Chapter Twenty-One - Dark clouds

12.3K 325 13
                                    

        Sa tulong ni Jing, napalabas namin si Ryu sa bahay nang hindi nalalaman ng mga kasamahan namin. Kaya I felt obliged na mag-esplika sa kanya kung bakit ko tinatago kina Mama at Otōsan ang boyfriend ko. Hindi naman siya masyadong nang-usisa, which is what I like about her.  Tinulungan pa niya kaming magkita uli nang araw ding yon. Isinama niya ako sa mall. Ang paalam namin, gagala lang. Iniwan niya ako sa Greenbelt nang dumating na si Ryu.

        "I like your cousin. She's cool."

        "Oo. Talagang mabait yan. Hindi tsismosa at hindi rin pakialamera," sang-ayon ko naman.

        "Pero for sure nag-isip na yon ng kung ano sa atin. Alam niya kasing dun ako sa kuwarto mo natulog kagabi," nakangising pakli ni Ryu.

        Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang pinaggagawa namin. Natawa naman si Ryu. Huwag na raw akong mahiya. Natural lang daw na ginagawa yon ng magkasintahan. Ang problema lang naman ay kung hindi ko siya nobyo. Yon daw ang cheap. Pero dahil we're officially lovers, okay lang daw yon. Mas masahol pa nga daw doon ang ginagawa ng ibang magnobyo. At least daw kami, marunong pang magpigil.

        Hindi na ako sumagot. Kahit kasi ina-assure niya ako, nakaramdam pa rin ako ng hiya. Siyempre, may kasama na rin yong guilt. Na-sense siguro ang discomfort ko, hinawakan niya ako sa kamay at pinisil-pisil ito.

        Naglibot kami sa mall. Tumingin-tingin kami sa boutique. Gusto niya akong ibili ng damit at iba pang mga gamit. Huwag daw akong mahiya. Sky's the limit daw.  Pumasok kami sa isang mamahaling tindahan ng mga damit-pambabae. Nang makita ko ang presyo, napalunok ako. Gosh, sobrang mahal. I don't think makakapili ako.

        Kinuha ni Ryu ang bestidang tinitingnan ko at nilagay ito sa harapan ko na parang sinusukat sa akin. Sabi niya kung gusto ko raw, pwede naman niyang bilhin para sa akin. Umiling ako. Di ko kayang magpabili sa kanya nun gayong halos sampong libo na ang presyo nun.

        May lumapit sa aming sales lady. Nakangiti siyang tumingin kay Ryu tapos sa akin. Tinanong kami kung may napili na raw ba kami. Nginitian ko din siya tapos binalingan ang boyfriend ko na ngayo'y nawiwili na sa kapapamili ng damit para sa akin.

        "C'mon Ryu, let's go. Hanap na lang tayo sa iba."

        "Bakit? Ayaw mo ba dito? Magaganda ang damit nila, a. Wala ng mga ito sa atin sa Osaka," sagot naman niya sa akin habang pumili-pili ng mga damit. Kinuha niya uli ang binubutingting ko kanina at hinawakan sa harap ko.  "This one really looks good on you," ang sabi pa.

        "Ang sweet naman ng boyfriend nyo, Ma'am," komento naman ng sales clerk. Nakangiti itong tumingin sa akin.  "Hapon po siya?"

        Tumango ako sa babae at ngumiti. 

        "Ang guwapo niya. Para siyang artista. Ang ganda ng kutis," sabi pa uli nito.

        Ngumiti lang ako uli at nagpasalamat.

        "Do you have an s or m-size for this dresses?" tanong ni Ryu sa sales lady.  Oblivious na pinag-usapan namin siya. Nakatutok siya sa ginagawa. Ang dami na nga ng mga pinagkukuha niya sa rack.

        "Yes, sir. Do you want me to get them all for your girlfriend?"

        "Yes, please," sagot naman ni Ryu kahit na pinigilan ko siya.

        "This is my gift for you," ang sabi niya.

        "Kapag umuwi ako mamaya na maraming dala, magtataka sigurado sina Mama," sabi ko.  "For sure, uusisain nila ako. Alam nilang wala akong pera at di ko kayang bumili ng mga ito."

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon