CHAPTER 15: Astig na puno

3.4K 187 12
                                    

"Ano 'yan?" Tanong ni Izumi matanaw ang isang kakaibang puno.

"Iyan ang punong Gaines. Ang punong nagsilbing lagusan patungo sa isang lugar kung saan nakatira si Gurdina." Sagot ni Aya.

Napatingin sina Asana at Seyriel sa punong sinasabi ni Aya. Isa itong higanteng puno na mayakap ng limang katao. May puting aura ang lumalabas mula sa katawan ng puno. Isang aura na nagbibigay kilabot sa paligid.

Kulay emerald din ang naglalaguang mga dahon na halos ikadilim na ng buong paligid dahil natatakpan nito ang sikat ng araw. Kaya naman hindi gaanong makikita kung ano ang kulay ng katawan ng puno dahil madilim sa paligid nito. Kundi lang dahil may mga night vision sila, siguradong di nila makikita ang katawan ng punong ito.

"Seyriel! Uwi na yata muna tayo. Nakakatakot yung buong paligid e." Sambit ni Asana. Napayakap pa sa sarili dahil sa umihip bigla ang malamig na hangin na ikinatayo ng mga balahibo niya. Samahan pa ng sobrang tahimik ng buong paligid ni wala silang ibang maririnig na tunog maliban sa kanilang mga paghinga at sa tunog ng mga tuyong dahon na naaapakan nila.

"Nakita kong lumabas mula sa punong iyan si Gurdina." Sabi ni Aya.

"Sigurado ka bang iyan ang punong Gaines Aya? Pero bakit wala naman akong nakikitang nagbabantay sa paligid. Di ba dapat may nagbabantay sa paligid?" Tanong naman ni Izumi kay Aya na nanginginig na ngayon sa takot.

"O-oo. Pero umalis na tayo rito. Para kasing-para kasing may nangyaring kakaiba. Di naman ganito ang lugar na ito noon eh." Sagot ni Aya at isiniksik ang katawan sa mga bisig ni Seyriel.

"Ayos lang kung high rank magic beast pero wag lang sanang Guardian beast. Ayaw ko pang mamatay. Saka ayaw ko rin ng panget na na mga magical beast kasi mukha palang baka himatayin na ako." Sagot naman ni Seyriel at niyakap ng mahigpit ang rabbit na si Aya. Hindi siya takot kahit malakas man ang makakalaban nilang magic beast basta wag lang panget.

Dahan-dahang naglakad palapit si Seyriel sa puno.

"Wag kang lumapit. Narinig kong mapanganib ang punong iyan. Narinig kong namamatay ang sinumang mapapalapit sa punong iyan." Sabi ni Aya.

Napatigil sa paglapit si Seyriel ngunit natigilan sila dahil mas lalong dumilim ang buong paligid. Kung kanina may kaunting sinag pa ng araw ang nakakalusot sa mga naglalaguang mga dahon ngayon naman ay wala na. Saka nila narinig ang nakakabinging tunog na ikinatakip nila ng tainga.

Humangin sa itaas na bahagi ng kinaroroonan nila at napapigil hininga sila mapansing nasa itaas nila ang pinagmulan ng nakakabinging tunog kaya dahan-dahan nilang inangat ang mga ulo.

"Kasasabi lang na ayaw ko ng panget bakit may lumabas agad?" Sambit ni Seyriel na parang gusto ng umiyak. Isang higanteng lamok na apat na ulit pa ang laki sa kanilang mga katawan na may tukang parang matulis na bakal.

"Woah! Seyriel takbo na. Di uubra ang Curse Spell ko diyan!" Sigaw ni Asana kaya mabilis silang nagsitakbuhan palayo. Hinabol naman sila ng higanteng lamok.

Nanlaki ang mga mata nila makitang dumami ang bilang ng mga higanteng lamok na humahabol sa kanila.

"Waah! Higanteng lamok! Wag naman iyan ang i-inject mo sa amin! Pwede bang yung maliit na karayom naman?" Pakiusap ni Asana habang iniiwasan ang dalawang lamok na umaatake sa kanya.

"Saka isa-isa lang din." Sagot din ni Seyriel at kumuha ng maliit na bato saka nilagay sa sling shot niya at pinatama sa isa sa mga lamok na umatake sa kanya. Tumama ang bato sa mata nito na ikinahiyaw ng higanteng lamok sa sakit at galit na rin.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon