12: FIRST LOVE

302 18 0
                                    

FIRST LOVE

"Happy 1st Anniversary, love!" Pambungad na bati niya sa'kin sa telepono.

"Happy Anniversary! Pwede mo 'kong sunduin sa bahay? May papakita ako sa'yo e."

"Oh? Sige, andiyan na ako, mga five minutes. I love you!" Pinatay na niya ang telepono at lumabas na ako ng bahay para hintayin siya.

Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang kumikinang na pulang kotse niyang paharurot sa tapat ng gate namin.

"Bilis naman." Bati ko sa oras na nakalabas siya ng kotse.

"Ganiyan talaga pag nanabik makita ka." Natawa naman ako sa sinabi niyang ka-cheesy-han.

"Pwedeng i-drive mo ako sa address na ito?" Pagpapakita ko ng maliit na note sa kaniya kung saan nakapaloob ang adres ng lugar ng nais 'kong puntahan.

"Dito? Sige." Pagsang-ayon niya habang inaayos ang seatbelt ko.

Mga dalawampung minuto bago kami makarating kami sa destinasyon namin.

"Bakit tayo nasa sementeryo?" Tanong niya habang patungo kami sa loob.

"May gusto sana akong ipakilala sa'yo e."

"Sino naman?"

"'Ipapakilala ko 'yung lalaking una 'kong minahal." Napatigil naman siya sa paglalakad at hinawakan ako sa braso ko.

"Yung first love mo?" Tanong niya. Napatango naman ako at napangiti.

"Anong kalokohan 'to? Bukambibig mo na nga siya kapag magkasama tayo, tapos ngayon naman ipakilala mo pa sa'kin?"

"Mike, hindi sa ganun--"

"Hindi sa ganun? Ano lang? Insensitive ka lang? Ganun?"

"Pakinggan mo muna ako, pwede ba?"

"Anong papakinggan ko pa sa'yo? Alam mo naman kung gaano ako magselos sa first love mo dahil bago ako dumating mas may higit ka pang minahal sa'kin. Sinasaktan mo ba ako? Bumabawi ka?"

"Hindi nga! Kumalma ka nga--"

"Mamili ka na lang Ayan, ako ba o siya?"

"Teka nga. Hindi na kaila--"

"Hindi na kailangan, kasi siya ang pinipili mo?"

"Oo. Siya nga ang pinipili ko, lagi naman siya. Above anything else, it's him!"

"Sabi ko na nga ba."

"Pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal, Mike!"

"Cut it. I've heard enough." Tumalikod si Mike at naglakad papalayo sa akin.

Bawat hakbang niya palayo ay parang tinutusok ang puso ko dahil sa sakit.

Gustuhin ko man siyang habulin, alam 'kong hindi ito magugustuhan ng taong binisita ko dito.

Sa halip na habulin ito, dumiretso na lang ako sa puntod ng lalaking matagal ko nang hindi nabibisita.

Hinaplos ko ang puntod kung saan naka-engrave ang pangalan niya dito.

"Sinabi mo sa'kin na humanap ako ng lalaking makakaintindi sa'kin di'ba? 'Yung hindi ako iiwan kahit anong mangyari at tatanggapin anumang nakaraan mayroon ako. Kaya hindi ko na lang siya hinabol, dahil baka 'yun ang tamang bagay na gawin.."

Inilapag ko ang ilang piraso ng bulaklak sa tabi ng puntod niya at nagsindi ng kandila.

"Siguro nga natagalan bago kita maipakilala sa kaniya. Masiyado pa kasing masakit 'yung sugat na iniwan mo e. Pasensya na kung naudlot pa.. Pero sigurado akong magkakasundo sana kayo."

Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin na nagsisilbing indikasyon, na naririnig niya ako.. at nandito siya.

"Mahirap talaga mapalitan ang first love.. Siguro nga ikaw na ang una at huling lalaking mamahalin ko.." Niyakap ko ang puntod niya at napahagulgol.

"..mahal na mahal kita. Happy birthday Papa.."

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon