CHAPTER 23: YUANZANG FORTRESS

3.4K 170 16
                                    

Maraming mga Mysterian ang gustong makakakuha sa halamang Incenia. Marami ng mga kaharian at Emperyo ang nagpadala ng mga tauhan nila para maghanap ng halamang Incenia sa Gubat ng Iceria.

Sa libo-libong mga sumubok, nasa sampo lang ang nakakapagpatuloy at nakakapasok sa unang portal. At iilan lang din ang nakakapagpatuloy sa ikalawang portal. Ilang taon na ang lumipas ngunit dalawang Mysterian pa lamang ang nakakakuha sa nasabing halaman. At dahil dito, natuklasan nila kung ano ang kaya gawin ng halamang Incenia at kung gaano ito ka-epektibo.

Kayang gamutin ng halamang Incenia ang kahit ano mang uri ng karamdaman. Kahit amoyin lang ang dahon nito, bumabalik na ang lakas ng sinumang nakakaamoy nito. Kaya din nitong magdagdag ng lakas at kapangyarihan, sampung ulit na mas malakas sa tunay na lakas ng sinuman kung pakuluan ito at iinumin ang katas ng halaman. Kaya itinuturing ng sinuman na isang miracle plants ang halamang incenia. Kaya lang, hindi ito basta-bastang nakukuha ng sinuman. Ang sinumang nakakakuha ng halamang ito ay dapat may ginintuang puso at walang negatibong emosyong nakabaon sa ilalim ng kanyang puso at isipan.

Ilang taon na rin ang nakalilipas, nasa dalawang Mysterian pa lamang ang nakukakuha ng Incenia at ang ibang mga nakapasok sa ikalawang portal ay hindi pa rin nakakalabas.

Halos malibot na nila ang gubat at ang iba ay namatay na lamang dahil sa mga magical beast na nagpagala-gala sa kagubatan. Ang iba naman dahil pinatay ng kapwa nila Mysterian.

"Pansin niyo ba? Kanina pa tayo nagpaikot-ikot pero hindi naman pare-pareho ang mga halamang nadadaanan natin pero sigurado akong napadaan na tayo dito kanina." Sabi ni Seyriel na inaamoy ang simoy ng hangin.

"Naamoy ko ang mga nilalang na napadaan na sa lugar na ito at naamoy ko ang mga amoy natin sa lugar na ito." Paliwanag niya.

"Naaamoy mo dahil nandito tayo." Sagot naman ni Asana.

"Naaamoy ko nga ang papawala na nating amoy. Ibig sabihin, napadaan na tayo dito ng  ilang ulit." Sagot muli ni Seyriel.

"Paano mo nasigurong amoy natin? Baka amoy ng iba ang naaamoy mo." Sagot naman ni Izumi.

"Sigurado talaga ako. Kasi amoy walang ligo." Sagot niya pa.

Inamoy tuloy ng bawat isa ang sarili. Hindi na nila alam kung ilang araw o oras na sila sa lugar na ito dahil hindi nagbabago ang paligid. Palage lamang itong parang madaling araw ngunit wala silang nakikitang sinag ng araw o ba kaya araw na nasa langit. Ang tanging nakikita nila sa kalangitan ay ang dalawang buwan at ang mga mapuputing ulap. Hindi na rin sila nakakaligo kaya na-concious tuloy sila sa kanilang mga amoy lalo pa't may matalas na pang-amoy si Seyriel.

"Buti nalang at di mainit ang araw, ayaw kong makaamoy ng amoy sunog o amoy bungang-araw no." Kinuso pa ang dulo ng ilong.

Umupo si Kurt sa isang nakaumbok na lupa at bigla na lamang itong nawala sa kanilang paningin.

"Uy! Nasan na 'yon?" Nanlalaki ang matang tanong ni Seyriel at ginaya ang posisyon ni Kurt sa pag-upo kanina.

Napakurap-kurap siya dahil bigla nalang naglaho sa paningin niya sina Asana.

"Bakit nang ako ang umupo sila ang naglaho? Bakit nang si Zaifer ang umupo siya ang naglaho?" Inilibot niya ang paningin pero wala parin siyang nakitang ibang nilalang sa paligid. Nagbago na rin ang paligid niya at medyo may kadiliman na ito.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon