Kabanata 13

196 9 1
                                    

"Jazrell!" naiiyak na tawag ko sa pinsan at niyakap s'ya

"Hay, Jan. Kung kayo talaga, kayo talaga." sabi n'ya

Its been a month since the last time I saw him. Kung alam ko lang na pagkagising ko ay nasa mansyon na ako, sana pala'y hindi na lang ako natulog at inenjoy ko na lang ang mga oras na magkasama pa kami.

"Jaz, I love him so much..."

"Jan, alam nina Tito 'yon pero intindihin mo na lang sila. Hindi nila nagustuhan ang naabutan nila."

"Pero wala ngang nangyari sa'min!"

"Wala nga ba?" nanunuksong tanong n'ya kaya natawa ako

"He pleasured me pero wala ng nangyaring higit pa! He just did that dahil halos mamatay na ako sa lamig."

"Ano namang say ni Tita?"

"Kay mommy ay okay lang kung may nangyari sa'min o wala. Alam mo namang halos ipamigay na 'ko no'n dahil gusto na n'ya akong mag-asawa. Gusto na rin niyang magkaapo. Pero si Daddy, sina Tito at mga pinsan natin ayon. Halos patayin na nila sa isip si Brent."

Sa mga babaeng Montralvez ay okay lang ang nangyari. Pero sa mga lalaki ay hindi. Pinagbawalan pa nila akong makipagkita sa kanya kaya kahit saan ako magpunta ay kasa-kasama ko ang kahit sino sa kanila.

"Be strong, Jan. If he really loves you, gagawa s'ya ng paraan para maging kayo hanggang huli. Magtiwala ka lang sa nararamdaman n'yo. Naniniwala akong magkakaroon ka rin ng happy ending gaya ko." Pinahid n'ya ang mga natuyong luha sa mukha ko.

"Hays, baka nai-stress ka na sa'kin, Jaz? Bawal sa'yo 'yon ha?" sabi ko habang nakatingin sa tiyan n'ya

"Nah. Hindi naman. Basta, Jan, be strong. May meeting pala kami with him. Baka may ipapasabi ka?"

"Wala. If he loves me, he will fight for me. If he's not, then move on na lang. Pero hangga't kaya kong maghintay, maghihintay ako."

"Aalis na 'ko, Jan. 'Wag kang magpapalipas ng gutom. Okay lang umiyak 'wag lang magutom."

Natawa ako sa sinabi n'ya. Hinalikan n'ya ako sa pisngi bago lumabas ng kwarto ko.

'Mag-isa na naman ako.'

Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Tulad nga ng sinabi ko, isang buwan na ang nakakalipas matapos ang lahat. Nahuli na ang mga Suarez at naipakulong pa lahat ng miyembro nila. Ang porcelain doll naman na iyon ay mananatiling nasa pangangalaga ng mga Hidalgo dahil kanila naman talaga 'yon.

Nakahinga ako ng maluwag ng mabalitaang maayos na ang lahat at wala ng banta sa buhay ni Brent. Magaling na rin ang mga sugat ko kaya nakakakilos na rin ako. Ang problema na lang talaga ay ang angkan ko at si Brent.

"Ang lakas ng loob mag-aya ng kasal tapos hindi naman kayang panindigan!" iritang saad ko

Ayokong maglalabas ng kwarto dahil kapag nakikita ko ang kahit sinong lalaking kamag-anak ay naaalibadbaran ako. Natutuwa ako na protective sila sa'min pero naiinis ako kapag nasobrahan.

"Baby! Open the door!" rinig kong sigaw ni mommy kaya mabilis kong binuksan ang pinto

"What's wrong, mom? Why are you crying? What happened?"

"Baby, Atty. Hidalgo is in danger."

Tumigil ang mundo ko sa narinig.

"What?! Paanong nangyari 'yon mom? Nahuli na ang mga Suarez hindi ba?!"

"May nakatakas at kinidnap s'ya."

Walang salitang pumasok ako sa kwarto at kinuha ang baril ko.

"Where are you going baby?" tanong n'ya ng lagpasan ko s'ya

"I'll save him mom."

"Ng ganyan ang suot mo?" Pinasadahan n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang ako ng sando at short. Tipikal na pambahay.

"Wala na akong oras para magpalit mom. Hindi ko kayang mawala s'ya sa'kin." Hindi ko na s'ya pinansin at kumaripas ng takbo pababa. Ang mabilis kong kilos ay unti-unting bumagal habang nakatingin sa first floor. Parang mag valentine's party base sa dekorasyon na karamihan ay hugis puso. May mga rose petals din na nagkalat. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakatalikod sa'kin.

Namuo ang mga luha ko. 'Likod pa lang alam ko ng si Atty. yan!'

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit hindi s'ya kinalabit. Kusa naman siyang napaharap sa'kin na ikinaiyak ko na. Hindi ko alam kung saan s'ya nagulat. Sa pag-iyak ko ba? Sa suot ko? O sa hawak kong baril?

Itinutok ko ang baril sa kanya na ikinagulat n'ya.

"Anong ginagawa mo rito? Isang maling sagot at malilintikan ka." garalgal na ang boses ko pero wala akong pakialam

"I'm here for you."

"Diretsahin mo na 'ko, Hidalgo."

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang lahat. Niloko ako ni mom para ipakita sa'kin 'to.

"I love you." saad n'ya at hinalikan ako. Nakarinig kami ng pagkasa ng mga baril kaya bumitaw s'ya agad. "Sorry, I can't help it."

"Hindi 'yan ang usapan, Hidalgo!" saway ni daddy

Nasa paligid na ang buong angkan ng Montralvez. Maliban sa lolo't lola namin na matagal ng pumanaw. Ang mga lalaki ay nakatutok ang baril kay Brent na napakamot na lang bago lumuhod.

"Sorry kung natagalan bago ako nakapagpakita sa'yo. I know you're mad at me but I want you to know to that I still love you, I always will. And now, I'm here in front of your ancestors---"

"Anong ancestors?!" sabay-sabay na angil nina daddy at mga kapatid n'ya na ikinatawa ng lahat.

"I mean, will you marry me?"

"Yes, baby! I will marry you, Mr.Hidalgo!"

MS#2: Janelle MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon