"HAY buhay, parang life. Ano bang meron sa'yong vault ka at kailangan pa kitang bantayan?"
Nakatitig ako sa painting na hindi ko maintindihan. Sa likod niyon ay nandoon ang vault. Nasa opisina ako ng attorney at hinihintay s'ya. Bukod kasi sa pagiging abogado ay isa rin siyang businessman.
"Ma'am, ano pong gusto n'yong inumin? Kainin? Medyo matatagalan pa raw po kasi si Sir." tanong ng sekretarya n'ya
"Ah, tubig na lang please."
Napanguso ako ng lumabas s'ya. Gutom na 'ko pero nahihiya naman akong makikain. Nakakainis naman kasi si Atty. Kanina pa kaya ako rito. Inaantok na rin ako dahil kulang ako sa tulog.
Wala naman sigurong masama kung makitulog muna ako rito diba? Wala pa naman si Atty. dahil matatagalan pa nga raw 'to. Malamang na gigisingin naman ako ng sekretarya n'ya kapag natulog ako. At dahil sa naisip ay tuluyan na akong nagpalamon sa antok.
"Ahm, Sir., nakatulog na po s'ya sa paghihintay sa'yo."
"I see. Sige na, ako ng bahala sa kanya. 'Wag ka munang magpapapasok ng kahit sino."
"Yes, Sir."
Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Lutang na naupo ako at kinusot ang mga mata. Pagmulat ko ay nagulat pa ako dahil may gwapong nakatingin sa'kin sa katapat kong sofa.
"Sorry, Atty. Nakatulog na 'ko." tanong ko na pasimpleng kinapa ang garter ng panty.
Ang wafu!
"It's okay. So, ikaw na ba ang pinadala nila?"
"Ah. Wait lang, Atty. Pwedeng makigamit ng banyo?"
Walang salitang itinuro naman n'ya sa'kin ang isang pinto. Agad akong tumakbo roon para umihi at mag-ayos.
Grabe. Hindi ko akalaing mas gwapo pala sa personal ang abogadong 'yon.
Paglabas ako nakaupo pa rin siya roon. Bumalik naman ako sa pwesto ko.
"Ah. Atty., tungkol nga pala sa tanong mo kanina, ako nga ang ipinadala nila. Janelle Santiago at your service."
"Atty. Brent Hidalgo. Nice to meet you, Miss Santiago."
Nag-shake hands kami. Ang sarap hawakan ng kamay n'ya kahit may kagaspangan iyon dahil sa kalyo. Bumitaw ako agad dahil baka mapansin n'ya akong pinagnanasahan s'ya. Ng slight lang naman.
"So, Atty., gaano ka-importante ang vault na 'yon sa'yo?"
"Mas importante pa sa buhay ko. May ilang nagtangkang buksan ang vault kaya kinailangan ko na ng tulong n'yo."
Napatango ako. Ang seryoso naman pala ng kaso nito.
"All I need to do is to guard that vault of yours and make sure that no one can get what's inside of it, right?"
"Yes."
Napaisip ako. Paano ko mababantayan ang vault na 'yan? Hindi ako pwedeng maging secretary n'ya kasi mayroon na s'ya no'n. Hindi naman n'ya pwedeng sisantehin 'yon para sa'kin. Kahina-hinala naman kung dalawa kaming sekretarya n'ya.
"What's your plan?"
"Kailangan kong maging malapit sa'yo para mabantayan ang vault mo. I can't be your secretary 'cause you already have one. Kailangan ko ng posisyon dito na malapit sa'yo. At secretary lang ang pwede roon. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi na pwede."
Sayang. Maganda sana kung magiging secretary n'ya ako para pwede kong alamin ang mga bagay-bagay.
"Be my girlfriend then."
Nanlaki ng bongga ang mga mata ko sa sinabi n'ya.
Wag kang ganyan please. Marupok ako.
"Ayaw kong maisyu."
Kilala ang pangalan n'ya sa larangan ng business at abogasya. At maraming babae ang handang itapon ang sarili nila para sa kanya. Bago pa kami makapagsalita ay may kumatok na at pumasok ang sekretarya n'yang mugto ang mga mata.
"What happened?"
"A-ah, Sir, s-sorry po sa abala pero m-magpapaalam po s-sana ako..."
Tumayo ako at pinaupo s'ya sa tabi ko.
Kinuha ko ang baso na sa tingin ko'y ang pinadala ko sa kanya kanina. Puno pa 'yon dahil hindi ko pa naiinuman. Pinainom ko sa kanya 'yon habang hinahagod ang likod n'ya. Nanginginig s'ya at umiiyak kaya hindi s'ya makapagsalita ng maayos.Naalala ko tuloy si Jazrell sa kanya, ang pinsan kong ipinagpalit ng asawa n'ya para sa bestfriend nito. Ganito kasi lagi ang ginagawa ko sa kanya kapag umiiyak s'ya.
"S-salamat po, ma'am. Sir, pwede po ba akong umuwi muna sa'min? Malubha na po kasi ang sakit ni inay."
"Yes, you can. Ako muna ang papalit sa'yo habang wala ka."
"She's right. You don't have to worry. Pakisabi na lang sa inay mo na magpagaling s'ya."
"T-thank you po, Atty. Thank you rin po ma'am." paalam n'ya at umalis na
"So, Atty., kailan ako magsisimula?"
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
RomansaAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...