1: CATCH ME

1.3K 46 10
                                    

CATCH ME

"Kuya, kuya, crush ka daw nito oh!"

"Oo nga kuya, pansinin mo naman siya."

"Pa-picture daw siya kuya!" At patuloy na tinulak-tulak si Liezel ng mga kaibigan niya papunta kay Von, ang matagal nang crush ng dalaga. Hiyang-hiya na siya pero ang mga kaibigan niya, go lang nang go.

Tumigil si Von sa harap nila at tinignan ang mga kasama ni Liezel.

"Di niyo na siya kailangang itulak, baka mahulog lang siya."

"Ayieeeeee!"

"Concerned ka ba kuya?"

"Crush mo din ba siya?" Nanatiling tahimik si Liezel at hinahayaan ang mga kaibigan niyang makakapal ang mukha na kausapin ang binata.

"Kapag nahulog kasi siya hindi ko naman siya masasalo."

"Awww, akala namin kasi.."

"Tara na, uwi na tayo." Yaya ni Liezel. Bagama't wala naman talagang pag-asa, nakaramdam ng labis na disappointment ang dalaga.

Tumalikod na siya. Sabi na nga ba niya ganito lang ang kahahantungan nito.

"Hindi ko siya masasalo, kasi una pa lang di ko na siya hahayaang mahulog." Nakaramdam siya na may humawak sa balikat niya.

"Nauna na kasi akong mahulog, Liezel. Pwede bang ako naman ang saluhin mo?"

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon