27: PARLOR GAMES

231 13 0
                                    

PARLOR GAMES

"Oh, partner-partner na daw kayo! Bilis! Masaya 'to." Whatever. Bakit pa ako makiki-partner diy'an, eh, nasa kabilang section naman 'yong gusto kong maka-partner?

Kahit nga picture lang kasama siya bago mag-2020 eh, kaso nakakahiya.

Lalamon na lang ako nitong lumpiang shanghai kahit na sa unang kagat, puro wrapper lahat ang nalalasahan ko.

"May dayo pala tayo dito!" Biglang nagkaroon ng kumpulan sa may pintuan.

"Ang boring ng Christmas party namin. Pwedeng maki-saling pusa? 'Wag kayong mag-alala, busog na ako."

"Pwede naman! Tara sali ka sa laro namin. Hanap ka ng partner mo." Medyo nanahimik 'yong mga kaklase ko dahil sa pagdating ng bagong bisita. Isang bagay na nakapagtataka para sa section na excited sa parlor games na magaganap.

"Ito, ito na lang!" Muntik na akong mabulunan nang may kumaladkad sa'kin papunta sa gitna ng room.

Holy macaroni!

Bakit 'yong kaninang gusto kong maka-partner, andito na sa tabi ko at hawak-hawak ang pulso ko?

"Hindi naman kita naabala sa pagkain mo?" Umiling ako. Nagsigawan naman 'yong mga kaklase namin dahil sa tugon ko.

Mga siraulo! Ang hirap kapag exposed sa buong section niyo 'yong crush mo at mga kagagahang ginagawa mo para magpapansin sa kaniya.

Nagkagusto kasi ako kay Beckham magmula noong buhatin niya ako papunta sa clinic. Cheerdance namin nun at bali-balitang naging center of attraction daw ako nang mahimatay ako after ng performance namin.

Hinintay niya akong magising, binilhan ng pagkain at hinatid na rin sa bahay namin. Pero pagkatapo nun, hindi na niya ako pinansin pa. At doon na ako nahulog.

I guess, talagang mabait lang siguro siya.

"So ready na kayo?"

"Ready na!" Ano? Teka, anong gagawin?

Bale dalawamg groups kaming naka-linya. Boy-girl-boy-girl. Napamura ako nang unti-unti kong napansin kung anong klaseng laro 'yong ginagawa namin.

Paper-kissing game!

'Yon 'yong game na maglalagay 'yong isang player ng papel sa bunganga niya at sa pamamagitan ng paghigop mo mula sa bunganga niya, kailangan mapanatili mo sa bunganga mo 'yon at gawin ang parehas n procedure sa susunod na player hanggang maipasa na sa dulo!

Tila may boxing match nang naganap sa puso ko nang makita kong ipasa nung isang kaklase ko 'yong papel kay Beck. Nasa bunganga niya na! Ako ang last player! Kapag hindi ko 'to hihigupin, matatalo kami!

Nang ipapasa niya na sa'kin, nagtama ang mga mata namin. Para bang sinasabi niya na "Gawin mo na!".

Dala ng pressure, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inilapat ang labi ko sa labi ng Beck para mahigop 'yong papel.

Kahit pa may piraso ng papel sa pagitan ng mga labi namin, ramdam ko 'yong lambot nito. Gumagalaw-galaw pa ito para lang maipasa na sa labi ko ang papel.

Nang masigurado kong nasa bunganga ko na ang papel, didiretso na sana ako sa bowl kung saan isho-shoot ito, pero bigla na lang niyang hinigop 'yong papel kaya nahulog ito at...

Nagtama ang mga labi namin!

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Para bang naka-auto focus 'yong mga mata ko sa kaniya ㅡ sa mga mata niyang parang nang-aakit ㅡ na para bang nagugustuhan niya ang mga nangyayari ㅡ na para bang sinasadya na ang lahat.

Nung naghiwalay ang mga labi namin, doon ko lang tuluyang narinig ang sigawan ng mga kaklase namin.

Nakangiti siya. Samantalang ako, gulat na gulat.

"Dumayo ka lang pala dito para maka-score, eh!" Kantyaw ng class mayor namin.

"Hindi, ah!" Tumawa siya at muling ibinaling ang tingin sa'kin. "I hope you like my Christmas gift."

"Christmas gift? Ninakaw mo 'yong first kiss ko!" Syempre kinikilig ako, no! Pero ayoko namang mahalikan sa ganitong paraan!

"First kiss?" Napakamot siya sa likod ng tenga niya. "So dalawa na pala 'yong Christmas gift ko, sa'yo?"

"Huh?"

"I kind of uhh.. kissed you? Noong tulog ka sa clinic." Tawa siya nang tawa. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga kaklase namin.

"I liked you before you even started liking me. And thanks to your classmates, finally! Naamin ko din."

Nanatili lang ako na-estatwa. Ako lang ba 'yong walang alam dito?

"Sorry for stealing your kisses. Next time, magpaalam na ako, okay?"

And that truly left me dumbfounded.

Santa just granted my Christmas wish!

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon