CHAPTER 13: Dethrin

3.2K 181 15
                                    

"Dethrin? Parang narinig ko na 'yan ah. Ano nga ba iyang mga Dethrin?" Tanong ni Seyriel at pilit na inaalala kung saan niya narinig ang salitang Dethrin.

"Dethrin ang tawag sa mga Mysterian na ginagamit ang mga kapangyarihan sa kasamaan. Nagsimula ang salitang Dethrin noong may umusbong na grupong kinatatakutan ng lahat. Tinawag nila ang kanilang grupo na Dethrin. Mga walang awa ang mga miyembro ng Dethrin at kilalang walang puso ang pinuno nila." Paliwanag ni Izumi.

"Marami na silang dinukot at pagkatapos ng ilang araw natatagpuang muli ang mga dinukot nila na wala ng mga buhay. Yung iba, nawawalan ng mga kapangyarihan o kaluluwa. Ang mga nanatiling buhay nilang mga biktima naman, nag-iiba na ang mga ugali. Yung tipong parang ibang nilalang na sila? Higit sa lahat, di na kontrolado ng mga biktima ang kanilang mga katawan. May iba namang nagiging iba na ang pisikal na anyo."

Bumuntong-hininga si Izumi maalalang hindi lang mga dark magic users ang kabilang sa mga Dethrin ngayon. "Kadalasan sa mga miyembro ng Dethrin ay mga Dark Magic users. Pero ngayon, may mga ibang magic users na rin ang sumapi sa grupo nila. May iilan na nga ring mga Light magic users ang kabilang na sa grupo nila. Kaya ang sinumang Mysteriang ginagamit ang abilidad o kapangyarihan sa kasamaan ay tinatawag na ng Dethrin. Kahit hindi na Dethrin ang gumagawa ng krimen, sila parin ang napagbibintangan." Paliwanag ni Izumi.

Sa loob ng dalawang taon, marami siyang nakalap na mga impormasyon tungkol sa mga Dethrin. May napuntahan pa siyang mga kaharian na maraming mga nagiging biktima ng mga Dethrin kaya naman alam niya kung ano ang nangyayari sa mga nagiging biktima.

"Alam niyo, kanina ko pa naririnig ang mga user-user na iyan. Ano ba kasi 'yan?" Tanong ni Seyriel dahil siya lang itong hindi nakaka-relate.

"Ayan kasi, di nagbabasa ng libro." Sagot ni Asana.

"Nagbabasa ako noh." Katwiran niya.

"Oo, nagbabasa. Pero, story book." Sagot ni Asana at nag-tsk.

"At least nagbabasa."

Ipinagpatuloy na lamang ni Asana ang pagpapaliwanag.

"Iba't-iba ang tawag sa mga magic users ng Mysteria. Kapag tinatawag kang Gelerian, ibig sabihin iisa lamang ang abilidad na kaya mong gawin katulad ng healing o ba kaya may superspeed ka ba. Kaya mo ba kayang maglaho o magteleport. Basta iisa lang ang special ability mo." Sabi niya na sinamahan pa ng hand gestures para mas lalong maintindihan ni Seyriel.

"Pero yung mga lalake kanina na humabol kay Izumi ay mga metal magic users. Dahil kays nilang gamitin ang metal element, maituturing din silang mga elementalist." Dagdag niya pa.

"May metal element din pala bukod sa Earth, Fire, Water, Wind?" Naguguluhang tanong ni Seyriel. Yung mga napapanood kasi niya sa pelikula apat lang naman ang mga elemento. Hangin, apoy, tubig at lupa.

"Pito ang main elements ng mundong ito. Fire, Air, Wood, Water, Metal, Light, and Dark. Kabilang sa Wood ang Earth and plants. Kabilang naman sa water ang ice and snow. Kabilang naman sa Dark elements ang anino at dilim. May mga shadow manipulator din kasi sa lugar na ito. Nga pala, may tinatawag na seven elemental magic users sa mundong ito na tinatawag na air, water, fire, wood, metal, light and dark magic users. Pinaka-common ay ang metal magic users. Pinakabihira naman ang light at dark magic users. At siya ring pinakamapanganib." Sagot ni Asana.

"Kaya ng isang light magic users ang mag-enhance ng ability, magdagdag ng lakas at gumamot ng kahit anong uri ng karamadaman. Kadalasan din sa kaya nilang pag-aralan ay mga blessed magics. At kaya rin nilang ibalik ang kaluluwa ng sinumang mga yumao basta ba di pa nabubulok ang katawan ng patay, maari pa nila itong buhayin. Kaya tinaguriang kapangyarihan ng kabutihan ang light magic."

Napaawang pa ang bibig ni Seyriel sa narinig. "Ang galing pala ng mga may light magic." Manghang sambit niya.

"Kabaliktaran ng light magic users ang mga dark magic users. Kasi pawang pangwasak at panira ng kapangyarihan at kaluluwa, ang kaya nilang gawin. Isa sa kinatatakutan sa kanila ay ang kakayahan nilang gumamit ng Curse Spell. Kaya rin nilang manipulahin ang kaluluwa ng iba at may iba rin na lumalakas lang kapag nakakaabsorb ng kaluluwa ng ibang mga makapangyarihang Mysterian." Seryoso lang na nakikinig si Seyriel. Pero ilang sandali ay napahikab na. Hindi ito napansin ni Asana at nagpatuloy parin siya sa pagpapaliwanag.

"Bukod sa Gelerian ay may Tiatros at Superio pa nga pala. Ang pinakabihira sa lahat ay ang Superio. Dahil mayroon silang mga multiabilities."

"Nga pala. Fire ang pinakamalakas na elemento dito sa Mysteria. Hindi lang yon, may pitong uri rin ng mga apoy dito. At ang pinakamababa at pinakauna ay ang Ordinary flame. Ito ay ang apoy na ginagamit ng mga ordinaryong Mysterian sa pagluluto o ginagamit na ilaw sa gabi. Iyan din ang kadalasang taglay ng mga fire magic users."

"Pero bukod diyan may isa pa. Iyon ay ang Ordinary red flame na may kulay yellowish red na apoy na common lang din sa lahat ng mga fire elemental magic users. Kasi marami-rami ring may ganitong uri ng apoy na kayang kontrolin."

Ipinagpatuloy parin ni Asana ang pagpapaliwanag kahit wala na siyang marinig na sagot mula kay Seyriel.

Sinabi niya na bukod sa ordinary flame mayroon pang blue flame. Isa itong uri ng apoy na may kakakayahang tunawin kahit metal o mga matitigas na bato. Maging ang katawan ng isang Mysterian. Kasunod nito ay ang Purple flame na isang flame na may taglay na mapanganib na lason na maaring ikamatay ng mga nilalang na may buhay.

Kabaliktaran naman nito ang Light flame na isang flame na kayang bumuhay ng mga living things na natamaan ng purple flame, death flame, o blue flames. Isa sa taglay ng iilang legendary Mysterian.

Scarlet flame. Ito naman ang tinaguriang isa sa pinakamapanganib na apoy sa Mysteria. Tinagurian din itong destruction flame dahil kaya nitong sirain o wasakin ang kahit ano mang bagay na matatamaan nito maging living things or non-living thing. Kadalasan sa matatamaan ng destruction flame ay nagiging abo. Tinaguriang pinakamalakas na uri ng apoy sa buong Mysteria. Ngunit nasa isa o dalawa lang ang nagtataglay nito.

Black flame. Ang lahat ng mga living things na matatamaan ng black flame ay nalalanta o namamatay. Tinagurian din itong death flame. Isa sa taglay ng mga dark magic users.

"Huy! Seyriel! Nakikinig ka ba?" Sigaw na tanong ni Asana. Pero umusok ang ilong makitang mahimbing ng natutulog ang pinapaliwanagan.

"SEYRIEL!" Ubod lakas niyang sigaw rito na may kasama pang hampas sa sobrang inis niya. Napabalikwas naman si Seyriel at napaupo.

"Ano ba?" Inaantok nitong tanong at humikab pa.

"Kanina pa ako nagpapaliwanag pero di ka na naman pala nakikinig! Pinagod mo lang ako!" Umusok na ang ilong niya sa galit.

"Sa hinaba-haba ba naman ng sinasabi mo, sinong di makatulog?" Sagot ni Seyriel.

"Ewan ko sayo. Nakakainis ka!" Sabi ni Asana sabay talikod mula sa gawi ni Seyriel at tinungo ang tahimik na si Izumi.

"Izumi, ikaw na lang bestfriend ko." Sabi pa ni Asana at tumabi ng upo kay Izumi.

"Di rin naman tayo bestfriend ah. Kasama lang Ash. Kasama." Nakangiting sagot ni Seyriel na halatang inaasar pang lalo si Asana.

"Wag mo akong kausapin! Di tayo bati." Sagot ni Asana at umirap.

"Yung puno kausap ko hindi ikaw." Sagot ni Seyriel sabay tawa dahil namumula na sa inis si Asana.

"Malapit ng dumilim kaya kailangan nating makahanap ng ligtas na lugar para pagpahingahan." Suhestiyon ni Izumi.

"Umuwi nalang tayo. Hanapin natin ang daan pabalik." Sabi ni Asana.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon