37: SHOULD YOU TRUST A CHEATER?

235 13 0
                                    

SHOULD YOU TRUST A CHEATER?

"Do you want to watch the stars with me tonight?" Harang ni Knoxx nang pumatak ang pagtatapos ng oras ng trabaho namin.  Tinapunan ko siya ng masamang tingin na nangangahulugang 'hindi kailanman'.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong inaya. Paniguradong hindi na rin niya mabilang kung ilang beses akong tumanggi. Baka mamumuti muna ang uwak bago mangyari 'yon.

"Busy ka ba ngayon?" Muli niyang tanong nang mapansin ang pagiging walang kibo ko.

"Hindi, Knoxx. Ayoko. Ayoko lang talaga manuod ng mga bituin kasama ka." Diretsahang sagot ko na bahagyang nagpaatras sa kaniya.

Nauubusan na ako ng dahilan kaya kailangan ko nang maging prangka. Ayoko kay Knoxx.

Sino ba namang magkakagusto sa isang cheater? Akala niya ba hindi ko siya nakikita mula sa upuan ko kung paano siya makipagkopyahan sa mga katabi niya?

Ang babaw, pero natatakot ako sa mga tipo niyang lalaki. Oo, may itsura siya, maayos ang estado sa buhay at marunong makisama. Pero kilala ko siya ㅡ sa unang tingin pa lang, parang mahihirapan ka nang ipagkatiwala ng sarili mo sa kaniya.

I just don't want to affiliate myself with him. He cheats on test questions, what if he cheats on me with someone when he no longer finds me challenging?

Tinalikuran ko siya at dire-diretsong naglakad palayo. Sa 'di kalayuan, nakita ko ang manliligaw kong si Pol, nakasandal sa kotse niya at kumakaway sa'kin.

Iyan ang mga tipo ko. Si Pol na may prinsipyo, may pangarap sa buhay, at lalong-lalong hindi nandaraya para sa pansariling kapakanan niya.

Pol was an ideal man any woman could ever dream for. Malayong-malayo kay Knoxx na mukhang sasaktan ka lang. Para lang ako kay Pol.

"So, bukas na lang, Jade?" Pasampa na sana ang paa ko sa sasakyan nang marinig ko ang pahabol ni Knoxx. Hindi ko siya pinansin at tuluyang pumasok sa loob.

"Kinukulit ka ba n'on?" Inilingan ko lang si Pol na nagmamaneho. "Sabihin mo lang kapag nangulit pa ang isang 'yon sa'yo. Kakausapin ko."

Tipid lamang akong ngumiti at tumingin sa daan.

Kinikilig ako dapat. Natutuwa dapat ako na gusto akong protektahan ni Pol, pero... hindi ko magawa.

Knoxx has been knocking on my door but I choose to keep shutting him out. Hindi dahil sa ayaw ko sa kaniya, kundi sa pagpipigil ko na tuluyang mahulog sa kaniya.

'Para lang ako kay Pol' ang sinasabi ng utak ko, pero tuwing andiyan si Knoxx, parang mas gusto ko na lang sundin ang puso ko.

Pol and Knoxx's place in my heart was so clear that I knew being in this car with a man I don't like feels so wrong.

"Last fifteen minutes," paalala ng professor namin dahilan para mas bumilis ang pagsagot ko.

Napasulyap ako sa upuan ni Knoxx na kasakuluyang patagong sinisipa ng katabi niya pero hindi niya nililingon. He was focused on answering, though it didn't seem like he was doing well with it.

Isa ako sa mga huling lumabas ng room dahil paulit-ulit kong ni-review 'yong sagot ko. Sa likod ko, nakasunod si Knoxx na saktong nginitian ako nang hindi sinasadyang magtama ang mga tingin namin.

"Hirap nung quiz, 'no?" Napapakamot sa batok niyang tanong. "Pero lahat ng sagot ko, galing sa'kin. Kahit mali-mali 'yong formula, nag-solo flight ako."

Tumaas ang isang kilay ko. Ipinagyayabang niya ba sa'kin na hindi siya kumopya ngayon?

"I will never do it again, Jade. Cheating. If that's what you hate." Ngumiti siya at may iniabot na maliit na papel sa'kin. "Kaya sana, samahan mo ko manuod ng mga bituin mamaya... Kahit isang beses lang."

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon