Kabanata 8

189 4 0
                                    

"Dinala na sa ospital ang mga injured at pinauwi muna ang mga empleyado. Okay lang naman ba sa'yo 'yon?" tanong ko kay Brent

"Yeah, baka na-trauma sila sa nangyari."

"But hey, sino ba ang mga lalaking 'yon?" tanong ni Racus, "May tattoo silang ahas sa batok o braso."

"They are the Suarez'. Sila ang huling nakalaban ko sa korte. Naipakulong ko kasi ang anak n'ya sa kasong rape."

Binalingan ako ni Racus na may malaswang tingin na inirapan ko lang. Kaberdehan na naman ang nasa isip nito.

"So, Atty., kapag ba ni-rape ka ng babae d'yan sa tabi-tabi ay sasampahan mo rin ng kaso?" pasaring n'ya.

"Hmm. It depends. If I like the girl, of course I won't sue her. Willing pa akong magpa-rape, di ba, Baby?"

Namula ako sa sinabi n'ya at kinurot s'ya. Tinutukoy n'ya marahil ang pagiging agresibo ko kanina.

'Tss. Alam kong nagustuhan naman n'ya 'yon.'

"By the way, thank you, Racky. Mabuti na lang at nand'yan kayo sa tabi-tabi." sabi ko na lang

"Okay lang. Ang role ko lang naman dito ay maging back-up n'yo." pag-iinarte n'ya kaya natawa ako, "By the way, girl. Ipatingin mo sa ospital 'yang sugat mo. Nainfect na yata 'yan."

Napatingin ako sa sugat ko nagdudugo na naman.

"Baka maubusan ka ng dugo." singit ni Wendell na kararating lang

"Come. I'll bring you to the hospital."

Wala na akong nagawa dahil s'ya na ang nagsabi.

"Hep! Alam ko na ang sasabihin mo. Kami ng bahala rito " sabi ni Racus, "Gano'n din ang ginawa sa'kin ni Jazrell last time kaya sanay na 'ko."

Natawa na lang ako sa pagdadrama n'ya.

"Thank you, Racky!"

Lumabas na kami ni Brent. Parang walang nangyari sa ibaba dahil ayos na ulit ang mga gamit, ang pinagkaiba lang ay wala ang mga empleyado. Kotse n'ya ang ginamit namin at s'ya na mismo ang nag-drive.

"I can't still believe that he's a she."

"Hindi halata 'yon. Basta 'wag lang magsasalita."

"You seems too close to your boss." puna n'ya kaya natigilan ako ngunit hindi nagpahalata

"Friendly kasi s'ya. At kahit boss namin s'ya ay nandyan s'ya para tulungan kami." paliwanag ko na lang

'Sorry, pero hindi mo pa pwedeng malaman ang totoo.'

Nakarating kami sa ospital at s'ya ang nakinig sa mga sinasabi ng doktor tungkol sa sugat ko. S'ya na rin ang nagbayad at bumili ng mga gamot ko.

"Is it okay if we'll eat first?"

"Oo naman. Gutom na 'ko."

Sa isang restaurant kami pumunta. S'ya ang umorder at halos manlaki ang mga mata ko sa dami ng inorder n'ya.

"Mauubos ba natin 'yan?" tanong ko

"Yeah. Kailangan mong kumain ng marami."

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang. Binilisan ko pa nga dahil baka biglang sumulpot ang mga Suarez at may madamay na mga inosente.

"Brent, bakit papunta 'to sa bahay mo?" tanong ko. Pauwi na kami at ang balak ko sana ay ihatid na lang n'ya ako sa condo at sina Racus na lang magbabantay sa kanya pauwi.

"Sa bahay ka na matulog. Maayos na naman doon at para mabantayan kita."

True to his words. S'ya ang nagpalit ng gasa ko. Pinakain din n'ya ako kahit kaya ko naman. Hindi n'ya ako hinahayaang kumilos mag-isa, lagi siyang nakaalalay.

"Sorry, baby. Dahil sa'kin kaya hindi agad gumagaling 'yang sugat mo."

"Dapat lang no. Ang sakit kaya tapos pinapahirapan mo pa 'ko. Hindi naman ako makatanggi kahit nakakainis ka." nakangusong sabi ko

"But where did you get this? Don't tell me, you're the one who saved me that night?"

'Huli ka, Janelle!'

Dahan-dahan akong tumango. "Hindi kasi kita matiis. Mabuti na lang din at sinundan kita kundi'y baka napahamak ka na no'n."

"Sorry... Nasaktan ka ng dahil sa'kin."

"Hey it's fine. Malayo sa bituka 'to. And I'm willing to do this again just to save you." I caressed his cheek, "Gano'n kita kagusto."

"Elle..." Niyakap n'ya ako kaya tinapik ko ang likod n'ya.

"Ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko

"I thought no one's gonna love me the way you do."

"A-anong 'love' ka d'yan?"

"Don't deny it. Nararamdaman ko. And don't worry, 'cause the feeling is mutual."

"Gano'n ba 'ko kahalata?"

"Yes. At nalaman kong pinagpapantasyahan mo 'ko. You even think that I'm yummy." pang-aasar n'ya na ikinapula ng mukha ko. Pilit akong kumakalas sa yakap pero mas hinihigpitan lang n'ya.

"P-paano mo nalaman? Narinig mo?"

"Yes. Do you... want a taste?"

Natigilan ako sa narinig.

"Can I, Brent?"

MS#2: Janelle MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon