9: MARUPOK

388 20 0
                                    

MARUPOK

"Miss! Miss! Crush ka daw nito oh!" Maingay na nagsisigawan ang isang grupo ng mga lalaki habang kinakantyawan ang mga babaeng dumadaan sa hallway.

Likas na mahilig talaga mangantiyaw ang grupong 'yun, at kilala sa sa paaralan namin bilang mga "prankster" at "loko-loko."

Nagkataon namang doon din ang tambayan nila, kaya walang ibang choice ang mga dumadaan kundi either sakyan na lang 'yung pantitrip nila o kaya wag na lang silang pansinin.

At sa kasamaang palad, kabilang na doon sa mga kalalakihang 'yun ang binatang natitipuhan ko.

Si Mienard.

Dahil dadaan din ako sa gawi na 'yun ay sinalpak ko na lamang ang headset ko para hindi ako madala sa mga pang-aasar nila.

Suki na rin ako ng mga pang-aasar nila lalo na kapag ganitong oras ng uwian.

Hindi naman kami close, pero alam kon'g nakilala na nila ako dahil sa madalas nilang pang-aasar.

Dire-diretso akong naglalakad at napapansin ko sa gilid ng mga mata ko na unti-unting lumilipat ang kanilang atensyon sa'kin.

May tumutugtog na musika sa magkabilang tenga ko, pero naririnig ko kung paano nila ako tawagin.

Buti na lang effective talaga ang pagkakaroon ng sandatang 'headset' kung kaya't hindi tumatalab lahat ng pinagsasabi nila sakin.

Akala ko malalampasan ko na ang malagim na hallway na 'yun ng matiwasay pero bigla na lang akong nauntog sa isang bagay na matigas.

Pagmulat ng mata ko ay nakakita ako ng pulang polo at isang mukha naman ng lalaki nung ako tumingala ako.

"Hi miss." Kasabay ng pagkasambit nito ay ang malokong ngiti na kumurba sa kanyang mga labi.

Oo nga at crush ko si Mienard, hindi niya alam yun. At wala talaga akong balak ipaalam sa kaniya.

Kaya naman madalas ko siyang tarayan para itago yung totoong nararamdaman ko.

Hindi ko pinansin 'yung sinasabi niya kahit na kumakabog na 'yung wild animal na nasa dibdib ko, sa halip inirapan ko siya at tinalikuran.

Akala ko matatahimik na yung kaluluwa ko, pero parang bigla akong nakuryente nang hawakan niya 'yung braso ko.

"Yieeeee!"

Napaharap tuloy ako sa kaniya habang binabawi yung braso ko.

"Pwede ba? Bumitaw ka nga?" Masungit kong sabi.

"Gumaganda ka yata ngayon Reignalein?" Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay biglang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.

Saglit akong napatitig sa mukha ni Mienard.

Hindi siya gwapo. Hindi siya gwapo. Hindi talaga!

"BOOM!" Natauhan naman ako bigla at marahas na binawi ang braso ko sabay kumaripas ng takbo.

Dali-dali akong sumakay sa jeep at humawak sa bakal sa itaas.

Feeling ko kasi mahuhulog ako sa jeep pag di ako humawak. Parang 'yung puso ko na hulog na hulog na.

Pag-uwi ko sa bahay ay bigla ko na lang dinamba ang kama namin at nagtakip ng unan sa mukha.

"Grrrrrr!" Impit na impit na sigaw ko habang pilit na tinutulak ang unan sa mukha ko.

"Ano yun, Reigne? Sa lahat ba naman ng pagkakataon, ganun ka pa matutulala? Reigne naman!" Nagdabog pa ako sa kama ko at paulit-ulit na sinuntok ang teddy bear ko.

ArdorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon