[REYAH's POV]
Ang tahimik ngayon sa loob ng kotse niya. Oo nasa kotse niya ako, pumayag kasi siyang sumama sa akin para masagot yung mga katanungan niya.
Ako ang nagdri-drive since hindi niya naman alam ang pupuntahan. Unless, alam niya talaga pfft.
Si Seokmin pinauwi ko na, at kaming dalawa ngayon ni June na ito eh pupunta dun sa bahay nila Rin at Seokmin dati. Ngayon, yung mga katulong nalang ang naninirahan dun saka naging rest house nalang din namin yun magbabarkada hehe.
"Suot mo 'tong mask para di mabigla yung mga katulong namin diyan," sabi ko kay June habang inabot ko sa kanya yung face mask ko. Oi! Bagong laba naman yun! Di ko pa nagagamit!
Tinignan ko siya nung suot suot niya na. Ayan, di mapaghahalataang kamukha ni Rin since may bangs. Saka, kahawig niya yung anak kong si Melanie dito :(
"Kaninong bahay to?" tanong niya naman sa akin pagkababa namin sa kotse. "Sa pamilya ni Rin. Dito sila nakatira dati nila Seokmin. Pero bumukod na rin silang magkapatid sa mga magulang nila noon. Ang Mama kasi nila, asa Italy. Habang ang Papa, asa langit na," paliwanag ko sa kanya.
Pumasok na kaming tuluyan sa bahay. Buti naman at hindi pinansin ng mga katulong si June. Buti nalang talaga parehas sila ng mata ni Melanie. Dumiretso kami sa isang kwarto dito kung saan nakatago lahat ng gamit ni Rin, originally it was her room for her passion.
"Ang pamilya ni Rin ang nagmamay-ari sa Tojours Belle Wine. Lahat sila, business minded maliban lang sa kanya. She hates business, and she loves photography," sabi ko at saka binuksan ang pinto. Nang makapa ko na yung switch sa gilid, pinindot ko agad ito at bumukas na ang ilaw.
In fairness ha, malinis pa din! Sabagay, very trusted nga naman pala mga katulong namin dito hehe.
Pumasok na ako at sumunod naman siya. Sinara ko yung pintuan para walang makakita o makadinig man lang sa amin. Nakita ko siyang tinanggal yung mask niya saka nilibot ang buong kwarto at tinignan yung mga nakasabit na litrato.
"Kuha niya 'to lahat?" tanong niya habang nakatingin pa din doon.
"Oo, kuha niya yan lahat. Sa pamilya nila, siya lang yung hindi nagtrabaho sa kumpanya. Nagsarili siya, palibhasa wala ang Mama sa Pilipinas noon at nasa Italy. Pero wala din naman nagawa ang kaibigan ko kundi tulungan pa din sila sa negosyo," sabi ko. Pumunta naman ako sa isang shelf kung saan nandoon yung mga photobooks niya.
Nakita ko naman yung photobook na ginawa niya para sa 17OLA at Seven Aces. Kinuha ko ito at saka umupo dun sa parang receiving area ni Rin dito.
"June, halika dito" tawag ko sa kanya na parang bata pfft. Pinaupo ko siya sa tabi ko at tinitignan namin ang bawat larawan sa photobook.
"Ahmm Reyah? Ano si Rin sa buhay mo? I mean, ano pagkakakilala mo sa kanya?" pagtanong niya naman sa akin. Para talaga akong may Q&A sa bata hahaha.
"Si Rin kasi best friend ko nung una at sa kalaunan ay naging sister in law ko, matagal na kaming magkaibigan... Medyo baliw din lalo na kay Junhui na asawa nya, mahal na mahal nga nila yung isa't isa eh. Sobrang dedicated sa work nya at malakas manermon, malakas mang-asar pero nakakamiss din. Maalagain sa pamangkin at hindi din nagpapatalo basta basta," sagot ko habang nakatingin pa din dun sa mga litrato sa photobook.
BINABASA MO ANG
A Fallen Angel || a seventeen fanfic
FanfictionAngels do fall from the sky... literally - Also a sequel of Reality 101