Chapter 5: All is Well

23 1 0
                                    

[JUNHUI's POV]

*** Past ***

Seriously guys... Ganun ba kalala? Na kailangan pa akong ipa-therapy? Di bale, unti-unti na din naman akong bumabalik sa dati. Salamat na din sa tulong nila Seokmin. Masyado ba akong OA?

Sorry na, mahal na mahal na mahal na mahal ko yun eh...

Okay... So ngayon ay ang aking 5th week sa therapy and I hope this will be the last. At... Ngayon din pala, sa araw na ito... Nangyari yung... Yes, yun. It’s been a month already wow…

"Tooool! Andito na si Dang!" masayang sigaw ni Minghao sa akin.

"Tol, anong itsura yan? Parang ikaw naman yung naka-drugs ngayon!" biro ko sa kanya.

"Eh! Basta sabihin ko sayo mamaya!" sabi niya pa at saka nanahimik ng tuluyan nang nakapunta si Dang dito sa may dining area.

Si Dang yung assistant nung psychiatrist na kilala ni Seokmin. Kyla Daphne talaga pangalan niya pero Dang nalang daw for short and for sure, Minghao's got an eye for this girl! I know! Kahit si Dang din eh mukhang may crush kay Minghao! HAHAHAHA

Iniwan na kami ni Minghao dito sa may dining area at ginawa na ni Dang yung mga dapat niyang gawin tulad nung mga nakaraang linggo din. May pinaggagawa siyang therapy sa akin tapos parang ginawa din akong bata noon para lang daw tumino na ulit utak ko pfft.

"Nice naman Sir Wen! Mukhang magaling na ah!" sabi ni Dang sa akin and offered a hi-5 kaya ayun, inapiran ko naman.

"Okay na ako. Salamat. Saka... May tanong ako sayo," sabi ko. Nag-aayos na siya nung mga gamit niya at inintay yung tanong ko.

"May ano... May gusto ka ba sa kaibigan ko?" diretsahan kong tanong sa kanya. Nanlaki naman yung mata niya at napaiwas agad ng tingin.

YES NAMAN BOI MINGHAOOO. GANTONG GANTO SI RIN NOON EH AHAHAHAHA--- Rin… Okay.

Natawa nalang ako sa tanong ko at reaksiyon niya kasi haller obvious naman na?

"Okay okay. Never mind my question pero... Si Minghao? Pssh, mukha mang leader ng gang yun, mabait yun! Saka... Wag mo na i-deny, halata naman eh, M.U kayo hahaha," sabi ko at agad na pumunta kay Minghao.

"Toool! Hatid mo na si Dang!" mapang-asar kong sinabi at agad siyang tinulak palapit kay Dang hihihihi ♡ at yung dalawa? Ayun namula HAHAHAHAHA KYOT ♡

"Hatid mo na! Maglalaro pa kami nila Natnat ko! Goooo! Ingat Dang! Thank you!" sabi ko at pinagtulakan silang dalawa palabas ng bahay. Pagkatulak ko sa kanilang dalawa, sinara ko agad yung pinto, ni-lock at sumilip sa may bintana.
YIEEEE KENEKELEG EKE SE KENELENG DELEWEEEE. Okay nakakabakla na, tama na.

"Tataaaaay! Pwede na tayo mag plaaaay?" patakbong tanong sa akin ni Nathaniel at may dala dala siyang laruang basketball, yung plastic XD Kinarga ko naman siya at naglakad na papunta sa play room nila ni Emilia.

"Pwedeng pwede na!" pagkababa ko ay inagaw ko sa kanya yung bola at tinakbuhan siya dun.

It's good to be back y'all.

And it's all for you Rin, my dear sunlight. And of course para na din sa mga anak natin mwehehehehe

***

A Fallen Angel || a seventeen fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon