Chapter Sixteen - Key

10.2K 360 14
                                    

        Napahinto ako saglit nang makita si Mama na nakasandal sa pintuan ng room ko. Mukhang nag-alala ito. Ano na naman kaya ang nangyari? Ano ang ikinababahala nito?

        "Ma!" tawag ko agad sa kanya nang malapit na lang ako.

        Napatayo ito nang matuwid at sinalubong ako.

        "Mabuti't nandito ka na, anak. Katatawag lang ng Otōsan mo. Hindi nila makontak si Ryu two days ago pa. Naka-off ang cell phone niya. Hindi rin alam ni Aya kung nasaan siya. Do you have an idea kung saan siya nagpunta? Tumawag ba siya sa yo? May binanggit ba kung saan pupunta?" sunud-sunod na tanong ni Mama.

        Yon lang pala ang problema. Akala ko kung nagka-tsunami na ulit sa Japan sa hitsura niya.  I was tempted to say na nasa baba lang si Ryu, sa room 305 at kaka-part ways lang namin. Pero ba't ko naman ipagkakanulo ang boyfriend ko gayong hindi naman sila naging matapat ni Otōsan sa akin?

        "Baka ayaw lang pahanap ni Ryu dahil galit sa uncle niya," sagot ko naman.

        Napabuntong-hininga si Mama.  "I know. Pero importanteng mahanap siya ng Otōsan mo dahil may dadaluhan silang importanteng event ni Aya in two days. Nakasalalay din dun ang future ng kompanya. If you know something, anak, please...Huwag mo nang ipagkait kay Mama ang impormasyon."

        Tumango na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa. I'm not good at lying. Baka kung ano pa ang masabi ko. Basta ang kabilin-bilinan ni Ryu, hindi ko dapat sabihin kay Mama na nandito rin siya sa Bora. Saka na lang kapag nakaalis na siya.

        Hindi na rin nagpumilit pa ang nanay ko na usisain ako tungkol kay Ryu. Bumalik ito sa kuwarto niya na labis na nag-aalala pa rin. Naawa tuloy ako sa kanya. I feel guilty na nagsinungaling ako sa kanya. Natukso na naman akong habulin siya at sabihan na nasa baba lang ang hinahanap nila pero ayaw ko namang traidurin ang boyfriend ko.

        Pagpasok ko sa kuwarto, kaagad kong dinayal ang room number ni Ryu. Nakalimang rings bago niya ito sagutin.

        "Ang tagal mo namang mag-pick up. Ano bang pinaggagawa mo dyan?" naiinis kong sabi sa kanya pagka-hello niya.

        "I was taking a shower.  Lumabas lang ako dahil sa teleponong to.  What's up?" sagot niya. Cool lang ang boses.  Walang ka-worry-worry.

        "Tinawagan ni Otōsan si Mama. Hinahanap ka. Two days ka na raw nilang hinahanap at di ka nila makontak-kontak," pagbibigay-alam ko sa kanya.

        "Two days na nila akong hinahanap pero wala pa rin silang clue kung nasan ako? Ang hina naman nilang maghanap kung ganun," may himig-pagbibirong sagot nito.

        "I'm not kidding, Ryu.  Ba't hindi mo harapin ang uncle mo? Prangkahin mo siya sa natuklasan mo sa kompanya. Mag-usap kayong dalawa," advice ko sa kanya.

        "Wala pa akong sapat na ebidensya. For sure, ikakaila niya yon. Hintayin ko muna ang resulta ng imbestigasyon ko. In a few days, malalaman ko na rin ang totoo. When that time comes, ewan ko kung anong mangyayari."

        "I hope na hindi ka makakalimot na siya ang taong nag-aruga at nagpalaki sa yo," malungkot kong sabi.  Nag-aalala na rin ako kay Mama.  Siyempre, asawa niya yon. Tsaka kahit papano, napamahal na rin si Otōsan sa akin.

        Hindi siya sumagot.

        "Ano'ng sasabihin ko kapag tinanong na naman ako ni Mama? I cannot lie to her forever."

        "Kung magkagipitan, di sabihin mong nagkita tayo dito pero umuwi na kamo ako ng Japan."

        "Magsisinungaling na naman ako, ganun?" naiinis kong sagot sa kanya.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon