NAGTATAKA ako dahil ibang-iba ang mood ni Sir ngayon. Oo, Brent lang kapag kaming dalawa pero Sir kapag hindi. Baka maghinala ang mga empleyado n'ya sa first name basis namin. Ayos naman s'ya ng iwan ko kahapon pero ngayon ay para siyang hinang-hina. Wala naman akong nakitang nanggulo sa opisina n'ya kagabi. Of course, may hidden cameras ang opisina n'ya at konektado ang mga 'yon sa laptop ko na mag-iingay oras na may mangyaring hindi maganda sa opisina n'ya o nagtangkang buksan ang kanyang vault. Ang mga hidden camera na 'yon ay pwedeng ikonekta sa kahit saang gadget.
"Cancel all my meeting, Elle." paos ang boses n'ya sa intercom
"Okay, Sir. What do you want for lunch po?"
"Anything that's edible."
Tumayo ako at pumasok sa opisina n'ya.
"Brent, anong problema? Ba't nagkakaganyan ka?"
Nakaupo s'ya sa swivel chair habang nakasubsob ang mukha sa mesa. Hindi s'ya sumagot kaya lumapit ako at kinapa ang leeg n'ya.
"Brent, nilalagnat ka! Kailangan mo munang umuwi para makapagpahinga."
"A-ang vault..."
"Vault pa rin 'yon! Ako ng bahala sa vault na 'yon basta kailangan mong umuwi! 'Wag matigas ang ulo, Atty.!"
Nagpatulong ako sa ilang empleyado n'ya para dalhin s'ya sa sasakyan n'ya. Sinigurado ko naman ang kaligtasan ng vault sa pamamagitan ng pagdadagdag ng alarm. Worried ako kay Atty. dahil bukod sa empleyado n'ya 'ko ay type ko rin s'ya. I won't deny the fact that I like him. But I'm afraid to fall in love with a man like him. Mukha kasi siyang babaero at natatakot akong maging isa lamang sa mga 'yon.
"Kuya, pakitawagan ako kapag may kahina-hinalang kaganapan na naman ha? Iuuwi ko muna si Sir dahil nilalagnat." habilin ko sa gwardya
"Opo, ma'am."
Ako ang nagmamaneho ng sasakyan n'ya. Mabuti na lamang at kasama sa profile n'ya ang kanyang address na ibinigay sa'kin nina Tito. But hey, bago mapunta kina Tito ang profile n'ya ay si Racus muna ang kakaharapin nito.
'Malamang na pinagpantasyahan ka rin ni Racus.' Sinulyapan ko ang abogadong natutulog at napailing na lamang bago mas binilisan ang pagmamaneho.
Halos mangunot ang noo ko nang makitang bahagyang nakabukas ang gate ng bahay n'ya. Sa pagkaalam ko ay wala siyang kasama sa bahay.
Kumabog ang dibdib ko dahil ang pinto ay ganoon din. Kinuha ko ang baril sa bag ko at binalingan si Brent.
'Tulog na tulog pa rin s'ya.'
Paglabas ko ay sinuri ko agad ang paligid. Dahan-dahan akong pumasok at hindi na 'ko nagulat na sobrang gulo nito. May mga bubog, papel na nagkalat, basag ang mga vase at iba pa. Basta, wala akong makitang maayos na gamit dahil basag lahat. Binuksan ko ang bawat pinto sa first floor bago umakyat sa second floor. Ganoon din ang ginawa ko pero mukhang wala na ang gumawa nito. Maging ang bawat pintong pinasukan ko ay magulo, maliban sa isang 'to na sa tingin ko'y kwarto ng abogado dahil magkaamoy sila. May napansin akong papel sa kama n'ya kaya binasa ko 'yon.
'Simula pa lang 'to, Hidalgo. -S.'
Inilagay ko na lang sa bulsa ang sulat bago bumalik sa sasakyan. Nag-drive akong muli pero papunta na sa tinutuluyan ko.
'Sa condo ko na lang muna s'ya dadalhin.'
Nagpatulong ako sa ilang staffs para dalhin si Brent sa isa pang kwarto sa condo ko. Tumawag na rin ako para sa pagkain. At nagpatulong na rin ako sa isang lalaki na bihisan si Brent. Mabuti na lamang at may ilang damit dito ang mga pinsan kong lalaki. Kahit naman pinagpapantasyahan ko ay wala sa isip kong manyakin s'ya ng todo.
'Well, maliban na lang kung magpapamanyak s'ya.' Natawa ako sa naisip. At nagpalit na lang ng pambahay.
Dala ang tray na may lamang gamot soup at tubig ay pumasok ako sa kwarto n'ya. Nakasuot na s'ya ng pambahay ngayon. Inilapag ko ang tray sa side table at pumunta naman sa banyo para sa bimpo at maligamgam na tubig.
Nanginginig ang mga kamay na pinunasan ko s'ya. Nakakagat ko ang pang-ibabang labi dahil ang ganda talaga ng katawan n'ya. Binilisan ko na lang ang ginagawa dahil baka magising 'to o 'di kaya'y di ko mapigilan ang sarili at ma-rape ko 'to ora mismo.
'Maghunos-dili ka, Janelle Montralvez!'
Ibinalik ko na muna sa banyo ang mga ginamit bago ko s'ya ginising para pakainin.
"Kumain ka muna, Brent." Tinulungan ko siyang makaupo at makasandal sa headboard.
"Wala akong gana..."
'Yong paos ang boses n'ya pero nakakaakit pa rin sa pandinig? Hindi na talaga ako magtataka kung makasuhan ako ng rape pagdating ng araw.
"Kailangan mong kumain, Atty. Hidalgo."
Sa halip kainin ang isinusubo ko ay iniwasan n'ya 'yon. Napakunot ang noo ko sa iniasta n'ya.
"Kakain ka ba o kakain ka?"
Umiling lang s'ya na tuluyang ikinainis ko.
'Ganito ba talaga 'pag may sakit? Pabebe?'
"Ano bang problema mo, Brent?"
Sa isang iglap ay ngumanga s'ya kaya sinubuan ko s'ya agad.
"Pinagbigyan na kitang tawagin akong 'Sir' o 'Atty.' kapag may iba tayong kaharap pero iba ngayon."
"At 'yon ang minamaktol mo?"
Nag-iwas s'ya ng tingin.
"Sige na, sige na. 'Brent' na kung 'Brent' basta kailangan mong kumain."
Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos siyang kumain. Pinainom ko s'ya ng gamot at tubig.
"Magpahinga ka muna. May tatawagan lang ako." Inayos ko ang kumot n'ya at aalis na sana ng pigilan n'ya ako sa braso.
"W-wag mo 'kong iwan please..."
Parang piniga ang puso ko dahil sa narinig. Lalo na ng may luhang namumuo sa mga mata n'ya.
Alam kong iniwan s'ya ng nanay n'ya para sa ibang pamilya. Tatay na lang n'ya ang nagpalaki sa kanya pero minaltrarto s'ya nito. Inalam ko lahat kahit hindi dapat.
"I won't. Kaya sige na, magpahinga ka na. 'Wag mo na munang isipin ang vault." Naupo ako sa gilid n'ya at muling inayos ang kumot. Hinagod ko ang buhok n'ya. Paulit-ulit hanggang sa makatulog s'ya.
Para siyang bata 'pag nagkakasakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/173635897-288-k662605.jpg)
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
RomanceAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...