4: RUNNING FOR

591 25 2
                                    

RUNNING FOR

"Matatalo ako dito."

"Ano ba Jastine? Pwedeng 'wag kang negative?"

"Ano naman kasing laban ko doon sa Jarred na 'yun?" Bigla namang naghiyawan ang mga tao sa paligid namin. Napalingon kami ni Naj nang pumasok sa canteen ang isang lalaki na akala mo naligo ng gel sa sobrang kinis at ayos ng buhok.

Napairap ako dahil nakita ko na naman ang pinaka-ayaw 'kong tao sa balat ng kalawakan.

"Speaking of the devil.." Ibinaba ko na yung kutsara at tinidor ko. Pakiramdam ko kasi wala na akong gana at 'pag kumain pa ako masusuka lang ako.

Niyaya ko na si Naj na pumunta sa next subject namin kaya naman nagligpit na kami ng mga gamit at tumayo. Habang palabas naman ng canteen ay nabunggo ko 'yung ungas.

Napairap na naman ako.

"Handa ka na bang matalo, Miss Ranolo?" Yabang talaga ng kapreng 'to.

"Sino bang may sabing magpapatalo ako?"

"Then let's see kung sinong uuwing luhaan mamaya."

"Mukha mo." Umirap na naman ako at nag-walk out dahil feeling ko sasabog na naman ako sa inis. Alam na alam niya talaga sirain yung araw ko 'no?

Humanda ka talaga Jarred Mercado. Makikita mo.

Uwian na nang makita 'kong nagkukumpulan ang mga tao sa may bulletin board.

"Jas, andiyan na pala 'yung results ng SC elections!" Kumabog naman 'yung puso ko habang hindi ko namalayang dinadala na pala ako ng mga paa ko papunta sa bulletin board. Pikit-mata akong nakipagbanggaan para makapunta sa harap.

Ito na, ito na!

Dinilat ko yung mga mata ko at tumambad sa'kin ang bilang ng mga boto..

'Jarred Mercado: 3190
Jastine Ranolo: 2178'

Nanlumo naman ako sa nakita ko. Inaasahan ko naman na, pero bakit masakit? Sabi ko na nga ba wala akong laban kay Jarred bilang SC President, pero bakit ba ang tigas ng ulo ko?

Sakto namang nakita ko sa madla ang nakangising mukha ni Jarred. Letse, ang sarap ikiskis sa bulletin board!

Lumapit naman siya sa'kin at naramdaman ko ang unti-unting pagtahimik ng mga tao sa paligid ko.

"Wala bang 'Congrats, Jarred' diyan?" Nakangising bungad niya.

"Umalis ka sa harap ko, wala ako sa mood."
Magwa-walk out na naman sana ako pero bigla naman itong sumigaw.

"Alam mo ang gulo mo, sabi mo umalis ako, tapos ikaw ang umalis? HAHAHA." At kasunod naman ay umugong ang malakas na tawanan sa paligid. Feeling ko tuloy, napahiya ako.

Wala na akong paki kung pagtawanan pa ako, pakiramdam ko rin naman pahiyang-pahiya na ako bakit 'di ko pa sulitin? Sana lamunin na ako ng lupa.

Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Jarred na hinawakan ang balikat ko at iniharap sa kanya. Marahas ko naman itong inalis at pinukulan siya ng masamang tingin.

"Ano na naman ba? Ikaw na nga nanalong SC President oh. Ikaw na! Bakit mo pa pinapamukha sa'kin?" Humakbang siya papalapit sa'kin.

"Alam mo, kaya ang saya-saya ko na hindi ka nanalo at ako ang naging SC President eh.." Natatawa pang saad nito kaya naman napayuko na ako.

"Mas bagay mo kasing maging first lady ko.." Natigilan naman ako at tinignan siya sa mata, yung kaninang ngisi ay napalitan ng ngiti niya.

"Talo ka man sa elections, panalo ka naman sa puso ko eh." At lalo naman siyang ngumiti at tuluyan nang nawala yung singkit na mga mata niya.

"Liligawan kita Jastine Ranolo."

"Ayieeeeee!"

"As your Student Council President I declare.." Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko.

"..and that's an order."

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon