Kabado na naman ako habang naghihintay sa resulta ng operasyon kay Papa. Naulit yong dating pangyayari at ako na naman ang dahilan kung bakit nasa bingit na naman siya ng kamatayan. Kapag may nangyari sa kanya, for sure, I'll be guilty for the rest of my life.
Naramdaman ko na lang ang masuyong pag-akbay ni Ryu, Pinisil-pisil niya ang balikat ko at hinalikan ang aking buhok.
"Don't blame yourself. I don't," bulong nito sa akin.
Siyempre naman. What can I expect from him? Wala naman siyang kaamor-amor sa ama, e. Imbes na sumagot, napapikit na lamang ako at sumandal sa kanya.
Lumabas na ang doktor at lumapit sa amin. Malungkot ang mukha nito. Awtomatikong dumagundong ang puso ko. Para akong hihimatayin.
"We did all we can pero ..."
Nanlambot ang tuhod ko. Napakapit ako kay Ryu. Parang hindi ako makahinga. Kaagad naman akong niyakap ng asawa ko. Hinagkan-hagkan pa ang aking buhok.
Tumigil sa pagsasalita ang doktor. Napatingin siya sa akin. Mukhang nag-aalala. Minanduan nito ang dumaang nurse na bigyan ako ng tubig. Kaagad namang tumalima ang babae at mayamaya pa'y may inabot na sa aking isang bote ng mineral water. Binuksan yon ni Ryu for me. Nang makainom na'y bumuti-buti ang aking pakiramdam.
"...we were not able to save Mr. Otsuji," narinig kong sabi ng doktor. Hindi nagrehistro sa akin lahat, iyong dulo lang ang tumimo sa isipan ko. Mr. Otsuji? Teka...
Napatingin sa akin si Ryu. Nakita kong may lumambong na kalungkutan sa kanyang mukha. May nangilid pang mga luha sa kanyang mga mata.
"Maraming salamat sa impormasyon," tanging nasabi niya sa doktor. "Pwede ko siyang makita bago nyo dalhin sa morge?"
Tumango ang doktor at dinala niya kami sa operating room. Hinahanda nang dalhin ang bangkay sa morge ng ospital. Iniwan kami saglit ng mga nurses at staff. Lumapit si Ryu at nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.
"I'm sorry if it ended this way, Ojisan. I hope you'll rest in peace now," narinig kong bulong niya.
Unlike Ryu, di ko makuhang umiyak. Sa lahat ng mga pinaggagawa niya sa aming mag-ina, pakiramdam ko tama lang na sinapit niya ito. Now that he's gone, mapapanatag na rin ang aking kalooban.
Hinila ako ni Ryu at sinenyasang lumapit. Umiling ako. Pero later on ay napahinuhod na rin. Inakbayan niya ako habang pinagmamasdan namin si Otōsan.
"Kahit papano, pinaramdam naman niya sa akin noon kung papano magkaroon ng pamilya. Kaya kahit na nagkaganyan siya, pag naaalala ko ang mga ginawa niya sa akin noong bata pa ako, nalulusaw din ang galit ko."
"May motibo naman siya bakit niya ginawa yon," sagot ko naman.
"Kahit na. Tao lang naman siya. Hindi ko rin siya masisisi nang lubusan. I guess he turned out that way dahil kay Lolo. Siguro masyadong naipamukha ni Lolo sa kanya na kahit he adopted him, he still doesn't belong to his family."
Napasulyap ako kay Ryu with a renewed admiration. Sa kabila ng lahat, napatawad niya pa rin ang kanyang tiyuhin. Bihira ang mga taong katulad niya. Sana lang ay magkaroon siya ng gano'n ka lawak na pang-uunawa sa kanyang ama.
Paglabas namin ng operating room, pinatawag din kami ng doktor na nag-opera kay Papa. This time, hanggang leeg ang nerbiyos ko. Sinabihan ko si Ryu na siya na lang ang makipag-usap sa doktor at hihintayin ko na lang siya sa labas. Hindi naman niya ako pinilit na sumama. Pero nang ako na lang mag-isa sa upuan sa labas ng silid ng doktor, nagsisi rin ako na hindi pumasok sa loob. Mas matindi pala ang nerbiyos kung naghihintay ka lang. Alam mo kasing pinag-uusapan na nila ang resulta ng pinakahihintay mo.
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Teen FictionAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...