[AUTHOR's POV]
*** Past ***
Nagmamadaling nag-impake si Rin ng kanyang mga gamit. Kailangan niya kasing pumunta agad sa Italy dahil kailangan siya ng kanyang Ina doon.
"Oh? Aalis ka? Saan?" tanong ni Junhui dito nang maabutang nagiimpake sa kanilang kwarto.
"Yeeeeah. Sobrang urgent, kailangan kong pumunta kay Mama that's why I booked the nearest flight I could catch,"sambit ni Rin habang patuloy na nag-impake ng bagahe niya.
Umupo naman si Junhui sa tabi nito at sumalumbaba. "Gaano ka katagal dun?" tanong niya. "Few days, one week, one month... Ewan ko. Depende sa laki ng problema dun." she heaved a sigh as she zipped her baggage.
"Kung aabutin ka ng isang linggo dun, di ka na makakaabot sa first birthday ni Emilia." sabi ni Junhui. "I knooow! First birthday niya yun eh! Wala naman akong magagawa, kailangan ako ni Mama dun," mapanghinayang na sagot ni Rin.
Inakbayan naman siya ni Junhui at ki-nomfort. "Okay lang, naiintindihan ko naman. Di naman maiintindihan pa ni Emilia yan eh! Hahaha!" asar nito. "Loko ka talaga! Sige na, ilalabas ko na tong gamit ko,"
"Hatid kita?" pagyaya ni Junhui habang buhat-buhat yung bagahe ni Rin. Umiling-iling naman siya bilang kasagutan saka dumiretso palabas ng bahay at nilagay sa compartment ng kanyang Fortuner ang bagahe niya.
"No need. Bantayan mo nalang mga anak natin. Saka pinapunta ko nalang dun si Mang Ber para pakuha ko yung Baby Fortuner ko hehe," sabi ni Rin sabay sara ng compartment nito.
"Ayan ka na naman sa ayaw pahatid eh. Pag yan ano na naman a-" hindi natuloy ang pagsasalita ni Junhui nang bigla siyang halikan ni Rin ng mabilis.
"Di na ulit mangyayari yun! Saka hello? Kasal na tayo? May anak na tayo? At yooo? Mahal na mahal kaya kita?" natawa nalang ng bahagya si Junhui dito.
"I should get going. My flight's in two hours," niyakap ni Rin ng mahigpit si Junhui bago tuluyang pumasok sa kotse niya. "Yung mga bata oy! Sabihan mo nalang. Wag mong turuan ng kabaliwan mo nako! Ihahampas kita sa piano pag nalaman ko lang talaga nako... Saka si Emilia, Nanay saka Tatay ituro mo wag Mommy Daddy!" sigaw ni Rin mula sa loob ng kotse.
"Opoooo! Ako na bahala. Ingat ka dun ah? Labyu," sabi ni Junhui.
"Kayo din, ingat dito. Labyutuuuu!" sagot ni Rin at saka umalis. Hindi na siya nakapag-paalam sa dalawa niyang anak dahil tulog pa ang mga iyon.
Dumiretso na nga siya sa airport, agad na nag-check in at sumakay na ng eroplano. Habang nagiintay ay naglettering muna si Rin sa kanyang kamay ng pangalan ng pamilya niya.
Nasa may Jun na siya at paliko na ng 'h' nang biglang napasigaw yung katabi niya sa gulat kaya naman nagmukhang letter e iyong dapat na 'h'. "Di bale, kay Natnat ko nalang ito," sabi nito sa sarili.
"OMG! THE OH-SO-FAMOUS-PHOTOGRAPHER LADY R?" napatingin naman si Rin sa katabi nito ngayon sa eroplano. Nginitian niya naman ito dahil paniguradong fan niya ito.
"OMG!!! I'M SO BLESSED OMG ANG TAGAL NA PO KITANG GUSTO MAKITA! I'm such a fan of all your photos and omggggg ang ganda niyo po in person waaah!" natawa nalang ng bahagya si Rin sa fangirl na katabi niya.
"Omg Ate, dahil po sayo kaya ko nagustuhan ang photography emegeeesh! Eto nga po oh, bumili po ako noon ng photobook niyo! Uhmmm, pwede po pa autograph na din? Hehe," masiglang sambit ng babae.
BINABASA MO ANG
A Fallen Angel || a seventeen fanfic
FanfictionAngels do fall from the sky... literally - Also a sequel of Reality 101