangyari?" malumanay ko namang tanong sa boyfriend ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ako paalis sa lugar na yon. Napalingon ako sa kaaway niya. Tila pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki. Parang nakita ko na siya noon. Di ko lang alam kung saan.

        Pinigilan pa sana kami ng guwardya pero tinulak lang niya ang mga ito maging ang manager na humarang sa daan. Siya kasi ang pinapabayad talaga ng mga nasira sa loob.

        "Ryu, ano ka ba? I-settle mo muna ang gulong ginawa mo," pagsusumamo ko sa kanya.

        Hindi ito sumagot. Mabilis ang mga hakbang nitong tumungo sa pababang escalator. Hila-hila niya pa rin ako. Napalingon uli ako sa mga nakabuntot sa amin. Nang akmang haharangin na naman sana kami ng dalawang guwardya, nakialam na ang mama.

        "Hayaan nyo siya," sabi pa nito.  "Ako na nga sabi ang magbabayad sa lahat ng damages."

        Umatras na nga sila lalo pa't nakita nilang walang balak na magpapigil si Ryu. Napalingon uli ako sa mama at bahagyang yumuko. Ako na ang humingi ng dispensa sa inasal ng boyfriend ko. Nakita kong napangiti sa akin ang lalaki.

        "Ano ba'ng nangyari at nanuntok ka na lang dun bigla?" tanong ko uli.

        "Wala," paasik na sagot nito sa akin. Nakahawak pa rin sa kamay ko.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon