"You. I need your explanation about your wound. Where did you get that?"
"Sorry, Atty. But it's not of your business. Ang trabaho ko lang dito ay bantayan ang vault n'yo at maging pansamantalang sekretarya n'yo pero wala sa trabaho ko ang magpaliwanag sa inyo. Now, if you may excuse me, Sir."
"I want to know because I'm worried about you! I like you, okay?! Is that enough reason for you to tell me what happened?!"
Parang nag-loading ang utak ko sa narinig.
"He likes me raw." bulong ko. Napangiti ako at nilingon s'ya, "Don't worry about this, Atty. Okay na okay na 'ko! And Atty., I like you too din!"
Parang baliw na lumabas ako ng opisina n'ya at nagtatalon habang sumusuntok pa sa ere.
'Yes! He likes me too!'
"Aw." daing ko ng kumirot na naman ang sugat ko. Nangingiting naupo ako sa swivel chair. Nilalagnat pa rin ako pero sapat na ang narinig ko para magkaroon ng panibagong energy.
"Tss. Pumasok ka sa loob. Mag-uusap tayo."
"Hindi pwede. Marami ka pang pinapagawa oh." ininguso ko ang mga nakatambak na papel sa mesa
"Leave it there. Papasok ka ba o bubuhatin kita?"
Tumayo ako agad at nauna ng pumasok. Diretso upo rin ako sa sofa at hinintay na lamang s'ya. Nakangising naupo s'ya sa tabi ko.
'Hindi porket patay na patay ako sa kanya ay bibigay ako agad!'
"Anong pag-uusapan natin?"
"What's your connection to the Ricels?"
"They are my friends."
"Good. I don't want any guys near you."
"Wait. Ano 'to? Rules and regulations?"
"Yes, I like you and I'm going to court you."
"Okay. So, ikaw naman ang magsabi tungkol sa pagmamaktol mo these past few days."
"I'm jealous."
"Jealous? Kanino ka naman magseselos? Imposibleng kay Dean dahil bukod sa may asawa na 'yon eh ngayon lang kami nagkita."
"Racky... You said you love him. I was hurt because I already like you that time. Pero ngayon, I don't care if you already have a boyfriend."
"Oh? Narinig mo pala 'yon? You don't have to worry kasi gay si Racus!"
"And you're still happy even I am obviously jealous of him?"
Tinawanan ko lang s'ya ngunit napatigil ako nang maramdaman ang malambot na bagay sa labi ko.
'Ang first kiss ko... Nakuha ng first love ko...'
Tinulak ko s'ya palayo sa'kin. Hindi naman gumagalaw labi n'ya eh! Kaya ako na lang hahalik. Wala ng hiya-hiya. Walang mangyayari sa lovelife ko kung mahihiya ako sa kanya no! Saka like naman n'ya ako diba? All I need to do is to make sure that he'll fall in love with me.
Natigil kami sa kissing session ng makarinig ako ng putok ng baril sa labas. Waring binubuksan ang pinto.
"Ni-lock mo ba 'yon?" tanong ko
"Yeah."
Hinila ko s'ya papunta sa banyo. Itinaas ko ang palda ko para kunin ang baril na nakatago rito.
"Nakatali na sila, Boss." boses ng isang lalaki
"Good. Ikutin ang buong opisina baka nandyan lang si Hidalgo. At kayo, hanapin ang vault. Kailangan kong makuha ang laman niyon." boses ng isa pang lalaki na mas mababakasan ng awtoridad
Hinila ko naman si Brent sa may bathtub. Wala kaming pagtataguan kundi rito. Medyo mataas naman ang bathtub.
"Mahiga ka, Brent. Bilis."
Agad niyang sinunod ang sinabi ko at tumabi naman ako sa kanya. Err. Hindi talaga tabi dahil nakapatong ako sa kanya. Pang-isahan lang naman kasi ang bathtub na 'to. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sa kanila na kailangan ko ng back-ups. Marami sila at mukhang may mga armas pa. Malalagay ako sa panganib kapag hinarap ko silang mag-isa. Lalo na at nandito si Brent.
"Damn, baby. Stop moving." paanas na wika niya na sinunod ko dahil may naramdaman akong matambok sa gitna n'ya. Lihim akong napatawa ngunit kinilig din dahil sa endearment n'ya.
Inihanda ko ang baril ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo.
"Boss may mga parating!" wika ng isa na sinundan ng mga nagmamadaling yabag.
"Babalikan natin ang vault na 'yan." huling narinig ko bago tuluyang tumahimik. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tumayo.
"D'yan ka muna, Brent. Ako muna ang lalabas."
Lumabas ako at tulad ng inaasahan ay gulo-gulo ang buong opisina. Itinutok ko ang baril sa pinto ng bumukas iyon.
"Hey, girl."
"Racus." Ibinaba ko ang baril at ibinalik sa hita ko. "Nakita n'yo ba?"
"Yes. Itinali nila ang mga empleyado at may tama ang mga gwardya. You don't have to worry, girl. Nandoon sina Wendell para tulungan sila. Kumusta naman ang vault ni fafa?"
Nilapitan ko ang vault. Nakababa ang painting kaya kitang-kita ito. May mga gasgas ang vault dahil sa pagpipilit na buksan 'to.
"What are you doing here?" boses ni Brent kaya napalingon ako rito. Masama ang tingin n'ya kay Racus na nakatulala. Kilala n'ya marahil si Racus bilang lalaki sa agency.
"Ahm. Baby, he's Racky."
"S'ya?! Eh ba't hindi halata?" Tiningnan n'ya mula ulo hanggang paa ang lalaking pananamit ni Racus
"Ow. Don't tell me pinagseselosan din ako ng fafa mo, girl?"
"Yes." sagot ko
"Ew! Hindi tayo talo, girl!"
Natawa ako sa reaksyon n'ya.
'Damn.'
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
RomanceAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...