29: I SLEPT WITH A STRANGER

344 17 0
                                    

I SLEPT WITH A STRANGER

Sobrang tindi ng pag-aaway namin ng asawa ko kagabi. Kaya naman hindi ko na mapigilan ang mag-walkout nang mapuno na ako sa mga sinasabi niya kahit pa dis-oras na ng gabi.

"Can I buy you a drink?" Hindi ko pinansin 'yong lalaking nagprisinta sa tabi ko. Bagkus, ako ang bumili ng sarili kong mga heavy drinks nang walang pakundangan.

Sa totoo lang, marami nang lalaki ang sinusubukan akong lapitan pagkapasok ko pa lang dito. Pero hindi 'yon ang pinunta ko.

Magpapakalasing na ako dito sa bar na 'to para mkaalimot. Tutal, puro naman kami away sa bahay, eh. Mas gusto ko na lang ang magpakasaya, kahit saglit lang.

Hindi ko na alam kung ilang bote ng alak ang naubos ko. Magagalit ang asawa ko sa'kin kapag nalaman niya ang pinagagagawa ko. Pinagbabawalan niya kasi akong uminom kapag hindi siya kasama. Pero wala akong pakialam. Gusto kong sumayaw!

Dinala ako ng mga paa ko sa dancefloor at nagsasasayaw ako kahit hindi naman talaga ako marunong. Alam ko sa sarili ko na may tama na ako, pero nararamdaman ko pa din kung paano ako bungguin nung isang lalaki sa siko ko. Para bang nananadya.

"Ano ba?" Nairita ako nang tinitigan niya lang ako at nginitian. Hindi ko alam kung gwapo ba siya o ano. Umiikot ang paningin ko at ang labo ng paningin ko.

"May kasama ka? Gusto ko sanang makipag-sayaw sa'yo."

"Hindi pwede! Magagalit 'yong asawa ko!"

"Wala naman siya dito, eh." Pinilit ko siyang itaboy pero masiyado na akong lasing para makapagpumiglas nang hawakan niya ang palapulsuan ko at hinila sa kung saan.

Maya-maya, dinala na niya ako sa kotse niya at pinaandar niya ang sasakyan.

"S-saan mo ko dadal--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang magdilim ang lahat.

Kinabukasan, nagising ako na parang pinupokpok ng martilyo 'yong ulo ko. Hindi ko pa maimulat ang mga mata ko sa sobrang sakit. Inunat ko 'yong mga braso ko nang bigla akong may nakapang kung ano sa tabi ko.

Pinisil-pisil ko 'yon.

Tae! Sino 'to?

Lalo akong napapikit nang mariin habang pilit inaalala ang mga kaganapan kagabi.

Tinangay niya ako! Did I just sleep with this stranger? Did something happen?

Omg. Omg. Omg.

Richelle, bakit ang tanga?

"Are you awake?" Nagsalita 'yong katabi ko. Umiling ako. "You are."

"Sino ka? Anong ginawa mo sa'kin?"

"Wala akong ginawa. We just slept, that's all. Or did we?" Pilyo niyang tanong.

Napakagat ako sa labi ko. Ano na lang mulhang maihaharap ko sa asawa ko? Ang dumi ko.

Ang dumi dumi kong babae!

Sa sobrang hiya ko sa sarili ko, bigla na lamang akong naiyak.

"Hey! Stop crying!" Ayoko siyang tignan. Ayokong tignan 'yong dahilan ng pagtataksil ko sa asawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. "Richelle!"

Napatigil ako sa pag-iyak nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Iminulat ko ang mga mata ko para makita ang nakangiti niyang mukha sa harapan ko.

"Sinundo mo ko?" Tumango siya.

"I can't let you go somewhere else while you're mad. Wag mo nang gagawin ulit 'yon, ah?" Nang makita ko ang pag-alala niya sa mukha niya, lalo akong naiyak.

I was too drunk.

Too drunk not to realize that the stranger I slept with is actually my husband.

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon