10: TRUST FALL

348 15 0
                                    

TRUST FALL

"Okay, campers! Find your partners!" Napabuntong-hininga na lang ako kasi tinatamad ako gawin 'tong activity na pinapagawa samin.

Sinipa ko yung maliit na bato na nasa may bandang talampakan ko.

Napalakas yung sipa ko at tumama naman yung bato sa isang lalaki.

"Ow!"

"Hala, sorry!" Nilapitan ko agad siya at hinawakan ang balikat niya.

OMG.

Sa oras na lumingon ito ay hiniling ko na sana hindi na lang pala ito lumingon..

"Ikaw pala, Nallyza." Parang naramdaman ko lahat ng dugo na umakyat sa mukha ko.

Kainin na ako ng lupa.

Please lang lupa, bumuka ka na ngayon, at lamunin ako.

Akala ko ba hindi siya sasama? Bakit nandito siya? Bakit andito siya sa harap ko?

Teka, teka! Anong sasabihin ko?

"Hehehe. P-pasensya na, b-b-bye." Shoot! Ano yun Lyza? Bakit ganun?

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya yung braso ko.

Parang nakuryente yung balat ko nang maramdamang dumikit ang palad niya sa braso ko.

Anla, wag ganiyan!

"May partner ka na ba?"

"A-ako? O-o-o, mayroon n-na e." Agad na hinanap ng paningin ko ang bestfriend ko na nai-spot-an ko sa 'di kalayuan.

"Doris! Partner tayo di--"

"Waah, Nallyza! Sorry ha? Nauna na si Ken e." Sabay nginitian niya ako na para bang humihingi ng tawad sabay peace sign pa.

Binelatan lang ako ng partner niyang si Ken at hinila na si Doris papunta sa pwesto nila sa grassland.

Napaka-traydor na bestfriend na to, pinili ang boyfriend over sa bestfriend! Kung kailan kita kailangan eh.

FO na talaga tayo mamaya pagbalik sa dorm. Taksil! Taksil!

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kataksilan na ginawa ni Doris sakin.

"So it looks like, single ka na?" Biglang nagsalita si Paolo na siya namang ikinalaki ng mata ko.

Teka.. Parang double meaning yun ah?

"I mean, may partner na si Do. So baka naman.." Nagets niya ata yung reaksyon ko nang tignan niya ako ng may mga ngiti sa labi pati na rin sa mata niya.

Ang cute-- heh! Kinakalimutan mo na siya Nallyza diba?

Napakamot na lang ako sa bangs ko. Wala na akong ibang nagawa kundi kaladkarin ang mga paa ko at labag sa kaloobang tumabi ako sa kaniya

Lord, bakit naman ganito?

Ayaw na ayaw ko na ngang makita si Paolo, tapos ganito pa at magiging mag-partner pa kami sa activity na to?

Paano ba naman, sa tuwing makikita ko so Paolo naaalala ko kung paano ako umamin sa kaniya last week!

Ang sabi ko pa naman, pagkatapos kong aminin na gustong gustong gustong gusto ko siya eh, gagawin ko na ang lahat upang hindi mag-krus ang landas namin.

Pagkatapos tumakbo na ako nang walang ano-ano.

Sobrang nakakahiya yun, pero hindi ko alam na sobrang mas nakakahiya pala pag magkikita kami pagkatapos ng pangyayaring yun? Waaaaa!

Kaya nga ako pumunta sa camp na 'to para makalimutan ko na sana siya tapos, andito pala siya?

Huhuness naman! Huhuness talaga!

"So the mechanics are easy, no tactics required just TRUST in your partner. Kailangan lang i-blind fold nung isang tao at magpapatihulog ito, habang yung partner mo naman ay naka-antabay sa likod mo at kailangang saluhin ka. That is to test how you fully trust each other." Sabi nung emcee sa may stage.

Trust fall?

Juice colored naman, bakit ganito.

Edi magkakaroon kami ng physical contact ni Paolo?

Asaan na yung move-on, move on mo Nallyza? WAAAAAAAH!

Nag-panic naman ako nang biglang magdilim ang paningin ko.

"Waaah!?"

"Relax, Lyza. Babae daw mauuna."

Anak ng potato fries na bake at not fried naman oh, ang lapit niya sakin!

Nararamdaman ko yung hininga niya sa batok ko.

Kaninong panyo to? Mygash. Amoy pogi!

Ikaw talaga Nallyza, ilang meters na nga lang layo ni Paolo sa'yo nagagawa mo pa rin ihirit yung kalandian mo?

"Okay ladies, whenever you're ready."

"Sige na Lyza." Narinig ko ang malambing na boses ni Paolo.

"Teka, wala akong makita!"

"Malamang, blind folded ka. Haha!" Ay shoot, oo nga. Gaga Lyza, gaga.

"Sigurado ka bang magpapatihulog na lang ako? Paano kung di mo ako saluhin? Paano kung mahulog ako tapos masaktan ako?"

"Sasaluhin kita, sige na.."

"Kasi naman, Paolo.."

"Don't you trust me?" Parang hinila ng mga salita niya ang beywang ko, at kusa ko na lamang hinayaang mahulog ang katawan ko.

In 3..2..1..

Ops, walang masakit!

Sinalo ako ni Paolo!

Sinalo niya ako!

"Sabi sa'yo sasaluhin kita di'ba?"

"Oo, salamat Paolo. Akala ko hahayaan mo kong mahulog eh. Hahaha!"

"But I didn't."

"Yeah, so pwede bang pakibitawan na ak--"

"Bakit kita bibitawan?"

"Kasi tapos na yung activity?"

"You don't get me Lyza, do you?" Naramdaman ko ang hininga niya sa may kanang tenga ko.

"Last week, you confessed. Bakit hindi mo hinintay yung sagot ko?"

Talaga bang pag-uusapan namin to? Huhuness. Bakit? Bakit? Nakakalimutan ko na e!

"You know why this activity is called Trust fall?"

"Bakit?"

Naramdaman kong itinayo na ako ni Paolo at tinanggal niya yung piring sa mga mata ko.

"Because you told me you were falling, Nallyza. At sa larong ito, I should catch you when you fall. And I did catch you.."

"Ano?" Humarap ako sa kaniya at nakitang nakangiti pala siya.

"Ang kaibahang nga lang, yung nararamdaman ko sa'yo hindi ito laro. Bago ka pa mahulog, sinalo na kita. Yes Nallyza, I like you too."

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon