Prologue
Punong puno ng takot ang puso ko habang nakikita ko ang pinaka masamang matang tumititig sa mukha at sa buong kalamnan ko.
"Huwag! Parang awa niyo na! Huwag!" Kahit anong sigaw at iyak ko ay hindi niya ako pinapakinggan! Nagpupumiglas ako sa bawat haplos ng nakakadiri niyang kamay na pumapaso sa buong katauhan ko!
"Tumahimik ka! Papatayin kita kapag nag ingay ka!" Kitang kita ko ang kasamaan sa kanyang mga mata, parang huminto ang pag hinga ko nang itutok niya sa leeg ko ang isang patalim! At do'n parang isang gripong nagpakawala ng napakaraming luha ang dalawang mata ko.
"Isang ingay mo pa, may patutunguhan ka." Pagbabanta niya sa akin!
Puro impit na hikbi ang nagawa ko habang nakatakip ang isang kamay niya sa bibig ko. Tinawag ko na lahat sa isipan ko ang mga maaaring tumulong sa akin! Si Nanay at Tatay na alam kong malabong matulungan ako dahil nasa kabilang buhay na sila at ang Diyos, pero mukhang hindi niya ako naririnig.
Patuloy ang luha at sakit na nararamdaman ko habang binababoy niya ang buong pagkatao ko.
"Dannie..."
"Dannie!" Mabilis akong napaupo mula sa pagkakatulog nang maramdaman ko ang pagtapik tapik sa aking pisngi.
"Nananaginip ka na naman. Ano ba? Nagising na naman kaming lahat dahil sa kakaiyak mo." Nag angat ako ng tingin sa mga kasama ko dito sa kwarto at nakita kong mukhang antok na antok pa sila.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at umiling iling. "Pasensya na." Sabi ko saka mabilis na akong bumangon.
"Haaay, antok pa ako. Ang aga aga pa." Hikab ni Tony saka bumalik na siya do'n sa kama niya upang ituloy ang naputol niyang tulog.
Lumabas ako ng kwarto namin at doon ako nagpunta sa dining area ng condo unit na pinapatuluyan sa amin ng Manager ko dito sa Singapore. Matama kong tinignan ang wall clock at napabuntong hininga ako nang makita kong alas nuebe palang ng umaga.
Baliktad ang buhay namin dito sa Singapore, ang gabi ang nagiging umaga sa amin. Ang umaga ang nagiging gabi upang makapag pahinga. Pero hindi para sa isang tulad ko na patuloy na hinahabol ng masamang alaala. Kailanma'y hindi ako nakatulog ng maayos, pakiramdam ko ay buong buhay nang gising ang kaluluwa ko.
Panay ang uga ko sa aking paa nang kuhanin ko ang stick ng yosi doon sa isang kaha at mabilis na sinindihan iyon saka hinithit upang mawala ang takot na bumabalot na naman sa buong pagkatao ko. Buong magdamag na naman akong gising at kahit anong inom ko ng gamot na pwedeng magpatulog sa akin, sa tingin ko ay hindi na ito eepekto.
Hanggang kailan ba ako hindi patatahimikin ng nakaraan?
Hanggang kailan ko dadalhin ang lahat ng sakit na gusto ko nang kalimutan?
Pakiramdam ko ay hindi na ito mawawala at ang lahat ng masamang alaala ay magiging karugtong na ng bituka ko, hanggang sa dumating na siguro ang pinakahihintay ko.
Ang mamatay ako.
---
Ngayong Gabi
Created: January 1, 2019 (11:30PM Dubai Time)
Finished: xxxx xx xxxx
© asherinakenza
BINABASA MO ANG
Ngayong Gabi [Sebastian Luke Cando]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT. The story you are about to read contains disturbing content and may trigger an anxiety response, especially in those who have a history of trauma. Pilit tumatakbo sa madilim na nakaraan si Dannie Prieto, ngunit alam niya sa...