Nakahinga ako nang maluwag nang malamang hindi naman pala napuruhan ang Papa ni Ryu. Matagumpay ang naisagawang operasyon sa kanya at nilipat na siya sa ICU.
"Okay na pala siya, e. Umuwi na tayo," yaya ni Ryu sa akin.
"Hintayin muna natin siyang magising. Gusto kong magpasalamat sa kanya."
Itinirik ni Ryu ang kanyang mga mata. Iyong typical expression niya kapag nagiging impatient na with me. Inesplika ko pang mahalaga sa akin na personal na makapagpasalamat sa ama niya sa lahat ng ginawa nitong pagligtas sa buhay ko.
"Pwede mo namang gawin yan sa ibang araw. It's our wedding day. Hindi ba dapat nagpapakasaya tayo? Tsaka papagabi na. Nag-iisa ang Mama sa bahay."
Hindi ako sumagot. Pero tumulis ang nguso ko. Napabuntong-hininga si Ryu. At nag-concede din. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi ko at niyakap ko siyang bigla. Parang naasiwa pa ito nang hagkan ko sa pisngi. Lalo na nang mapadaan ang nurse sa harapan namin.
Makalipas ang ilang oras, sinabihan kami ng attending nurse na gising na raw ang pasyente at hinahanap ako. Tinatanong kung kumusta na raw ang lagay ko. Hinila ko agad ang kamay ni Ryu para puntahan na namin ang papa niya. Hindi ito nagpahila.
"I'm just here to accompany you. Ikaw na lang ang pumasok. I don't think I'm ready to talk to him," seryoso niyang sabi. Nang makita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha, di na ako nagpumilit. Mukha ngang pinagbigyan lang ako.
"Okay, please wait for me here."
Napangiti nang bahagya ang ama ni Ryu nang makita niya ako. Kahit hindi nagsalita, alam kong medyo na-disappoint siya na ako lang ang pumasok.
"Maraming salamat po at nailigtas nyo uli ang buhay ko. I'm so grateful."
Tumangu-tango siya pero di nagsalita. Minuwestra niya sa aking lumapit daw ako. Kinuha ko ang stool at dinala yon malapit sa kama niya. Pinuwesto ko yon malapit sa ulohan niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"S-Salamat f-for l-loving m-my s-son," medyo hirap nitong sabi. "I-I'll b-be f-forever g-grateful."
May bumara sa lalamunan ko. How I wish pumasok din si Ryu. Mas masaya sana kung bumati man lang siya sa ama. Kahit saglit lang. Pero alam kong hindi ko siya talaga mapipilit this time.
"It's my pleasure, sir," nakangiti ko namang sagot.
Umiling-iling siya. "P-papa. C-call m-me P-papa."
Paglabas ko ng room, nakita kong palakad-lakad si Ryu sa pasilyo ng ospital. Mukhang naiinis na at masyadong aburido. Nang makita ako, sinimangutan niya ako.
"Ano ba ang pinaggagawa mo dun? Ang tagal mo a!" asik nito agad sa akin.
Tumakbo ako sa kanya at yumakap. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Nabigla ito lalo pa at umiyak ako. Tinaas niya ang baba ko.
"Anong nangyari?" tanong nito sa nag-aalalang boses. Umiling-iling ako. Palagay ko hindi pa ito ang tamang oras para sabihan ko siya. Alam kong hindi pa siya handang makipagbati sa ama.
*************************
Nang mga sumunod na araw, binisita si Ryu ng dating abogado ng lolo. Nakita ko ang labis niyang pagtataka. Hindi ako nagpahalata na hindi na ako nabigla dun. Nang sabihin ng matanda ang pakay nito, labis itong nabigla.
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Teen FictionAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...