Kabanata 5

194 9 0
                                    

"RACUS, may update na ba?"

Nakaupo pa rin ako sa gilid ni Brent at nilalaro ang buhok n'ya. Tulog pa rin s'ya hanggang ngayon. Bumaba na rin ang lagnat n'ya.

[Ongoing pa rin, girl. Ang dami kasing 'S' na nakaharap ni fafa Brent sa korte. Medyo mahirap matukoy kung sino ang nanggulo sa bahay n'ya.]

Oo, sinabi ko sa agency ang tungkol sa nangyari sa bahay ni Brent. Hindi na 'yon parte ng misyon ko pero ginawa ko pa rin dahil gusto ko. Nag-alala ako para sa kaligtasan n'ya.

"Okay pero pwedeng bang pakibilisan ng konti? Hindi kasi maganda ang kutob ko tungkol d'yan."

[Aba'y teka nga, girl. Ba't ka ba masyadong nag-aalala kay fafa Brent? Ang alam ko'y ang vault ang babantayan mo hindi ang fafa?]

Hindi ako nagsalita at alam kong alam na n'ya ang ibig sabihin no'n.

[Ay! Lumalablayp ang ate mo! Magsasabi nga ako kina Tito na isabak ako sa misyon para makita ko na ang aking forever!]

"Natatakot ako."

[Aba't ano naman ang ikinakatakot mo aber?]

"Paano kung 'di pala n'ya ako gusto?"

[Tsk. Tsk. Baka nakakalimutan mong isa kang Montralvez, girl? Wala kayong ginusto na hindi n'yo nakuha.]

Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya.

"Yeah, right. Thank you for reminding me that."

[Hay, ang talino ng lahi n'yo pero pare-pareho kayong nagiging bobo sa pag-ibig, girl.]

Natawa ako sa sinabi n'ya dahil totoo 'yon.

"Iparinig mo sa mga lalaki 'yan, ewan ko na lang kung anong mangyayari sa'yo."

[Kay fafa Migo pa lang baka matuyuan na ako ng dugo. Grabe naman kasi ang mga pinsan mong boys girl! Ang gagwapo pero masusungit!]

Mahinang napahalakhak ako sa sinabi n'ya. Kumilos si Brent pero tulog pa rin.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap. I-update mo 'ko agad kapag may nalaman ka."

[Yes naman. Love you, girl! Balitaan mo ko kapag malaki at mahaba ha?!]

"Ewan ko sa'yo! Love you too, Racky."

Pinatay ko na ang tawag. Pinisil ko ang mga pisngi dahil sa pamumula sa sinabi n'ya.

'Walangya talagang bakla 'yon. S'ya talaga ang dahilan kung bakit nagiging manyak ako eh.'

Napailing ako at tumayo na. Tulog pa rin naman si Brent kaya magluluto muna ako ng hapunan. Kailangan ko na ring maligo dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko.

Matapos niyon ay binuhay ko ang laptop ko. Naka-monitor ito sa opisina n'ya kaya makikita ko kung may magtatangka sa vault.

Nagluluto na ako ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Pinahinaan ko ang kalan at binasa ang mensahe.

'Kung ako sa'yo, 'wag ka ng makialam sa gulo namin ni Hidalgo. Layuan mo s'ya o papatayin din kita. -S.'

Hindi na ako natatakot kapag may nagpapadala sa'kin ng death threats. Sanay na sanay na ako sa mga ganito.

Itinext ko kay Racus ang numero ng nagtext para ma-track nila 'yon. Tapos na akong magluto ng tumunog muli ang cellphone ko.

"Yes, Racus?"

[Na-trace na namin ang phone number at napuntahan na rin ang lugar pero wala na.]

Hindi si Racus ang nagsalita kundi mas bata sa kanya.

"Hi, Wendell. What do you mean 'wala na'?"

[Tinapon lang ang simcard malapit sa lokasyon n'yo. Pero tinitingnan pa kung may fingerprints na naiwan.]

"Hmm. Okay, okay. Paki-update ako ha? Thank you."

Pinatay ko na ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa. Si Racus at Wendell ang madalas magkasama. Alam kong lalaki talaga si Wendell at nakatatandang kapatid lang ang tingin n'ya kay Racus.

Nagdala na lang ulit ako ng pagkain ni Brent sa kwarto n'ya. Pagpasok ko ay nakaupo s'ya at nakahawak sa sentido. Nagtatakang tumingin n'ya sa'kin.

"Nasaan ako?"

"Nasa condo ko. Heto kumain ka na muna para tuluyan ka ng gumaling."

"Wait. Did I do something embarrassing?"

'Wow. Ito ang normal na s'ya. Inglesero.'

"Wala naman. Kumain ka na muna at iinom ka pa ng gamot."

"You... You took care of me?"

"Oo naman. Sekretarya mo pa rin naman ako."

"Inalagaan mo lang ako dahil... boss mo 'ko?" bakas ang hinanakit sa boses n'ya

'Anong drama na naman nito?'

"Ha? Hindi ah! Inalagaan kita kasi nag-aalala ako sa'yo. Kaya kumain ka na."

Akala ko'y magiinarte pa s'ya pero mabuti naman at hindi na. Pinanood ko lang siyang kumain at uminom ng gamot at tubig.

"Thank you for the food and taking care of me but I need to go."

Ba't biglang naging suplado ang fafa na 'to?

Humarang ako sa dadaanan n'ya.

"Hindi pwede, Brent."

"And why is that?"

"Dahil may pumasok sa bahay mo at sinira lahat ng gamit mo. Kung 'di ka naniniwala edi oh. Basahin mo." Inilagay ko sa kamay n'ya ang papel na nakuha ko sa kwarto n'ya.

"S? It's probably from the Suarez'."

"Bakit nila ginawa sa bahay mo 'yon?"

"Stop asking. I hired you to guard the vault and not to meddle with me."

Nasaktan ako sa sinabi n'ya. Akala ko okay na kami. Tss. Bakit ko ba nakalimutan na hindi ko pa masyadong kilala ang lalaking 'to?

"I'm sorry, Atty. Please close the door when you leave."

Lumabas ako ng kwarto n'ya at pumunta sa kwarto ko.

"Grabe. Ano bang nagustuhan ko sa'yo  Hidalgo? Ni hindi nga kita kilala pero bakit handa akong suwayin ang lahat ng batas namin para sa'yo?"

MS#2: Janelle MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon