Kabanata 2

199 8 0
                                    

DALAWANG araw na mula ng maging secretary ako ni Atty. Hidalgo. Wala naman akong napapansing kakaiba. Maliban sa sobrang boring dito. Hapon na pero nasa meeting pa rin si Atty. at hindi na n'ya ako sinama dahil walang magbabantay dito.

Lingid sa kaalaman ni Atty. ay hinack ko ang CCTV cameras ng buong kompanya n'ya. Nilagyan ko rin ang opisina n'ya. Kaya kahit paupo-upo lamang ako rito ay namomonitor ko ang mga pangyayari.

Wala naman akong masyadong ginagawa dahil nagawa na no'ng totoong secretary n'ya ang karamihan bago ito umalis.

Napakunot ang noo ko ng makakita ng tatlong lalaki na aali-aligid sa kompanya. Kinausap ng isa ang guard. Umiling lang ang guard at tumango lang ang lalaki bago umalis. Kinuha ko ang walkie-talkie at kumonek sa gwardya.

"Kuya, anong pakay ng lalaking 'yon?" tanong ko. Sinabihan na ni Atty. ang mga gwardya na sagutin agad nila ako kapag may tinanong ako.

[Ah, ma'am. Tinatanong po kung anong schedule ni Sir.]

"Sinabi mo naman?"

[Hindi po, ma'am.]

"Good. Kuya, pakibantayan ha? Kahina-hinala ang tinanong nila."

[Opo, ma'am. Hindi rin po katiwa-tiwala ang mukha.]

Napatawa ako, "Sige, Kuya. Salamat."

Pinatay ko na 'yon at pinagmasdan muli ang computer. Umalis na ang tatlong lalaki.

Ano kaya ang pakay nilang tatlo at kailan pang alamin ang schedule ng yummy kong boss? Ang vault kaya? Pero pwede ring si boss mismo? Attorney s'ya at marami na siyang nakaharap na kaso kaya pwede ring isa sa mga nakalaban n'ya 'yon.

"A penny for your thoughts?"

"Oh shit!" Halos mahulog ako sa swivel chair na kinauupuan dahil sa nagsalitang 'yon.

"Hey, are you okay?"

Inayos ko muna ang sarili bago harapin ang pangahas na 'yon.

"Okay lang, Atty."

Gano'n ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang naramdaman ang presensya n'ya?

"You look bothered. May nangyari ba? Kumusta ang vault?"

"Atty. I think we need to talk it inside your office."

Tumango lang s'ya at nauna ng pumasok sa loob ng opisina n'ya. Pinatay ko naman ang computer para safe. Malalaman ko agad kung may mangingialam o wala.

"What is it?"

"Atty., nasabi mo sa'kin na may ilang nagtangka sa vault mo. Would you mind to share what exactly happened?"

"Ahm. The latest happened two days before I go to your agency. Two of my employees sneak in and tried to open the vault but they failed. Hindi gano'n kadaling buksan ang vault. Hanggang sa ayon, nahuli sila. Pero bago 'yon ay marami pa ang nagtangka. Empleyado ko man o hindi. But none of them succeed."

"Paanong mahirap buksan?"

Sa halip sumagot ay tumayo s'ya at nilapitan ang painting.

Ang ganda talagang kausap nito.

Inalis n'ya ang painting at bumungad sa'kin ang vault. Katulad ng ibang vault ay may pindutan ng password at handle.

Lumapit ako para mas pagmasdan 'yon. Hindi naman n'ya ako pinagbawalan. Hinawakan ko ang nakakuha ng pansin ko. Ang maliit na butas na para sa flashdrive.

"Nasubukan mo na bang buksan 'to?"

Sasagot sana s'ya ng makarinig kami ng kalabog sa labas.

"Atty., ako na ang titingin. Ibalik mo na 'yan." Tinapik ko s'ya sa kanyang braso. Lihim akong napangiti.

Tsansing! Ang tigas Ano kayang feeling na mayakap no'n?

Paglabas ko ay wala naman akong nakita. Pumunta rin ako sa may fire exit at sa elevator. Pero walang sign na may taong umakyat dito.

Bumalik na ako sa office ni Atty. na s'ya namang pagbukas ng pintuan ng banyo. Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa mga pandesal n'yang para akong tinatawag para aking hawakan.

Lord! Pigilan n'ya ako dahil baka ma-rape ko ang abogadong 'to!

"Is there a problem, Miss Santiago?"

"Sir, pwedeng pakagat?"

"Ha?"

"W-wala po, Sir Atty.! Lalabas na po ako."

Mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ako ng takbo palabas. Napahawak ako sa mukha. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi at pag-iinit ng katawan dahil sa kahihiyan sa nasabi.

Paktay kang bata ka! Nahuli n'ya akong pinagnanasaan ang kanyang mga pandesal.

Parang mahihimatay na pinaypayan ko ang sarili gamit ang kanang kamay.

Marami na akong nakilalang lalaki pero iba ang epekto sa'kin ng abogadong 'to. Kahit pa maghubad sila ay wala silang dating sa'kin. Maliban kay Atty.

Namumula na naman ako dahil hindi ko mabura sa isipan ang maganda niyang katawan. Naka-pants s'ya ngunit walang pang-itaas at basa ang kanyang buhok. Ang ilang patak ng tubig mula sa kanyang buhok ay dumadausdos pababa sa kanyang mga pandesal.

Napailing ako at pinukpok ang sarili.

"I'm here to protect the vault and not to fantasize that attorney."

MS#2: Janelle MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon