Chapter 18: Realizations

11 1 0
                                    


[MINGHAO's POV]

..................

Di ko na alam kung maniniwala nalang ba akong si Rin yun o hindi eh. Nga pala, andito na kami sa cafe nila Mingyu. Inintay muna naming magsara bago makapag-usap ng masinsinan.

Sa ngayon, 8 na pala kaming nakakaalam tungkol sa June na ito. Kung isasama yung mga anak ni Junhui, 10 na. Ang ganda din ng pangalan eh no? June pfft ang lapit sa palayaw ni Junhui ah?

Kung buhay siya ngayon, sinasadya niya ba ang lahat?

"Si ninang ba yung pinag-uusapan niyo?" napalingon kaming lahat kay Wendy, at sa mukha niya ngayon curious na curious siya.

"Siya yung customer na kumanta dito nung nakaraan diba? Kuya Junhui, si Ate Cathy ba yun?" pagtatanong niya naman.

"Alam kong batang bata pa ako nung huli ko siyang nakita pero... Nakikita ko pa naman siya sa mga pictures ni Mama eh... Siya ba yun?" dagdag niya pa. Tumingin naman ako kay Junhui na nakatingin nalang sa sahig.

Bumuntong hininga muna siya bago niya makapagsalita. "Kung buhay man si Catherine, kung si June nga ay si Rin. Mabuti pang wag nalang natin siyang guluhin pa. Wag niyo na siyang isipin o kung anuman... Kung buhay man talaga siya, she's already living in a different life..." sabi niya at saka siya tumayo sa pagkakaupo.

"Kalimutan nalang nating nakita niyo siya as Rin, dahil ngayon she is June. June Cyril Oh to be exact..." dagdag niya pa.

"Wag niyo nalang din ipaalam sa iba ha? Baka maistorbo pa natin yung maayos niyang bu-"

"May nasabi siya kanina!" biglang pagsingit ko sa usapan kaya naman napatingin sila sa akin ngayon. I just made a freaking realization now!

"Kanina kasi... Pinakilala ako ni Dang sa kanya. Natawag ko siya as Rin nung nakipag-nice to meet you siya tapos tinanong niya kung sino yun. Tapos sinagot siya ni Dang. Tinanong niya naman kung Rin as in galing daw ba sa Catherine. Tumango naman si June tas sinabi din na nabobother daw siya sa dalawang pangalan na yun... So..." pagpapaliwanag ko. Lahat sila nakaantabay sa sasabihin ko eh.

"So it may mean na... buhay si Rin... at... si June ay si Rin at... posibleng nakalimot lang siya..." dugtong ko.

"Grabe ka Hao, ang galing mo! Posible ngang buhay si Rin! So pwede ring nagka-amnesia siya kung ganun!" masiglang sinabi ni Mingyu.

"Kailangan natin ng ebidensya para mapatunayan nga nating buhay siya," sabi naman ni Wonwoo.

"Oo tama! Kuhaan niyo ng ano! Ng DNA sample ganun! Pinakamabilis na yung strand ng buhok niya! Dapat makakuha tayo nun para malaman natin," suggest naman ni Seungkwan.

"Si Dang! Kaibigan nga pala ni Dang si June. Pwede ko siyang kakontsabahin dito," sabi ko naman.

"So bale pag napatunayan na nating siya nga si Rin, aaminin ba natin sa kanya?" pagtanong naman ni Jisoo. Now, everyone's hyped up with this! Wooh!

"Wag na!" napatingin kaming lahat kay Junhui. What? Ayaw niya bang makasama ulit asawa niya?

"Wag... Kung totoo man... Wag na nating sabihin... Baka gumulo lalo ang lahat..." sabi niya at saka napa-upo.

"Anong ibig mong sabihin Kuya? Bakit hindi natin ipapaalam sa kanya?" pagtatanong naman ni Wendy.

"May... May pamilya na siya... Asawa't anak... Pag nalaman niya pa, baka may mangyaring gulo lang kaya wag na. Okay na akong malaman kong buhay siya, basta't masaya siya... Dun..."

A Fallen Angel || a seventeen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon