"Baby, they're still after us!"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil tama s'ya. Nahahabol pa rin nila kami at pinapaputukan kahit maraming sibilyan. Wala akong choice kundi ang puntahan ang gubat. Pwede kaming magtago at magbarilan doon ng walang inosenteng nadadamay.
"Tara sa gubat, Brent!" Hinila ko s'ya at kumaripas kami ng takbo. Ako na rin ang nagdala ng porcelain doll na 'yon. Nagtago muna kami sa isang batuhan para saglit na magpahinga.
"Why are they after us? Gusto ba nila akong patayin dahil sa kaso?" tanong niya
Tumunog naman ang cellphone ko kaya agad ko 'yong binasa.
'Hindi basta-bastang tao ang kinalaban ni Brent, Jan! Bukod sa kaso ay habol din nila ang naiwang kayamanan ng yumaong tatay niya! Mag-ex bestfriend sila, Jan! Mag-iingat ka dahil sindikato sila!'
Kung matindi na ang takot at kaba ko ay mas tumindi pa 'yon sa nabasa. Nakarinig ako ng putok ng baril.
"Sige lang, Hidalgo! Maglaro muna tayo ng hide and seek kasama ang girlfriend mo! At kapag nahuli namin kayo, pagsasawaan ng mga tauhan ko ang pakialamerang babaeng 'yan!"
Medyo malayo pa sila sa'min base sa boses niya.
"Papatayin ko s'ya!" nanggagalaiting saad ni Brent
"Brent, baby, calm down. Sinabi lang n'ya 'yon para hulihin ka, tayo." pagpapakalma ko, "Tatakbo tayo at hindi magpapahuli sa kanya ha?"
Nagsend ako ng alarm sa agency para malaman nila na nasa panganib kami. Iniwan ko ang cellphone sa pwesto namin ngunit siniguro kong hindi 'yon basta-bastang mapapansin.
"Promise, ligtas kang makakaalis dito." Hinalikan ko s'ya na agad niyang tinugunan.
"Tayo, baby. Hindi ko makakayanan kung pati ikaw ay mawawala sa'kin." Ipinagdikit n'ya ang noo namin. "I love you, Elle. Will you marry me after this?"
Naiyak na ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko sa nangyayari.
"Yes, baby. I will marry you. Pero sa ngayon kailangan nating makaalis dito ha?"
Pinahid n'ya ang mga luha ko at dinampian ako ng halik.
"I love you. Makakaligtas tayo pareho."
"Oo naman. Ready to run?"
Ngumiti s'ya at tumango. Magkahawak-kamay kaming tumakbo at parehong iniiwasan ang mga bala. Sa tingin ko ay malapit na sila. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig kaya doon kami pumunta.
"Lalangoy tayo, baby!" wika n'ya at sabay kaming tumalon sa tubig. May talon dito at nandito kami sa binabagsakan ng tubig. Pinaulanan nila kami ng bala. Napangiti ako dahil wala siyang tama ngunit napadaing din ng makaramdam ako ng mainit at masakit na pakiramdam sa aking binti. Pagtingin ko roon ay hindi na ako nagtaka ng dumudugo 'yon. Pinanood ko na lamang na makalayo si Brent bago ako magpalamon sa dilim.
"Damn! Baby, wake up please! Hindi mo 'ko pwedeng iwan!" rinig kong sabi ng napakapamilyar na boses. Sinundan 'yon ng hangin na pumasok sa bibig ko. Paulit-ulit hanggang sa tuluyan akong bumalik sa huwisyo at iluwa ang mga tubig na nainom.
"Damn baby! Pinag-alala mo 'ko ng sobra! 'Wag mo ng uulitin 'yon!" Niyakap n'ya ako at kahit nanghihina ay niyakap ko rin s'ya.
"S-sorry..." naluluhang sabi ko
"It's okay. Ang mahalaga gising ka na. Pero nilalagnat ka..."
"Papakasalan mo naman ako diba?"
"Yes baby."
Naupo ako at walang salitang hinubad ko ang pang-itaas. Pagtingin ko sa kanya ay nakatalikod na s'ya sa'kin. Napangiti na lang ako at pinunit ang damit para maipangtapal sa sugat. Kahit papaano ay mapipigilan nito ang pagdurugo. Kinuha ko ang baril na nasa hita ko pa rin at inalagay sa lapag. Napatingin ko sa paligid. Parang nasa kweba kami sa likod ng talon. Nakikita ko ang nahuhulog na tubig sa gilid ko. Doon ko lang din napansin na sa lupa kami nakahiga.
"Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" tanong ko
"Dito ako naglalaro noon lalo na kapag pinapagalitan ako ni daddy."
"Ayaw mo ba akong kausap kaya nakatalikod ka?"
"Hindi naman sa gano'n, baby. Nirerespeto lang kita."
"Kung gayon ay 'wag mo na lang akong tingnan doon. Sa mukha ko na lang."
Humarap s'ya at tumitig sa mga mata ko. Natatawa ako kasi panay ang lunok n'ya.
"Hay... Kaya kita mas minamahal eh." Hinaplos ko ang pisngi n'ya. "Dito na lang muna tayo hangga't wala pa ang tutulong sa atin."
Magkatabi kaming natulog at ipinangtakip n'ya ang kanyang polo sa'kin. Tulog na s'ya ngunit ako'y hindi pa. Nilalamig ako at alam kong mataas na ang lagnat ko. Posibleng nainfect ang sugat ko sa tubig lalo na at hindi pa nakukuha ang bala. Habang tumatagal ay mas nangangatal ako. Ayaw ko namang gisingin si Brent dahil alam kong nakakapagod ang mga kaganapan kanina. Umalis ako sa pagkakahiga at naupo na lamang habang yakap ang dalawang tuhod. Hindi ko na ginamit ang polo n'ya dahil mas nilalamig ako dahil medyo basa 'yon.
Nakita kong kinapa-kapa ni Brent ang pwesto ko. Gusto kong sabihin na nandito ako pero hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Napabalikwas s'ya ng bango at inilibot ang tingin hanggang sa tumama 'yon sa'kin. Nag-aalalang nilapitan n'ya ako at hinawakan.
"Damn, baby! Sobrang init mo! Anong nararamdaman mo?!"
"N-nilalamig ako, Brent..."
Niyakap n'ya ako at kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko dahil sa init ng katawan n'ya. Mas niyakap ko s'ya hanggang sa hindi ko namalayan ang posisyon namin...
BINABASA MO ANG
MS#2: Janelle Montralvez
RomanceAng magbantay ng vault ay isang nakakabagot na gawain. Ngunit ng makita n'ya ang abogadong nagmamay-ari ng vault ay kinareer n'ya na lang ang misyon. She instanly fell in love sa abogadong masungit. At kung kailan naman ayos na ang lahat ay saka nam...