Chapter Eighteen - Discovery

10.7K 340 9
                                    

        Nagtaka ako nang bigla na lang ay ayaw na akong pasamahin ni Mama kay Aaron. Nang niyaya akong mag-banana boat ride ng huli, sinabihan niya itong isasama niya akong mag-shopping ng souvenirs para sa mga kaibigan namin sa Manila at Osaka. Dati-rati naman ay halos ipagtulakan niya ako dito. What happened? I feel something strange.

        "Okay lang ba kayo, Ma?" tanong ko habang naglalakad-lakad kami sa pinaka-shopping center ng Bora. Nilingon niya ako at nginitian pero di naman ito umabot sa kanyang mga mata. Parang pinipilit lang niyang magmukhang masaya for me.  Siguro mukhang di ako kumbinsido na okay siya kung kaya nilapitan niya ako at inakbayan.

        "I'm thinking of going back to Manila. Boracay has become boring. Ano sa tingin mo? Okay lang ba if we head back to Manila tonight?"

        Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Siya ang nagsabi na we will stay in Bora for at least a week dahil wala naman daw kaming gagawin sa Manila. Why the sudden change in plans?

        "Wala pong problema sa akin. Mas mabuti nga po at nang maka-bonding ko naman mga dati kong kaibigan dun before we return to Japan."

        Humarap siya sa akin. Kahit pinapasaya niya ang mukha, hindi pa rin nakalusot sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata. Something is definitely wrong.

        "Do you like our life in Japan?" bigla na lang niyang naitanong. Napakunot ang noo ko. Dayalog ko to nung isang araw a. Medyo nalilito na ako sa mga pinapakita niya at pinagsasabi. Parang she's hinting on something...Huwag naman sana. Nakapangako na ako kay Ryu.

        "May ibig po ba kayong sabihin, Ma?" tanong ko sa kanya.

        "Nah. Just asking," at ngumiti na naman siya sa akin. Nang tinitigan ko siya, tumawa siya nang mahina at hinila ang kamay ko para sabay kaming pumasok sa tindahan ng mga sarong.  I'm convinced na. May tinatago siya sa akin. Mamaya sa hotel, tatanungin ko na talaga siya.

        Mayamaya pa nagsusukat na ako ng napiling sarong sa loob ng dressing room. Nang maisukat nga ang kulay asul, lumabas ako para ipakita sa kanya kung ano sa tingin niya. Pero hindi ko na siya mahagilap. Nagpalinga-linga ako sa paligid.

        "Lumabas po siya, Ma'am. May tumawag kasi sa phone niya," sabi sa akin ng sales lady.

        "Ah, ganun ba? Salamat."

        Bumalik na lang ako sa loob ng dressing room at sinukat ang kulay orange. Dahil hindi ako makapamili sa dalawa, minabuti ko na lang na kunin sila pareho. Hindi na ako naghintay sa opinyon ni Mama. Ang tagal niya kasing bumalik. Nabayaran ko na't lahat ang pinamili ko ay wala pa rin siya. Minabuti ko na lang na lumabas na rin at hanapin siya. Nakita ko naman siya agad sa di kalayuan. Nabahala agad ako sa nasaksihan ko. Gumagalaw-galaw ang kanyang balikat na tila umiiyak habang hawak-hawak ang cell phone malapit sa tenga. Napakunot-noo ako.  Nilapitan ko siya. Nang ilang dipa na lamang ako ay binaba na niya ang hawak at pinahiran ang luha.

        "Ma? Bakit po?"

        Parang napapiksi siya. Napahiran na niya ang mga luha sa pisngi nang humarap sa akin. Ngumiti na naman siya sa akin nang pilit. Pero this time hindi na ako nagkunwaring wala akong napansin.

        "Bakit po kayo umiiyak? Sino po ang kausap nyo? Si Otōsan po ba?" deretsahan kong tanong.

        "O, nakabili ka na pala. Ibinili mo rin ba ako?" sabi nito. Sadyang iniwasang sagutin ang katanungan ko. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.  "I heard, may mga magagandang abubot dun sa unahan. 'Lika tingnan natin kung may magugustuhan tayo."

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon