Kabanata 10

184 6 0
                                    

"MAGKAKILALA kayo?" tanong ng ginang habang nakatingin kay Maico, ang kakambal ni Jazrell

"Ah, opo." napipilitang saad ko at pilit na kinalas ang kamay ni Brent sa'kin. Huli na rin yata dahil napansin 'yon ni Maico.

"Atty., siya na lang po muna ang kausapin n'yo. Kailangan ko lang po s'yang makausap." Tumayo si Maico at walang sabi-sabing hinila ako palabas.

"Maico, nasaan si Chi?"

Si Chi ng asong pinapabantayan sa kanya ng amo nito. Hindi ko alam kung anong kaso nila.

"Nasa amo n'ya. Don't change the topic, Jan. Why are you here? Why are you with him? And what's with your holding hands?"

Napalunok ako dahil sa sunod-sunod n'yang tanong na may kasama pang nakamamatay na tingin.

"Kuya Maico, please don't tell them." nasabi ko na lang. Napapakalma namin ang mga lalaking Montralvez kapag tinatawag na 'Kuya'. Siyempre, maliban kina Daddy.

"Fine. Hihintayin kitang sabihin sa kanila. Pero kapag hindi ka pa nagsabi, ako na ang gagawa no'n."

"Thank you, Kuya." Niyakap ko s'ya at hinagod naman n'ya ang buhok ko.

"Does he loves you too?"

"Yes, Kuya."

"Tss. Pareho kayo ni Jazrell na mabilis magmahal. By the way, I need to go. Take care of yourself, Jan." Hinalikan n'ya ako sa noo bago sumakay sa kotse n'ya. Kumaway pa s'ya kaya kumaway na rin ako at hinihintay s'yang makalayo bago pumasok sa loob.

'Mas lumiliit na ang mundo. At mas mabilis ng maubos ang oras ko.'

Nagulat ako ng punasan ni Brent ang noo ko ng paulit-ulit.

"Anong ginagawa mo?"

"How dare him to kiss you? And you even let him?"

"Wala 'yon. Masakit na 'yong noo ko, baby." reklamo ko, "Akala ko ba mag-uusap na kayo ni Atty."

"Tapos na. Nakuha ko na rin ang flashdrive." Itinaas n'ya ang kulay itim na flashdrive., "Wala rin syang alam sa laman noon."

"Gusto mong malaman?"

Ngumisi s'ya at tumango. Nagpaalam muna kami sa mag-asawa bago pumuntang opisina n'ya. Sarado na ang kompanya dahil isinara nina Racus bago sila umalis. Sa backdoor kami dumaan. Mabilis ang naging kilos namin dahil wala namang ibang tao. Nang isalpak ang flashdrive ay kusang umikot ang para sa password. Nang tumigil ang pag-ikot ay may nag-beep sa vault.

"Ikaw na magbukas." sabi ko sa kanya na agad niyang ginawa

"What the heck is this?!"

Ako na ang kumuha sa porcelain doll na nasa loob. Yes, porcelain doll na bihis na bihis. Tiningnan ko ang damit nito at hinawakan ang disenyo.

"Sa tingin ko ay mga diamonds 'to." bulong ko at tiningnan naman ang basket na hawak nito, "I'm pretty sure na mahal ang mga 'to."

Maging ang basket na hawak nito ay naglalaman ng mga dyamante. Nagkatinginan kami ng makarinig kami ng kalabog sa labas. At tulad ng dati ay hinila ko na naman s'ya papunta sa banyo. Pero this time, may hinanap ako sa banyo. Kinuha ko ang tali at mabilis na pinagdugtong ang mga iyon.

"Wala ka namang fear of heights no? Kasi bababa tayo gamit 'to." sabi ko at itinali ang isang dulo sa matibay na parte ng banyo. Ibinigay ko sa kanya ang isa pa. "Mauna kang bumaba. 'Wag mong bibitawan ang manika, Brent ha? At dumiretso ka agad sa kotse mo. Susunod ako."

Mataas ang kinaroroonan namin at sa tingin ko ay kukulangin kami sa lubid pero bahala na.

"Sumabay ka na sa'kin. Baka maabutan ka nila."

Wala na akong nagawa ng hawakan n'ya ako sa bewang. Nakatali sa bewang n'ya ang lubid.

"Wag mo na 'kong buhatin. Sige na mauna ka na. 'Wag mo kong sisilipan."

"Too late. I already saw your red bikini."

"Tss. Manyak. Magpa-slide ka na lang kaya para mabilis tayo?"

Masakit sa kamay pero pwede na. Limang palapag pa bago kami makababa pero hanggang dito na lang ang kaya ng lubid. Mabuti na lang at may mga basura sa ilalim namin. Nilabas ko ang kutsilyo ko at pinutol ang tali.

"Damn it! Sabihan mo naman ako, baby!" reklamo n'ya

Iniyuko ko ang ulo n'ya nang paputukan kami mula sa taas. Tumakbo kami papunta sa sasakyan n'ya. Dala-dala pa rin n'ya ang porcelain doll na 'yon.

"Ako na magda-drive." sabi ko at agad binuhay ang makina. Hindi pa nga 'yon nag-iinit pero pinatakbo ko na dahil may nagpaputok ulit.

"Baby Brent, kumapit ka ha!"

MS#2: Janelle MontralvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon