TAWA ako nang tawa dahil akala n'ya yata ay bibigay ako agad-agad sa pang-aakit n'ya. Well, grabeng self-control lang naman ang ginawa ko para hindi s'ya masunggaban. Alam kong sinusubukan lamang n'ya ako at ayaw ko namang ipakita sa kanya kung gaano ako kapatay sa kanya.
"Damn, I really need a cold shower." sabi n'ya at pumunta sa banyo
Hindi ko s'ya pinansin dahil natatawa pa rin ko. Of course, kesa ako ang maakit ay s'ya na lang ang inakit ko. At tagumpay naman ako. Natigil lamang ako ng tumunog ang cellphone ko. Si Racus ang tumatawag.
"Oh?"
[Ay, ang cold! Nabitin ba girl?!]
"Tss. Ewan ko sa'yo. Why did you called?"
[Girl, kailangan mo ng bilisan ang mga dapat mong gawin d'yan. May nalaman yata sina Tito at pinaplano nilang alisin ka na d'yan.]
Hindi na 'ko nakapagsalita dahil biglang naputol ang linya.
'Bakit aalisin ako? Anong nalaman nila? Wait? Hindi kaya nalaman nila ang mga ginawa kong pagsuway? O baka naman nalaman nila na mahal ko na ang kliyente namin?'
Wala sa sariling napatayo ako at paikot-ikot na naglakad habang kinakagat ang kuko ko. Ganito ako kapag nag-iisip at kinakabahan.
'Hindi pa ako handang iwan s'ya. Lalo na at nanganganib pa ang buhay n'ya. Tama si Racus, mas mabuting tapusin ko na ang lahat ng gagawin ko dito bago pa kumilos ang angkan ko.'
Napalingon ako sa kalalabas lang ng banyo na si Brent. Kahit nakakadistract ang abs n'ya ay nilabanan ko ang urge na hawakan s'ya.
"Baby, di ba patay na ang daddy mo? Wala ba siyang iniwang last will sa'yo? Naisip ko lang na baka may nakalagay doon tungkol sa flashdrive at sa vault."
"Yeah right. Nakalimutan ka na rin 'yan. Gusto mong puntahan natin ang attorney namin?"
"Kung okay lang sa'yo?"
"Of course. Anything for my baby."
Tulad nga ng sinabi n'ya ay pupuntahan nga namin ang bahay ng attorney n'ya. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil okay na rin ang office outfit ko. Ang baril ko ay nasa hita pa rin.
Paglabas namin ng bahay n'ya ay hindi na agad maganda ang kutob ko. Ramdam kong may mga nakatingin sa'min. At no'ng nagmamaneho na s'ya ay ramdam kong may ilang sasakyan ang nakasunod sa'min.
"Baby, I want you to know that I love you and I'm willing to do everything for you. Gusto kong malaman mo na agad kesa sa kung kailan huli na ang lahat."
"I love you too, baby. But I don't like the way you said it. Para kang namamaalam." sabi n'ya at ginagap ang isang kamay ko
Pasimpleng pinunasan ko ang tumakas na luha.
'Hindi pa ako umaalis pero nasasaktan na 'ko.'
"Hmm. May sumusunod sa'tin." nasabi ko na lang, "Iligaw mo muna bago tayo pumunta roon. Baka madamay pa sila sa gulo."
Sinunod n'ya ang sinabi ko. Iniwasan naming mapunta sa mga liblib na lugar. Malamang na iko-corner nila kami. Madami sila at malalagay kaming pareho sa alanganin kapag nagkataon. Medyo natagalan pa kami dahil matinik sila pero naging success naman.
"Wew. I can't believe that I broke some rules." natatawang sabi n'ya dahil ilang beses kaming pinituhan ng mga enforcers. Hinabol pa nga nila kami pero tulad ng mga kalaban ay naliligaw din namin sila.
"Anong pakiramdam?"
"It's fine. I'm willing to break more rules just to be with you." Kinindatan n'ya pa ako kaya namula ang mukha ko
'Kenekeleg eke!' impit na tili ko sa isipan
Nakarating kami sa bahay ng family attorney nila. Agad naman kaming pinapasok dahil nakilala agad nila si Brent. Magkahawak-kamay kaming pumasok.
"Magandang hapon, iho at iha. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" sabi ng lalaking may puti na ang buhok
"Magandang hapon din po, Atty. Tungkol po sana sa last will ni daddy."
"Ah okay lang ba sa inyo ang maghintay? Kakausapin ko lamang ang mga nauna sa inyo."
"Wala pong problema."
"Pasensya na ha. Tara at sa hardin muna kayo."
Pumasok kami't sinundan s'ya.
"Magandang hapon po." bati ko sa babaeng sa tingin ko'y asawa n'ya
"Magandang hapon sa inyo. Napakaganda mo naman iha." puri n'ya
"Ah salamat po." nahihiyang sabi ko. Alam kong maganda talaga ang lahi namin pero nahihiya pa rin ako kapag napupuri ng ibang tao
"Pasensya na kayo, Atty. Hidalgo. May ibang bisita rin kami." sabi ng ginang
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa salas nila
"Janelle!"
'Patay.'
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
RomantikAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...