CHAPTER 36: Soul Assassin

2.8K 158 10
                                    

REVISED

***

Tanaw nila mula sa itaas ang isang kastilyo na nasa tuktok ng bundok.

"Kanino ang kastilyong 'yan?" Sabay turo sa kastilyo na nasa tuktok ng bundok.

"Akademiya ng Norzian iyan. Tanging mga may mga fighting ability lang ang maaaring makapag-enrol sa lugar na iyan." Sagot naman ni Rujin.

"Gano'n ba?" Hindi na ulit siya nagtanong. Pansin niya lahat ng mga gusali may mga nakapalibot na makapangyarihang harang.

"Saan kita ibababa?" Tanong bigla ni Rujin dahil kanina pa sila nasa himpapawid.

"Sa City Gate. Nakita ko si Asana sa gawing iyun."

"Ilang bundok pa ang dapat nating lagpasan bago natin marating ang lugar na iyon, tapos sasabihin mong nakikita mo? Wag mo nga akong pinagloloko." Masyado pang malayo sa kinaroroonan nila ang City gate ng Norzian kaya imposibleng makikita ni Seyriel si Asana sa layo ng nasabing lugar.

"Nakikita ko nga kanina noong nakatulog ako." Paliwanag ni Seyriel.

"Nasubukan mo ba yung pakiramdam na parang nahihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan? Parang gano'n ang nangyari sa akin kanina. Nakikita ko kahit ano. Yung tipong tumatagos ako at nakikita kahit yung loob ng katawan mo? Nalaman ko ngang makulubot ang puwet mo e. Saka may nakikita akong injury sa loob ng katawan mo. Ewan ko ba at parang tumagos ako at napasok sa loob hanggang makalabas then, tumatagos na ako sa kahit ano mang mga bagay na nababanggaan ko."

Si Rujin naman, gusto man niyang isiping pinagtitripan siya ni Seyriel pero nang sabihin nitong may injury siya, hindi niya maiwasang mapaniwala sa mga pinagsasabi nito. Pero di rin niya maiwasang mahiya nang sabihin nitong makulubot ang puwet niya. At nang ma-realize na posibleng mangyari nga ang mga bagay na iyon, nanlaki agad ang mga mata niya.

"Wag mong sabihing tiningnan mo rin yung-"

"Hindi ah. Di ko gaanong nakita. Naipit e." Muntik na tuloy ma-out balance si Rujin dahil sa narinig na muntik na niyang ikinahulog sa sinasakyan nila.

"Alam mo bang mapanganib ang may ganyang ability? Nahihiwalay sa katawan mo ang iyong kaluluwa at madaling patayin ang katawan mo dahil wala itong kamalay-malay sa nangyayari sa paligid. Para kang buhay na patay. Hindi ka ba nag-alala na ipagsasabi ko ang ability mong iyan sa iba?" Nakakunot ang noo na tanong ni Rujin.

May mga Mysteriang kayang ihiwalay ang mga kaluluwa sa katawan. Kaya nilang atakehin ang mga kaluluwa ng iba. Isa ang mga Mysterian na iyon sa mga secret assassin na hindi man lang malalaman kung kailan nila inaatake ang kanilang magiging target.

Kaya nilang pumatay na hindi dala ang katawan. Mga kaluluwa ang inaatake nila at kilala ang mga ganitong assassin na soul assassin. Isa sa mga mapanganib na mga magiging kalaban ang mga soul assassin dahil hindi man lang mamalayan ng biktima na inaatake na pala sila at matutuklasan na lamang nila na may nakikipaglaban sa kanilang kaluluwa sa loob ng kanilang katawan.

Ang kahinaan lamang ng mga soul assassin ay ang pagiging vulnerable ng kanilang katawan kapag humiwalay na ang kanilang kaluluwa at consciousness nila rito.

"Bakit? Gusto mo ba akong mapahamak? Hindi mo 'yon ipagsasabi, alam ko 'yon." Confident na sagot ni Seyriel.

"Paano ka nakakasiguro?" Bakit kasi sinasabi ng isang to sa kanya ang mga kakayahan niya? Ngayon lang kaya sila nagkakilala? At masyadong mapanganib kung may makakaalam sa abilidad niya. Maaaring maraming may gustong kumuha sa kanya at gamitin ang kanyang abilidad para sa kanilang pansariling hangarin.

"Dahil alam ko ang sekreto mo. At nagtatago ka rin tulad ng iba." Sagot agad ni Seyriel na ikinatigil ni Rujin. Hindi maaring may makakaalam sa sekreto niya.

"Anong alam mo?" Kinakabahan na tanong ni Rujin.

"Isa ka ring Chamnian." Napalingon si Rujin kay Seyriel na may nagdududang mga mata. At kahit ano mang oras ay aatake na.

"Kahit ginawa mo mang average ang hitsura mo. Kahit tinatago mo man ang presensya mo pero alam ko ang amoy ng mga Chamnian. Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa." Tinapik-tapik pa ang balikat ni Rujin.

Marami ang may gustong makakakuha sa mga Mysteriang may mga dugong Chamnian. Una, dahil mahalaga ang dugo ng mga ito. May mga special ability ang dugo ng mga Chamnian na kailangan ng mga Mysterian. Pangalawa, may mga kakaiba silang mga lakas at kapangyarihan di tulad sa mga Mysterian. May mga Mysterian na kayang mang-agaw ng kapangyarihan ng iba at isa sa mga hinahangad nilang maagaw at makuha ay ang mga abilidad at kapangyarihan ng mga Mysteriang may dugong Chamnian.

"Ang ibig mong sabihin-" Nagtatanong ang mga mata ni Rujin habang nakapihit kay Seyriel ang mukha nito.

"Gano'n din kami." Agad na sagot ni Seyriel na ikinanigas ni Rujin sa kinauupuan.

"Ibig sabihin, nagtatago rin kayo tulad namin?" Tanong ni Rujin.

"Hindi a. Namamasyal lang kami. Saka hahanapin ko ang lost City. Narinig kong may lagusan mula sa Naicron Academy." Sagot agad niya.

"Pupunta kayo sa lugar na iyon? Mas madali pang puntahan ang Hariatres kaysa sa Lost City. Lahat ng mga panganib nandoon na. At saka, halatang di mo pa naman kontrolado ang kapangyarihan mo."

"Makokontrol ko din to balang araw. Uy! Nandito na tayo. Ibaba mo na." Saka napansin ni Rujin na nakarating na pala sila sa City Gate ng Norzian Capital City.

Nakita agad nila sina Aya at Asana. Agad na nilpitan ni Seyriel ang mga kaibigan na nakatagpo ang mga kilay.

"Siya ba ang dumukot sa'yo?" Tagpong kilay na tanong ni Aya na anumang oras ay susugurin na si Rujin. May nabuo na ngang fireball sa palad nito. Handa ng pakawalan papunta kay Rujin.

"Uy! Walang ganyanan. Pinasyal ko lang siya." Sabay tago nito sa likod ni Seyriel.

"Layas! Kung ayaw mong lumipad ang apoy na ito patungo sa'yo." Banta pa ni Aya.

Agad namang tumakbo si Rujin pabalik sa dalaga niya. "Bye babe!" Nag-flying kiss pa sabay lipad palayo.

"Pasalamat siya at nakakapagtimpi pa ako." Sabi pa ni Aya.

Sino ba kasing di magagalit, maghapon silang nagpaikot-ikot sa himpapawid para lang mahanap si Seyriel pero di nila natagpuan. Alalang-alala kaya sila tapos sabihin lang nitong ipinasyal lang niya ang kaibigan nila?

"Relaks lang liit. Mabait 'yon kahit isip-bata. Nga pala, nasaan na sina Arken at Izumi?" Tanong niya nang maalala ang dalawa.

"Naghiwa-hiwalay kami para mahanap ka. Wag kang mag-alala, pabalik na sila." Sagot ni Asana habang nakatingin parin sa direksyong tinahak ni Rujin kanina.

"Alam mo?" Tanong agad ni Seyriel.

"Katulad ba natin sila?" Sila ang tanong niya kahit hindi man nagpakita si Geonei na nanonood lang mula sa malayo kanina pero alam niyang kasama ito ni Rujin.

"Oo." Ilang sandali pa'y dumating na sina Izumi at Arken na sakay sa kani-kanilang nirentahang flying beast.

Bumaba ang dalawa at umalis na rin ang dalawang flying beast na lumipad na palayo sa kanila.

"Tayo na." Saka sila naglakad patungo sa gate ng syudad. Kailangan muna kasi nilang hawakan ang isang magic stone, na nakalagay sa isang malaking staff na nakatayo sa gitna ng gate at binabantayan ng mga gwardiya, kung gusto nilang hindi huhulihin ng mga kawal ng mga Norwegian.

***

A/N:

Hello po sa inyong lahat na nagsusubaybay sa kwento ng mga Bratty Gang. Gusto ko lang sanang i-revised yung The Bratty Chosen kaso nahihirapan akong mag-edit kung dito ko lang din ulit ilalagay. Kaya naman hahatiin ko na lamang ang Volume One sa Part one and two.

Sa ibang book na po mababasa ang Volume 1 part two. Same title ngunit may nakalagay na part 2.

Hindi ako makakapangako ng mabilisang update kaya humihingi ako ng pasensya sa inyong lahat.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon