24: TO LOVE HER

358 19 0
                                    

TO LOVE HER

Halos murahin ako ng girlfriend ko nang hablutin ko ang cellphone niya mula sa kamay niya.

"Badtrip naman, kitang nagba--" Pero napalitan ito ng malapad na ngiti nang makita niya ang hawak ko.

Libro. Physical book nung story na binabasa niya kanina lang sa cellphone niya.

"Akin 'yan?" Tumango ako. Masaya naman niya itong hinablot at niyakap. "Ano 'yan?"

"Ah," Napakamot ako sa batok ko. "Hindi ko kasi alam kung aling libro ba 'yung binabasa mo. By parts pala 'yun? Binili ko na lang lahat para sigurado."

Nanlaki 'yung mga mata niya. "Seryoso? Binili mo lahat ng parts?" Tumango ako.

"Hala!" Parang mangiyak-ngiyak siya habang niyayakap 'yung paperbag na naglalaman ng dalawa pang libro.

Nakangiti na lamang ako, parang matutunaw habang pinagmamasdan kung gaano kalapad 'yung ngiti niya dahil sa mga librong hawak-hawak niya.

Pero hindi pa ako natapos doon. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasaya nang lumuhod ako sa harap niya. Kinuha ko 'yung nakatago sa bulsa ko at binuksan.

"Ano 'to?" Napatakip siya ng bunganga niya.

Binuksan ko ito, at ultimong kuminang naman ito sa mga mata niya. "Will you.. read in a healthy way?"

"Yes! Oo naman, yes!" Niyakap niya ako at pinaghahalikan.Napansin ko naman na ang pagtulo ng luha niya nang maghiwalay kami. Pinunasan ko 'yun at agad na isinuot sa mga mata niya ang laman ng bulsa ko ─ reading glasses.

"Bakit naman gumastos ka pa?"

"Kasi naman, napupuyat ka kababasa mo ng mga story sa cellphone mo. Ayoko namang masira 'yung mga mata mo. Kailangang malinaw na makita mo 'yung daan mo lalo na kapag dumating na 'yung araw na maglalakad ka na papunta sa altar para pakasalan ako."

"Ikaw, ang corny mo." Hinampas niya ako sa braso. "Pero pinasaya mo ko."

"Syempre naman. Lahat ng bagay na pinaggugugulan mo ng oras, alam kong mahalaga 'yun sayo. Kaya 'yung mga mahalagang bagay na nagpapasaya sa'yo, nagpapasaya na rin sakin."

"Talaga?" Tuluyan na siyang umiyak.

"Wag ka nang umiyak. Ikwento mo naman sa'kin 'yung tungkol sa binabasa mo."

"Sure ka? Cheesy romance 'yun?"

"Kahit ano pa 'yan. Hangga't hindi ka mapapahamak sa mga bagay na gusto mo, hinding-hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan mo."

Napangiti naman siya. Nang magsimulang bumukas ang mga bibig niya para ikwento kung saan tungkol 'yung binabasa niya, wala na akong ibang nakita ─ kundi ang mga ngiti niya at kinang sa mga mata niya.

To love her means I have to love the things she loves, too. Even if it bores me, I'd still choose to see her smile.

That alone, is priceless.

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon