Chapter 9: Once Again

20 1 0
                                    

[JUNE's POV]

Wow okay it's dark again.

Darkness... It's been a friend of mine for a few years already.

In this darkness, I see that face again... Wait no, may mukha siya, oo pero sobrang labo.
I can't even describe how he looks like. Basta ang alam ko lang matangkad siya and he's blond.

Minsan may isa, dalawa... Ewan ko basta minsan dumadami din sila dito sa panaginip ko. A group of men asking where I am, why did I left them.

Uhhh... One of the boys ba ako dati? Pfft. Pero isang lalaki talaga yung laging nandito sa panaginip ko eh. He's always with me, mapa-horror man ung panaginip ko o ano. He's always there to hold my hand. Hindi matatapos ang panaginip ko nang hindi kami nagkakahawakan ng kamay like uhhh. I feel so... So... Uhhh. I can't explain anymore!

Nagising nalang ako sa marahang pagtapik sa akin ni Seth. Nakatulog na naman ako sa balikat niya mwehehehe.

"Andito na tayo," sabi niya sa akin sabay inayos ang buhok ko. PWE KINIKILIG AKO PWE.

"Subdivision ba to?" tanong ko habang sumunod ako sa kanya sa pagbaba sa kotse.

"Yup, and this is the house. Maliit lang naman kasi alam kong ayaw mo ng malaking bahay," natawa naman siya ng bahagya. Well, tama naman siya. Ayoko ng malaking bahay. Feeling ko maghahanapan kami pag ganun saka isa pa, maliit lang naman kami na pamilya kaya hindi na kailangan ng napakalaking bahay. Pero dahil mayaman kami, may mansion at hardin ang pamilya ni Seth ㅠㅠ

Pinasok na namin ang bagong bili na bahay and I must say it may look small outside BUT IT'S SO BIG INSIDE. HOW DID THAT HAPPENED? Ang ganda dito sa loob, I feel so comfy and so peaceful. Nakakarelax siya sa buhay! I like this house! And wooaaah, it's already fully furnished! May mesa na, upuan, sofa, kurtina, refrigerator, TV, sound system, kama, lahat na! Waaah!

[A/N: Yung bahay sa EXO Next Door? Yung kela Chanyeol, isipin niyo nalang na eto yun XD Pangarap na bahay ko din yun! Ang ganda kasi ㅠㅠ]

"You like it?" tanong ni Seth at saka ako inakbayan.

"I love it! Thank you Seseee~" sabi ko naman at saka siya inakap mula sa bewang.

"Magustuhan din kaya ni Mia?"

"As long as this has a playroom, she will," sagot ko at sabay nalang kaming natawa.
We'll be moving by tomorrow since damit lang naman ililipat namin dito. Wala nang ibang gamit pa dahil kumpleto na pwe. Seth also bought me a... A car... Aigoo, ang yaman talaga ng asawa ko walangya! Yung kotseng ginagamit kasi namin, sa hotel yun na pinagsta-stayan namin kaya may driver. Pero this time nag-ayaw na ako sa driver kasi uhhh ayoko ng may inuutusan. Ewan ko pero ayoko eh.

Actually... hindi ko din alam pero feeling ko kabisado ko buong Pilipinas at ako na yung magdridrive para sa sarili ko pfft. Siguro dito talaga ako nakatira, I mean kami noon ni Seth kaya alam ko din. Duh, why do we even speak Filipino kung di kami taga-dito noon? Ano yun, inaral lang? Pfft. Okay inaaway ko sarili ko ayt.

After namin tignan yung bagong bahay, bumalik kami sa hotel para sunduin si Mia. Huling pasyal na namin to ng magkakasama dahil babalik nang Greece si Seth para sa trabaho. Si Mama din pala di na daw sasama dito so yung yaya nalang ni Mia.

A Fallen Angel || a seventeen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon