Prologue

32 5 1
                                    


"It's not you! It's me Ian! Ako ang may problema sa ating dalawa at hindi ikaw!" Sigaw ko sa kanya ngunit ngumiti lamang ito sa akin ng mapait bago muling mag-salita

"Then tell me what is your fucking problem! Para naman naiintindihan kita Mari. Sasabog na ang utak ko kaiisip kung ano na bang nangyayari satin." Pakiusap nito sa aking sabihin ang mga bagay na mas lalong makakasakit lamang sa kanya.

"Satin? Naguguluhan ka satin? Bakit ano bang meron sating dalawa? Hindi ba't kaibigan mo lang naman ako?" Pagak akong tumawa para itago ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit taksil ang mga luha kong sunod-sunod na umagos mula sa mga mata ko.

Tila natahimik ito ng bahagya nang makita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko na naging isang mahinang paghikbi.

"Kaibigan? Kaibigan kita Mari at isa ka sa mga gusto kong nandoon sa kasal ko, gusto kong nandoon ka kahit na ayokong matuloy iyon. Kasi kahit paano---"

"Stop it Ian. Tama na." Pagputol ko sa mga maaaring sabihin niya na ikakasakit pa ng damdamin ko.

Ang daya, ako itong nandito pero iba pa rin ang gusto mo.

Ang sakit, ang sakit mong mahalin.

" I'm sorry babe, I'm sorry. I'll take you home it's already midnight." Usal nito sa akin ngunit hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Kaya kong umuwing mag-isa." Pinunasan ko muna ang mga luhang kanina pa lumalabas mula sa mga mata ko bago umalis sa harapan niya.

"No i'll--"

"Please Ian kahit ngayong gabi lang hayaan mo ako sa gusto kong gawin." Usal ko rito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad palayo sa kanya.

Palayo sa'yo Ian. Palayo sa taong minahal ko ng higit pa sa kahit na sino. Patawad...

I'm Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon