Kathryn
It's official. I am not a student in Malaya High, my dream school. Nakakainis. Sana 'di na lang ako nainlove kay Dj. I should not even call him Dj anymore. It just reminds me about what happened. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Nasayang mga efforts ko. Sayang yung ink, sayang yung papel na ginamit ko! Nakadonate na sana ako ng notebook sa bata! Binabawi ko lahat ng sinulat ko sa notebook na 'yon. Pero sa totoo lang, miss ko siya. I still love him and it hurts. The last time I saw him, parang, parang lang... Parang gusto niya mag sorry. Lilipat na ako ng bahay. Far from the bad memory that invaded me. Nasa car ako ngayon. Nasa back seat ako, sa may window. It's raining. Tapos biglang tumugtog ang It Might Be You. Nakakaiyak, wait no. Hindi nakakaiyak kasi naiyak na ako ngayon. Hindi pala siya yun. It Might Not Be You.
After 2 Years...
Summer is almost over. Magiging fourth year high school na ako. At ang bad news, babalik kami sa lumang bahay namin. At babalik din ako sa Malaya High. Now, I'm spending time with my true friends. Sila Ella, Cassandra, Cassie, and Angela. They know everything about my past. It hurts because I have to leave them behind. When I left Malaya, pumasok ako sa Greenville High. Paminsan, may taga Malaya na pumupunta sa Greenville. Si Julia (Montes), nakikita ko dun. Varsity kasi siya ng Volleyball. She seems so happy. Nandun nga din si Miles eh, nag-checheer for Julia. And nakita ko din si Dj. Playing basketball. Infact Ms. Julia Barreto is there cheering for him. May nagkakacrush sakin sa Greenville, yung mga ligaw ligaw ganyan. But, I don't believe in love or magic anymore. Yung isa, super dami niyang efforts para sakin, si Albie. Isa sa mga efforts niya, yung sa pag convince niya sa mommy niya na lumipat sa Malaya High para lang samahan ako. He knows my past too.
Bumibili ako ng requirements para sa school. Nasa may Notebook Section ako. Mahilig ako magsulat, yung diary diary ganun. Sabi nga ni Mama, pwede ako mag author. Something got my attention. A notebook. Nakita ko yung "Love Notebook". It had the exact design, and the exact pages, 80 leaves. Napasmile ako, but nagfrown din. Nilagay ko na lang sa cart ko. After buying the requirements, I saw Julia. Julia as in Barreto. Nagtago ako, tapos umalis agad. "Bakit ka natakbo?" sabi ni Albie. "Nakita ko si.... Si Julia ehh... Julia Barreto" Albie's eyes grew big. "Nasaan siya?! I'l make her sorry!" sigaw niya. "No! You don't have to. Time will make her sorry." Sinabi ko nung hinigit ko yung kamay niya.
We're in Albie's car. Nagulat ako sa sinabi niya "Let's preted we're together". "Ha! Chansing ka. Belat na lang for you." sabi ko, and drank my Krushers. "Para naman isipin nila na nakapag move on ka na." I told him I have a better plan. "So what's your plan?" he smirked.
Beep. Beep. Beep. Ano ba 'tong phone na 'to?
Albie calling...
"Hello?!"
"Hey. It's 6:30. 7:10 po ang pasok natin!"
Nahulog ko phone ko, nagmadali akong maligo, nagtoothbrush, tapos nagsuklay, tapos lumabas ng bahay. Eat? Wag na. Pag labas ko, nandun si Albie. "Tagal mo!" sabi niya. "At ako pa ang matagal. 'Di na nga ako kumain." Sumakay na ako ng car then ang bagal niya mag drive. " Bat ang bagal mo?! Kala ko ba 6:30 na?!" He smiled. "It's still 6:10". "WHAT?!" he smiled again. "I called you at 6:00 pero I was here 5:45. Kaya sabi ko ang tagal mo. Hahahah." Binelatan ko lang siya. Palapit kami ng palapit sa Malaya. Kinakabahan ako. 'Di ko na ata kaya. Suko na ako. Juskoo!
BINABASA MO ANG
Love Repeated in High School [[Kathniel Story]]
RomanceNagsimula ang lahat when Kathryn fell inlove with the school heartrob Daniel. Si Kathryn ay isang newbie sa Malaya High. Hindi kapansin pansin ni Daniel si Kathryn, pero nung nalaman niya na may notebook si Kathryn na parang isang story tungkol sa k...