35 l: HE ASKED FOR MY HAND

277 18 0
                                    

HE ASKED FOR MY HAND

Noong makita ko pa lang na nakatambay siya sa kanto at umiinom ng sparkle, I already knew he was the one.

"Uy pogi, oh!" turo ng kaibigan ko habang naglalakad kami papalapit sa tindahan.

"Ako nauna!"

"Mukha mo, 'wag kang abuso. May crush ka na sa room!"

"Bahala kayong mag-agawan diy'an, basta tatanungin ko ang pangalan niya." hindi ko na hinintay na makahabol 'yong dalawa at tumakbo sa tapat ng tindahan.

"Ate Maine, paload!" habang hinihintay ang tindera na kunin ang cellphone niya, sumandal ako sa counter at humarap sa kaniya. "Kuya, anong pangalan mo?"

Tinignan niya ako na para bang hindi na bago sa kaniya ang ganito. "Claude Asino."

Wow, ang dali no'n, ha.

"Anong number, Eljie?" dumating si Ate Maine dala ang cellphone.

"Okay na pala, Ate. Loaded na puso ko, ay char!" saka ako pasimpleng tumakbo papunta sa mga kaibigan ko.

"Mission accomplished!" nakipag-apir ako sa kanila.

Kinagabihan, nag-sleep over sila sa bahay at matapos namin hanapin sa ang Facebook account ni Claude, gumawa kami ng kasunduan.

"Alas-otso, sabay-sabay tayong magsesend ng message kay Claude at kung sinong una niyang rereply-an, sa kaniya na. Deal?" game na game silang tumango.

Hinintay namin ang pagpatak ng alas-otso at sabay-sabay naming pinindot ang send. Naghintay pa kami ng ilang mga minuto bago makarinig ng tumunog na messenger.

"I won!" winagayway ko sa mukha nila ang 'hi' ni Claude. Sinimangutan naman nila ako nang pabiro.

Bagama't ibang-iba ang attitude niya sa'kin, hindi ko akalaing interesting pala ka-chat ang isang Claude Asino.

Ang dami niyang sports at talagang lapitin nga naman siya ng mga babae. Adventurous at risk-taker din siyang tao. Kaya lalo akong naging interesado sa kaniya. Possible pala yon kahit ni wala kayong common ground, 'no?

Magmula no'ng gabi na una ko siyang chinat, hindi na naputol ang usapan namin, umabot na nang umabot ng buwan na magkausap kami.

"Ay, bad boy!" bulalas ko nang makita siyang nagsindi ng sigarilyo sa tapat ng tindahang unang kaming magkita ㅡ ang aming historical place, charot.

"Eljie?" gulat na gulat siyang tumingin sa'kin sabay inapakan ang sigarilyo.

"Huy, ayos lang! I don't mind." hinawi ko ang munting usok na natira sa paligid.

"Hindi na. Baka ayaw mo kapag mabaho, eh." sinipa niya ito palayo sa'min saka sumandal sa counter ng tindahan.

"Alin?"

"Ito." hindi na ako nakapalag nang lumapit siya sa'kin at halikan ako sa pisngi. "Amoy usok?"

Wala sa sarili akong napailing dahilan para tumawa siya.

"Ayos." ginulo niya ang buhok ko bago naglakad palayo. Pero bago siya mawala sa paningin ko, may pahabol siya. "Eljie, ligawan kita, ah!"

Hindi 'yon tanong. Dineklara niya nang liligawan niya ako!

Pero anong karapatan niyang nakawan ako ng halik? Bakit tuma-tsansing na siya gayong wala pa namang kami, ha? Pasagutin niya muna ako, 'no! Saka ko siya bibigyan nang marami. Char.

"Alam mo, sagutin mo na 'yan si Claude! Kita mo, hanggang ngayon nabulok pa rin 'yong 'hi' namin sa kaniya. Faithful sa'yo 'yan!" anang kaibigan ko matapos lumipas ang ilang buwang panliligaw ni Claude.

"Faithful nga, eh wala namang faith kay God. Kristiyano ako, pwede ba namang ibigay ang puso ko sa isang non-believer?" Iyon ang paulit-ulit na tanong ko sa isip ko.

Matinong tao si Claude, kung tutuusin. Masipag mag-aral, matulungin sa pamilya, may pangarap sa buhay. Pati mga bisyo niya tinanggal niya na nang magsimula siyang suyuin ako.

Iyon nga lang, atheist siya.

"2 years na ako naka-pending sa puso mo Eljie, ha. Pinapaasa mo lang ba ako?" tinignan ko siya nang masama kaya natawa siya. "Biro lang. Naiintindihan naman kita, eh."

Sa totoo lang, katatapos lang naming magbati ngayon matapos naming mag-away sa religious beliefs namin kagabi. Nainis tuloy ako kasi ayaw niyang patalo.

"Sorry na. Kaya nga tara na para makabawi ako." sinuot niya sa'kin ang helmet at tinapik ang upuan sa likod ng motor niya.

"Saan tayo?" sumakay ako at yumakap sa beywang niya.

"Simba tayo." halos gusto kong tumalon sa motor niya dahil sa sinabi niya.

Parang kagabi lang, balak niya akong patumbahin sa mga rebuttals niya tapos ngayon nag-aaya siyang magsimba kami? Ayos lang ba 'tong si Claude?

Nakarating kami sa tapat ng pinakamalaking chapel sa siyudad namin. Pinanuod niya akong mag-sign of the cross bago pumasok.

"Hindi ka ba masusunog dito?" pinitik niya ang noo ko, muntik na akong magmura sa loob ng simbahan.

"Hindi ako naniniwala, Eljie, pero hindi naman ako diyablo." iniwan niya ako at naglakad papunta sa benches na nasa malapit sa altar.

"Paano ko Siya kakausapin?" lumuhod ako at tinignan siya para gayahin ako. Ginawa naman niya ito saka pinagdaop ang mga palad katulad ko.

Sabay kaming pumikit at nanalangin.

Nagpasalamat ako sa inakto ni Claude sa araw na 'to. Matagal na akong naniniwala sa mga himala, pero ang himalang may kinalaman kay Claude ang pinaka-nagpataba ng puso ko.

Kaya naman kung hihingian niya na ako ng sagot sa araw na 'to, alam ko na ang isasagot ko.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko dahil tapos na akong magdasal nang biglang magsalita si Claude. Hindi mahina o malakas, ngunit sapat na para marinig ko.

"Lord, minsan lang ako humingi sa Iyo, kaya susulitin ko na." narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "Pwede ba, Lord, hingin ko na sa panghabang-buhay itong katabi ko?"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kasabay nito ang paglingon ni Claude sa'kin habang magkadaop pa ang kaniyang mga palad.

"Nag-usap na kayo ni Lord?" tumango habang kagat-kagat ang labi ko. "Anong sabi?"

"Pwede na raw, Claude. Pwedeng-pwede." namuo ang luha sa mga mata ko nang yakapin niya ako. Naramdaman ko lalo ang pagmamahal niya nang naramdaman ang pamamasa ng balikat ko.

Tuwang-tuwa ang puso ko no'ng araw na 'yon.

"Teka, sure ka ba talaga na hindi ka masusunog?" pinisil niya ang ilong ko saka ako sinimangutan.

"Hindi nga ako demonyo, Eljie."

"Bakit dito ang lugar na napili mo?"

"Because I want Him to know that I'm keeping my promise."

"Na ano?"

"Dito kita hiningi, dito rin kita pakakasalan." nginitian kami ng pari, tila narinig ang pinag-uusapan namin.

"Shall we start?" aniya. Tumango kami ni Claude, magkahawak ang mga kamay.

Kinasal kami ng lalaking hindi ko inakaalang magbabago para sa'kin sa loob ng sagradong bahay na akala ko hinding-hindi niya itatapak ang mga paa niya.

Lumipas ang mga taon na nagtatalo pa rin kami, pero hindi na madalas.

Hindi ko pinilit ang mga paniniwala ko sa kaniya, at hinayaan siyang kusang makilala ang Panginoon sa pamamagitan ng araw-araw at gabi-gabi na pagsama ko ng pangalan niya sa panalangin ko.

Magkaiba kami Claude sa halos lahat ng bagay. Gayunpaman, hindi naging rason ang pagkakaiba ng mga prinsipyo namin para bitawan namin ang isa't-isa.

We believed separately at first, but prayed together in the end.

Magkaiba kami ni Claude ㅡ ibang-iba...

Pero ang nagagawa ng pagmamahal, ibang-iba rin. Lalo na kapag ang Diyos ang nasa sentro nito.

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon