Chapter 33: Miss Me?

22 1 0
                                    

[SABRINA's POV]

Akala niyo wala na ako no? Kala niyo lang yun! I'm back also woooh! Charot lang. Wala akong masamang balak no, hindi naman ako ganon kasamang tao kaya nag-give up nalang talaga ako kay Junhui after nung anniversary ng cafe. Tanggap ko naman na, ayaw nilang lahat sa akin HAHAHA okay lang talaga :)

By the way, ako ulit susundo sa mga anak nila ni Rin :) Oo alam ko na din :) Pero okay lang talaga :) HAHAHA Busy kasi sila kaya ayun. Sinamahan ni Junhui si Rin ayusin yung records niya sa city hall kasi diba naregister na siya as a dead citizen kaya ayun :< It's been a month na nga pala nung nakabalik siya as Catherine.

Naglalakad na kami pauwi mula sa ice cream shop, nag-aya kasi si Emilia kaya ayun. Nadinig ko naman mag-ring yung phone ko kaya kinuha ko yon sa body bag ko. At dahil sinagot ko ung tawag, medyo bumagal ang paglalakad ko at nauna na ng bahagya yung magkapatid.

Unknown number... Who dis?

"Hello?" sabi ko.

"Hello Sabrina, it's been a while" ..... Nailayo ko sa tenga ko ung cellphone ko. Sino to? Ex ko? LUH di niya naman kaboses luh sino to?

"Sino to?"

"It's a good thing you didn't changed your number. Salamat nga pala at binigyan mo ako ng idea na bumalik kami sa Greece, but I guess things didn't work out..." oh sht-- Seth? SYEEEET okay act normal bes act normal.

"S-Seth?"

"Ako nga /tawa ng bahagya/ I know June’s back there... Asan siya ngayon?" he asked.

"Ah you mean Rin? Oo, I heard she's back here but hindi ko alam kung nasaan siya or sila ng pamilya niya. It's been a while na rin naman simula nung umalis ako sa Maynila. I wanted to move on and have a better life kaya pinutol ko na rin connections ko sa kanila," sabi ko and of course that's pure kasinualingan. Nasabihan naman kasi kaming lahat na be cautious of Seth if ever kaya huhu

"Liar," that's the last word I heard from the other line and the next thing I know, may umakbay sa akin. Dahil don, napatigil ako sa paglalakad at nagulat sa mga sumunod na pangyayari.

A van suddenly rushed in and.... Yeah... Took the kids.... Shit......

"You could've just told me the truth," sabi nung umakbay sa akin. The next thing I know is that he pricked me with something and I suddenly felt so dizzy.

Until I felt unconscious and everything blacked out.

[RIN's POV]

"Ay!" so basically everyone freaked out dito sa room nung natabig nung isang employee yung mug niya sa table lol so ayun, basag at sayang yung kape :(

"Okay na po Misis, balik nalang po ulit kayo in two weeks para po sa final step. Thank you!" sabi sa amin nung employee na nag-assist sa amin. Thank God, I can have my identity back uwu.

"Nakauwi na kaya yung mga bata? Pasalubungan kaya natin sila?" pagtatanong ko kay Junhui habang nagdri-drive siya. Yes naman, marunong na pala siyang mag-drive yieeeee

"Nakauwi na yung mga yun and sure sige pasalubungan natin," he said as he smiled at me and focused on the road again.

Bumili nalang kami ng Jollibee, pang hapunan na din namin hehe. Pinark na ni Junhui ang kotse sa garahe namin dito at pumasok na sa bahay.

"Luh, di pa sila nakakauwi?" sabi ni Junhui.

A Fallen Angel || a seventeen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon