CHAPTER 12: Izumi

3.5K 164 10
                                    

"Baka Tiatros sila. Ayaw ko pang mamatay no." Sagot ni Kedar na isa lamang average stage level 2 metal magic user.

Kaya niyang maglabas ng metal na espada gamit ang Mysterian Ki ngunit naglalaho rin agad after 10 minutes.

Hindi tulad ni Kiru na isang metal controller at metal summoner at nasa Elite stage na. Kaya natatakot siya sa dalawang batang ito.

Inis naman siyang binatukan ni Kaisu.

"Kahit na mga Tiatros pa sila o Elementalist Mga bata lang 'yan. Di pa nila gamay ang kanilang mga kapangyarihan kung meron man at siguradong nasa pinakamababa pa." Sagot ni Kaisu.

Inilahad niya ang kanyang kamay at may lumabas na latigong gawa sa metal. Humaba ito hanggang sa umabot na ng sampung metro.

Itinaas niya ito upang ihampas kina Seyriel at Asana pero naramdaman na lamang niyang di na siya makakagalaw.

"Anong nangyari?" Makikita sa mga mata niya ang gulat at pagtataka. Napalingon siya kina Kedar at Kumin at natuklasan niyang naestatwa rin ang dalawa. Saka nila napansing wala na si Asana sa kinaroroonan nito. Maging ang lider nilang si Kiru ay di na rin magawang gumalaw.

"Ang bilis mo naman Asana. Anong curse ang ginamit mo sa kanila?" Tanong ni Seyriel na nakangiti at naglakad palapit kay Asana.

"Frozen body curse." Sagot ni Asana na tinatanggal na ngayon ang kadenang pumapaikot kay Izumi.

Namilog ang mga mata ng apat na mga lalaki at pinilit igalaw ang katawan ngunit hindi na nila magawang ikilos kahit dulo man lang ng kanilang mga daliri.

Iisang magic users lang ang may kakayahang gumamit ng Curse Spell. At iyon ay ang mga Dark Magic users na isa sa mga pinakamapanganib na magic users sa buong Mysteria. Iniisip nilang mga Tiatros sina Asana ngunit nasa pinakamababang level pa at kailama'y hindi nila naisip na may alam sina Asana sa pagamit ng mga Curse Spell na tanging mga Dark magic users lang ang nakakagawa.

"Burahin natin ang kanilang alaala para di na sila makakabalik pa sa kung saan sila galing." Sabi ni Asana. Gamit ang Memory Eraser Spell, binura niya ang alaala ng apat na Mysterian bago sila umalis.

Napatigil sa paglalakad sina Asana at Seyriel at nagtatakang nakatingin kay Izumi.

Palipat-lipat kasi ang tingin nito sa kanilang dalawa at kapansin-pansin ang paghanga sa mga mata ng dalagita.

"Kapag gan'yan ang tingin ibibigay mo, iisipin ko talagang natotomboy ka na sa kagandahan namin." Biro ni Seyriel.

Nahihiya namang napayuko si Izumi.

"Paumanhin po ngunit nagagalak lamang akong makilala ang mga Immortal na aking tagapagligtas." Sagot ni Izumi habang nakatingin sa lupa.

"Nagpapasalamat ako sa palagi niyong pagtulong sa akin, makapangyarihang imortal." Taos-pusong pagpapasalamat ni Izumi kina Seyriel at Asana.

Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa ni Seyriel.

"Hahaha. Nakakatuwa ka pala. Anong imortal ka diyan? Ordinaryong tao lang kami ay este, ordinaryong Mysterian lang." Natatawang sagot ni Seyriel.

Mabilis ba napaangat ng tingin si Izumi na halatang hindi makapaniwala sa narinig.

"Ngunit, napaka-imposible pong isa lamang kayong ordinaryong Mysterian. Nagawa niyo ngang magpaulan ng mga bato mula sa langit at nakita ko kayo sa ulap."

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon