Brent's POV
"I'M here to protect the vault and not to fantasize that attorney."
Napailing na lamang ako habang nakatingin sa sekretarya kong pinapalo ang ulo habang paulit-ulit na sinasabi 'yon.
"But that attorney looks so yummy!" she blurted out that made me smile
Nang makita ko siyang natutulog sa opisina ko noon ay nakuha n'ya na agad ang pansin ko. May kakaiba kasi sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
"Ugh! Ano ng gagawin ko?! Hindi na tuloy mabura sa isip ko 'yon! Nakakainis naman si Attorney eh!"
Pinaseryoso ko ang mukha at tumikhim. "Is there a problem, Miss?"
Gusto kong matawa ng matigilan s'ya at dahan-dahan akong nilingon ng may nanlalaking mga mata. Within seconds, pinaseryoso n'ya ang mukha.
"Ah. Yes there is, Atty. You keep calling me 'Miss' or 'Miss Santiago', pwede namang Janelle or Jan na lang."
"I prefer calling you 'Elle'. So you should stop calling me 'Atty.' or 'Sir' too, right?"
"Okay, Brent."
Ewan ko ngunit napakaganda sa pandinig ko ang pangalan ko. Nababaliw na yata ako.
"Bakit may kumalabog kanina?"
"Hindi ko rin alam. Wala naman akong nakita." kumunot ang noo n'ya, "Maliban sa medyo naiba ang ayos ng computer at ng mouse."
She opened the computer and do check something that I don't know.
"May problema ba?" I asked and go near her. Itinukod ko ang aking kamay sa sandalan ng inuupuan n'ya at nakisubsob sa ginagawa n'ya. My eyes widened when I saw what she's watching.
"Just so you know, I hacked your system, Brent. At ito siguro ang nangyari kanina."
Walang tao sa pwesto n'ya dahil pareho kaming nasa opisina ng mga oras na 'yon. Ilang saglit pa ay may may janitress na lumapit sa mesa n'ya at binuksan ang computer. May ginagawa ang babae sa computer at base sa kilos n'ya ay nainis s'ya sa ginagawa. Nahulog ang mouse sa inis ng babae at pinulot muna 'yon bago umalis. At mula sa opisina ko ay lumabas si Elle. Doon na natapos ang footage.
"I'm a hundred percent sure that she's not my employee. Hindi ko s'ya kilala."
"Paanong may nakakaalam na may vault ka?"
"I don't know. Nand'yan na ang vault na 'yan bago pa ipasa sa'kin ni Dad ang posisyon. Ang sabi lang n'ya ay ingatan ko dahil katumbas 'yon ng buhay ko."
"Nasubukan mo na bang buksan 'yon?"
"Hindi pa. Kailangan ng flashdrive at code. At wala sa'kin ang flashdrive na para roon. Hindi naman sinabi sa'kin ni Dad kung nasaan bago s'ya mamatay."
"Sorry to hear that."
"It's okay. Tapos na ang working hours you can go home now." saad ko ng mapansing uwian na
"How 'bout you?"
"I'll stay here. I need to guard the vault."
"Grabe, kinuha mo pa 'ko kung ikaw lang din ang magbabantay d'yan."
"It's okay."
"No. Pinagbigyan na kita ng isang linggo. Ako na ang magbabantay d'yan. Ikaw ang umuwi."
"Pinapaalis mo ba 'ko sa sarili kong kompanya?"
"Hindi ah. Pinapauwi ka na nga, ayaw mo pa?"
"Umuwi ka na. May ibang paraan pa naman siguro para mabantayan mo 'yon hindi ba?"
"Fine, fine. Tawagan mo na lang ako agad kapag may nangyari. Baka pasukin ka na naman d'yan." Inayos n'ya ang mga gamit bago muling magpaalam at umalis.
Pumasok naman ako sa opisina ko. Wala akong kwarto rito dahil sa sofa ako natutulog para mas mabantayan ang vault. Nagdadala na lamang ako ng damit ko pamalit dahil may banyo naman dito.
Naligo ako at nagbihis. Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ang namumulang itsura ni Elle kanina.
"She's fantasizing me huh?" bulong ko bago nahiga sa sofa. Babaero ako pero iba ang epekto sa'kin ng babaeng 'yon. At hindi ako tanga para hindi malaman na gusto ko na s'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/173635897-288-k662605.jpg)
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
Storie d'amoreAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...