Chapter 14

487 2 0
                                    

Daniel

"Okay guys! Oh, ikaw mag hawak ng letter O. Ikaw naman K. Are we all settled?" sabi ko habang naghahanda. "Daniel!!! Nandiyan na si Kathryn!!" sabi ni Seth. Oo nga pala,
nung nawala din si Kathryn, nagkaroon ng Band dito sa school. Parking 5 ang tawag samin. Yup, kasama ako dun. Kami nina Seth, Katsumi, Les, at JC. "Grabe totoo nga yung sinabi mo pare! Maganda!" sabi ni Katsumi. Lumapit na si Kath samin, at mukha siyang na-surprise.

Kathryn

I CAN'T BELIEVE WHATEVER I'M SEEING RIGHT NOW...

May mga taong may hawak na illustration board...

Boy 1: O

Boy 2: K

Girl 1: A

Girl 2: Y

Boy 3: N

Boy 4: A

Girl 3: B

Girl 4: A

And may lalaking lumabas, it's Dj, este Daniel. Hawak niya yung malaking question mark.

"OKAY NA BA?"

I smiled. Kala niya siya lang may surprise? Well, NO! I also raised an illustration board, saying "no". Hinabol ako ni Dj, ahh! Mali nanaman, Daniel. "Kath, ano ba? Ano pa kailangan ko gawin?" tanong niya. "Napahiya kaya ako dati, ipahiya mo rin sarili mo." binelatan ko si Mr. Suplado. Bumalik muna ako sa locker ko. Kinuha ko yung notebook ko.

"Ano ba kasi gagawin ko dito?" I said to myself. "Dapat kasi 'di ko na lang to binili! Nakakapagpaalala lang 'to ng past ko! Ugh! Kainis!" I said to myself again.

Next day...

I opened my locker to get my things. Yes! Our principal announced na next week would be our Foundation week, meaning fair. Okay so I opened my locker tapos ang daming papel na nahulog galing sa locker ko. "Sticky notes?!" Sigaw ko. Colorful kasi may yellow, pink, blue, at iba iba pa. Tiningnan ko naman yung mga sticky notes.

"Hi Kathryn!"

"You look so pretty today"

" :) "

"Miss me?"

"Wondering who I am noh?"

"Guess first..."

"Well,"

"I am..."

"Daniel John Ford Padilla..."

" ❤️ " (Pag di kita sa android, heart siya)

"Isang tanong muna..."

"OKAY NA BA ITO?? :))"

"Yes Or No, circle mo sagot..."

Daniel

Okay! Sana nag yes na si Kath sa tanong ko!! MATATAPOS NA RIN!! Tumakbo ako sa locker niya.

Nakatape yung mga sticky notes sa locker niya. Pagtingin ko yung nasa pinaka una na sticky notes yung "Yes or No"... Ang naka circle ay no :( Ano pa ba kasi pwede gawin? Pigang piga na ang utak ko sa kakaisip na pwedeng surprise kay Kathryn.

Pumasok na ako sa classroom, nakaupo na si Kathryn sa upuan niya. Nagstart na din yung class. At the middle of the class, I got my one fourth sheet of paper then I wrote something. I threw it to Kathryn.

Kathryn

May nagbato sakin ng papel sa ulo. Ugh. Si Daniel. Binuksan ko ito. "Ano ba gagawin ko para tumigil ka na?" Sinulatan ko, "MAG INSERT KA NG EFFORT!" Binato ko sakanya. Nagsulat siya, binato niya ulit sakin. "May effort naman yun ah! Bahala ka titigil ako sa ayaw o gusto mo!" I wrote "Kukulitin naman kita! Humanda ka..." Binato ko sakanya. "Mr. Padilla! Ms. Bernardo! What's that all about?" Sigaw ni Ms. Richelle. "Miss w-wala po" sabi ko habang pinupunit yung papel. "Okay back to discussion." Sabi ni miss. A few minutes later, break time na. "Kathryn please...." Sabi ni Daniel. Lumapit si Julia, as in Julia Baretto, they call Julia Montes Jules na eh. "Uhm, Daniel let's go?" She was reffering to Daniel but she was looking at me. "Oh may date ka na pala, bye!" I said while walking away. "Hi Kathryn. Can we talk to you?" Lumapit sakin si Jules, andyan din pala si Miles. "Sure! Fine! So what's up?" I said while pinapahalata ko sakanila na ayaw ko makipag usap sakanila. "Kathryn, sorry. Sorry dahil feel namin na di kami tunay na kaibigan." Sabi ni Miles. I laughed. "You should... Nung umalis ako, di niyo man lang ako tinawagan or cinontact. Actually I never even felt that you were my friends." Sabi ko harshly. "Grabe ka naman kung magsalita Kathryn. Kala mo kung sino ka. Totoo nga sabi ng lahat, nagbago ka na! Di ka na yung dating Kathryn! Alam mo, hindi kami yung kawawa, ikaw! Ikaw na nga yung may konting kaibigan or should I say WALANG KAIBIGAN!! Ikaw pa yung rude at nangaaway!" Sabi ni Julia. I just walked away. Pumunta ako sa nearest restroom. Not mindful na natulo na pala luha ko. I wiped my tears. "Kathryn? Naiyak ka ba?" Sabi ni Albie while holding my face. "What?! Ako iiyak?! Ubos na luha ko, sa kakaiyak about the past. Wala na talaga akong luha promise... Hahaha, lol ano ba 'tong hugot ko?! Grabe." I told him. "Pshhh... Tara na! Kain tayo!" Sabi niya and we left.

Love Repeated in High School [[Kathniel Story]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon