15: MOBILE LEGENDS

317 16 0
                                    

MOBILE LEGENDS

"An enemy has been slain!" Napasigaw ng pagkalakas-lakas 'yung boyfriend ko.

Nagtinginan naman 'yung mga tao sa loob ng cafe at binigyan ko sila ng apolegetic look.

Hindi na ako nagtaka kung anong ikinagaganyan niya kasi sanay naman na ako tuwing may date kami.

ML, ML, ML, ML.

Minsan napapasimangot na lang ako at gusto kong hablutin ang cellphone niya at i-uninstall 'yung Mobile Legends na app.

Kaso ayokong maging tipo ng girlfriend na, ako-lang-dapat-ang-pinagtutuunan-mo-ng-pansin type. Ayoko, nakakasakal 'yun.

Kaya naman inayos ko na 'yung mga gamit ko at binayaran na 'rin 'yung bill naming dalawa.

"Rey, alis na ako ah."

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Uuwi na."

"Uwi na? Hatid na kita. Tapusin ko lang 'to."

"Hindi na. Kaya ko naman eh."

"Sagli--" Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin niya at tumalikod.

I admit, masama talaga 'yung loob ko. Imagine, minsan na nga lang kami magkita, tapos ganito pa na maglalaro lang din pala siya ng ML sa harap ko.

Nakakabastos lang ano? Pero ayoko namang pag-awayan namin 'to. Ayokong makapagbitaw ng mga masasakit na salita.

Pagkalabas ko ng cafe, pumwesto ako sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng sasakyan.

"Gelai!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita si Rey na humahangos papunta sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at sinenyasan ang papalapit na taxi.

Halos sabay na nakalapit sa pwesto ko si Rey at ang taxi. Lumapit ako sa taxi at binuksan ang pintuan pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at sinarang muli ang pintuan.

Lumapit siya sa bintana.

"Kuya, hindi na daw siya sasakay. May maghahatid na sa kaniya eh. Sorry po!" Walang ano-ano'y umalis ang driven at naiwan kami sa gilid ng kalsada.

"Problema mo? Uuwi na ako." Sabay tinanggal ko 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Nagtatampo ka ba?"

"Hindi, gusto ko lang umuwi."

"Nagtatampo ka eh."

"Hindi nga."

"Sige nga, kiss mo nga ako?"

"Kiss mo mukha mo." Napapairap kong sabi.

"Nagtatampo nga."

"Hindi nga ako nagtatampo, bakit sabi ka ng sabi na nagtatampo ako? Pilit ka ng pilit na nagtatampo ako. Edi ikaw magtampo!" Bigla naman niya akong niyakap.

Dahil matangkad siya, tumama 'yung noo ko sa dibdib niya.

"Sorry na." Bulong noya habang hinihimas ang likod ng ulo ko.

Bigla na lang bumuhos ang luha ko, kaya naman lahat ng nanggaling sa mata ko, napupunta sa damit niya.

"Palagi ka na lang sorry, sorry."

"Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sakin."

"Hindi mo ko pinapansin."

"Anong hindi pinapansin? Pinapansin naman kita ah."

"Yung atensyon mo, nasa paglalaro na. Kapag kaharap mo na 'yang cellphone mo, parang wala ka nang nakikitang iba." Natahimik siya tapos maya-maya, bigla na lang ngumiti.

"Seselos ka no?" Napairap na lang ako at pinumasan ang luha ko.

"Hindi naman ako mag-de-demand ng sobra sobra na kailangan bawat oras nasa akin 'yang utak at puso mo, ang sa'kin lang sana kapag nagkikita tayo, matuto kang maglaan ng tamang oras." Kumawala ako sa mga bisig niya at naglakad papalayo.

Nagulat naman ako nang yakapin niya ako mula sa likod ko.

"Sorry na, wag ka na magalit sa'kin oh, wala lang naman sa'kin 'yang ML e. Pampalipas oras ko lang 'yan. Ikaw, big deal ka sa'kin."

"Big deal pero di mo naman ako pinapansin kapag naglalaro ka."

"Sorry, naca-carried away lang naman ako Gelai eh. Alam mo na, kapag nagpapataas ng rank."

"Nag-abala ka pa, pabuhat ka lang naman."

"Ah, pabuhat pala ah." Bigla naman niya akong binuhat na para bang sako ng bigas at tumakbo siya papuntang parking lot.

"Hoy! Ibaba mo nga ako! Putik, Rey Joseph! Isa!" Nagpupumiglas ako pero kapag nagpumiglas ako ng sibra, baka mahulog ako.

"Sabi mo, pabuhat eh!"

"Sabi ko, pabuhat ka! Hindi ako!"

"HAHAHAHA!" Nang makarating naman kami sa kotse niya, binuksan niya ang pintuan at ipinasok ako sa shotgun seat. Pumunta naman siya sa driver seat at sinara ang pintuan ng kotse, pero hindi ito in-start.

"Ano, galit ka pa ba?"

"Iuwi mo na ako."

"Galit pa nga." Hindi ko siya pinansin at tumingin sa bintana. Maya-maya, hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti.

"Alam mo Gelai, you may not be Layla or Mia or any hero on mobile legends, but I want you to know that you are my hero. My superwoman, my wonderwoman, my woman.." Namula naman 'yung pisnge ko sa sinabi niya.

"Sorry sa pagkukulang ko, sorry sa wrong priorities ko. Now I know what makes you mad, it's not me about playing games, but it's me not being able to provide some quality time with you. Di'ba?" Hindi ako sumagot at napayuko ako.

"Wag ka na mag-sorry, tanggap ko naman na bago pa ako dumating sa buhay mo, andiyan na 'yan eh."

"Paano ba 'yan, ikaw na buhay ko ngayon?" Mabilis na sabi niya.

Napangiti naman siya nang mapansing napangiti ako.

"Ayan na, ngumiti na siya!"

"Napaka-cheesy mo, ang cheesy-cheesy mo." Hinigpitan niya naman 'yung hawak sa kamay ko.

"Don't worry. Simula ngayon, di na ako magpapaka-adik sa ML, oo mahirap pero kaysa naman mawala ka eh. Dibale nang di maka-rank, basta di ka mawa-rank sa buhay ko. Yieeee!"

Hinampas ko naman siya sa braso.

"Tara na nga!"

"I love you muna, saka ko iaandar."

"Oo, I love you."

"Di ko marinig!"

"I LOVE YOU NGA!"

"I love you too." Nag-flying kiss pa siya sa'kin bago ipaandar ang sasakyan.

And that made me realize one thing.

Girls don't get angry with boys' habits.

They get angry with the fact that these habits can eat their time making them forget abiut other people around them, and worse could deteriorate communication and relationships of people.

That's why the best gift we could give to our loved ones is time. We need quality time to listen, to understand and to fully remind us that someone is really interested in being with us.

Expensive jewelries, roses and chocolates are useless..

All we need is time.

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon