36: HE'S HOT, I'M FAT

255 17 0
                                    

HE'S HOT, I'M FAT

Pinanuod ko ang mga kaklase ko na naglalaro habang nakaupo ako sa bleachers.  Naiintindihan kong may limit ang players ng laro pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kasama gayong kulang naman 'yong isang team.

"Raya! Halika, may trabaho kami para sa'yo." nagliwanag ang mukha ko nang tawagin ako ng team leader.

Collin, just called me! Who was I to turn down my crush?

"Ano 'yon?" I asked panting because I ran. My eyes noticed how the others were trying to stifle a laugh while I was holding my knees.

"Dahil malaki ang katawan mo, ikaw ang magsilbing base dito para makabuo kami ng pyramid. Okay lang naman sa'yo, 'di ba?" he chuckled.

"Sure!" napansin ko ang eksaheradang pagbibigay nila ng daan nang pumwesto ako sa gitna.

Bumuntong-hininga ako habang naramdaman ang mga paa nilang umaapak sa tuhod ko. Sa bawat aakyat, nadadagdagan ang nginig ng buong katawan ko pero tiniis ko.

"Ayan, buo na! Stay put for 10 seconds, guys!" tumingala ako at nakita ang perfect pyramid na nabuo namin.

I sighed and tried to hold it longer even if my knees were wobbling already.

Ten seconds, Raya! Ten seconds na lang...

"Hala!" I heard Collin shout along with his deep curses.

"Sorry!" maagap kong wika habang tinutulungan ang mga kaklase kong tumayo.

Stupid knees! Nang dahil sa kahinaan ko, lahat sila nahulog!

"I'm sorry, I'm really sorry!"

"Umalis ka na nga!" Collin shouted which made me take a step back. "Ito na nga lang ang tulong mo, palpak pa. Alis dito, baboy!"

Yumuko ako bago tuluyang tumakbo. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko, pinilit kong lumayo sa field kung nasaan sila.

Yes, mataba ako! Did he have to rub it in my face? Sobra siya!

"Aray!" natisod ako dahil sa paang biglang sumulpot sa harap ko. Nilingon ko ang may-ari nito, pero nginisian niya lang ako. "Problema mo?!"

"Tara, kain." naglapag siya ng paperbag sa gilid ng mukha kong malapit nang mahalikan ang sahig.

Akala mo walang nangyari!

"Ayoko nito! Mataba na nga ako, patatabain mo pa ako lalo!" tumalikod lang siya at itinaas ang kamay.

Kahit pa masama ang loob ko, kinuha ko ang paperbag. I ate it with tears faling down my eyes.

That Ares guy really is a jerk. He's a jerk disguised as a hot guy! Bakit hindi siya gumaya kay Collin? Collin was perfect in every aspect! Mapanakit lang.

Tumingin ako sa salamin at kinurot ang pisngi ko.

It sucks to be fat. And'on 'yong daily dose of bullying na hindi ko maiwasan dahil lang sa timbang at sa pagka-malaking tao ko. Kung pwede lang uminom ng slimming potion in an instant!

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon