Chapter 1: Hello, It's me

95 3 0
                                    



[JUNHUI's POV]

"Tay! Si Emi nawawala!" pahingal na sinabi sa akin ni Nathaniel. Napatayo naman ako sa kinauupan ko sa sinabi niya.

"What?! How can you lose your own sister?" sabi ko sabay takbo para hanapin si Emilia, my baby girl. She's only 5 years old, her brother is 10.

"Tay, sorry na! Nalingat lang ako saglit tas bigla nalang siya nawala sa paningin ko. Pinakuha niya kasi ung bola niya sa akin eh." pag-eexplain naman ni Natnat habang tumatakbo kami.

I stopped running and looked at my son. Ang gwapo, mana sa akin. Malamang kamukha ko 'to eh tsk tsk. Dejk lang pfft

"Sorry din, nabigla ako. Saka it's also my fault, I left your sister with you without my guidance." I said as I patted his shoulder.

"It's okay Tay, naiintindihan ko po. Pero hanapin na natin si Emi, baka umiiyak na yun," we smiled at each other at sabay na nilibot ang park. Gosh, andami pa namang tao ngayon!

We kept searching and searching and calling out Emi's name. Wag naman sana, pero... Pano kung may nangyari nang masama sa anak ko? Ayt! Stop with those thoughts Junhui! 할수있어!

"Tay..." napatigil ako sa paglalakad nung tinawag ako ni Natnat. He's looking somewhere kaya napatingin na din ako.

It was my daughter with a woman, Emi's tugging the end of the woman's cardigan at gusto yatang magpabuhat. Hinawi nung babae ung buhok niyang tinakpan ung mukha niya kanina at isinabit ito sa kanyang tainga. What the... Funk.

"Tay... She... She looks... Exactly like... Nanay..." napatulala nalang ako. Pero? Pano? Eh diba? Ha? Baka kamukha lang, oo. Kamukha lang yan. Pero Funk! Bakit parang Carbon-Copy naman?!

"Tataaaay!" sigaw ni Emilia nung nakita niya kami ni Nathaniel. She pulled the woman's hand at tinakbo niya papunta sa amin.

My heart is beating so fast. So damn fast like the moment when I first saw her, where I fell in love at first sight.

Buhay siya? Pero paano? Am I hallucinating again? Baka namimiss ko lang siya ulit kaya... Pero hindi eh, napansin din ni Natnat.... WHAT?

"Tatay! Kuya! Si Nanay oh! Kala ko ba, angel na siya? Eh eto si Nanay oh! Nahu-hug ko pa!" makulit na sambit ni Emilia habang nakaakap kay... I don't know... basta nakaakap siya dun sa babae.

She just looked exactly like her... Catherine na may bangs. Full bangs. Yes. And the type of makeup and her face... The way she dresses... It's really like...

Rin...

Nakatingin lang siya kay Emilia kanina, pero nung binaling niya ang tingin niya sa amin, nung nagtagpo ang mata namin, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Binalik niya ulit ang tingin niya kay Emilia. Bumaba siya sa lebel nito at nginitian. GHAD THAT SMILE! IT'S FUNKING THE SAME! WHAT THE FUNK IS THIS!

"Baby girl, di ako ang mommy mo ha? Baka magkamukha lang kami," kalmado niyang sinabi. Pusang gala pati boses what the funk!

"Tay... She's... She-"

"I don't know, son. I don't know" bulungan namin sa isa't-isa. I then made my first move at kinuha si Emi bahagya.

"Emi, nanay's dead remember? Andun na siya sa heaven diba? Siya na ung angel na nagbabantay sayo right?" I said.

"No Tatay! Eto si Nanay oh! Nahahawakan ko pa nga siya eh! Diba ikaw Nanay kooo?" bumitaw siya sa hawak ng kamay ko at umakap ulit kay.. Dun sa babae...

"Mama!" isang sigaw pa ulit ng bata ang narinig namin at tumakbo papunta sa direksyon namin at niyakap naman ang kabilang side nung "Copy-Cath" kaya napabitaw din saglit si Emi sa kanya.

Mama? May anak siya? Pero wait di pa naman tayo sigurado sa hinala ko diba?

"Mama? Parehas tayo ng nanay?" tanong ni Emi at umalis na sa pagkakayakap dun sa babae.

"Emi, lika na" kinuha siya ni Natnat at di na muling pinakawalan pa.

"Emi, we told you, nanay is dead okay? Kamukha lang ni nanay yan," pangungumbinsi ni Natnat pero halatang nalulungkot na si Emi at anytime pwede nang umiyak.

"June," tatlo kaming napatingin dun sa malamig na boses na nagsalita. Bakit? Ako Jun, short for Junhui, si Natnat, June Nathaniel, tas siguro June ang pangalan nitong "Copy-Cath" kasi lumingon din siya dun at nginitian yung guy.

"Any problem here?" nakakapangilabot boses nung lalaki sa lamig. Pero... Ahm kuya... Wag kang yuyuko ah? Hehe.

"Ah wala... Akala lang kasi nung bata ako yung nanay niya. Kamukha ko daw kasi eh." sagot naman ni.. June? Shit. Bakit sa lahat ng pangalan bakit June pa? Andami naming June dito yo?

"Pero ikaw Nanay ko dibaaa?" pagpupumilit pa din ni Emi. Binuhat ko na siya at humingi ng paumanhin sa pamilyang nasa harap ko.

"Pasensya na po, nangungulila pa rin yung bata kaya minsan kung sino-sino nalang hinahatak niyan tapos sasabihing nanay niya. Sige ho, mauuna na kami. Pasensya na." paalam ko at dun na nga umiyak si Emilia.

I looked back again... Baka nga hindi siya... Pero paano kung siya? Luh ano yun? Na-reincarnate? Dafork?

Catherine naman eh, multuhin mo na ako wag naman sa ganitong paraan! Ayoko na ulit bumalik sa medications ko noon dahil sayo dafunk yo!

Nakatulog na kakaiyak si Emi sa loob ng kotse, pagkarating sa bahay, binaba ko agad siya sa kwarto niya.

"Tay... Is it only me or... But... It feels like... Yung babae kanina... Parang..."

"No. Hindi lang ikaw. I can also feel the same way as you... Parang si Catherine nga... Mula sa physical appearance hanggang sa boses... and sa gestures... Aisht!" napasuklay nalang ako sa buhok ko sa nararamdaman ko ngayon.

"Pero Tay, pano kung all this time buhay pa pala siya?" natigilan ako sa sinabi ng anak ko. Hell yeah it's corny. Pero hindi imposible.

Ah what the funk yo!


A Fallen Angel || a seventeen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon