CHAPTER 24: Arken Cid

3.3K 173 8
                                    

"Waaah tulong!" Sabay tago ni Seyriel sa likuran ni Kurt.

Inihanda naman nina Asana at Izumi ang mga sarili sa paparating na kalaban.

Isang hugis bilog na Bysteria na may maitim na balahibo ang nakita nila. Nakalutang ito sa hangin. Kasing laki ito sa ulo ulo ng isang tao. Nilagpasan nito sina Asana at Izumi at diretsong nagtungo kina Kurt at Seyriel.

Si Shinnon ang humarang sa Bysteria at iwinasiwas ang espada nito para hindi makalapit sa kanila. Lalong nagalit ang nilalang. Nagliwanag ang katawan nito at may mga boltahe ng kuryente ang lumabas sa katawan nito na diretsong nagtungo sa kung saan nagtatago si Seyriel.

  Agad namang nakagawa ng wind shield si Shinnon para maharangan ang mga kuryenteng pinakawalan ng halimaw.

Umikot ang halimaw patungo sa likuran ni Kurt dahil naroroon si Seyriel at kumakain.

Napalingon si Kurt kay Seyriel. Natuklasang niyang kumakain ito kahit inaatake na sila nang dahil sa kanya.

Pinakita pa sa bilog na nilalang ang kinakain niya pagkatapos ay ilalabas ang dila na lalong ikinainis ng Bysteria. Muli itong sumugod sa kanila. Kaso bumangga ang katawan sa makapangyarihang harang na nilikha ni Shinnon. Para itong bolang nagpagulong-gulong sa lupa.

Muli nitong itinayo ang maliliit na mga paa at nanlilisik ang pulang mga matang nakatingin kay Seyriel.

"Isa iyan sa mga nilalang na nagbabantay ng mga magical fruit sa lugar na ito. Hindi sila nananakit kung wala kang nagawang kasalanan sa kanila." Sabi ni Shinnon at napatingin silang lahat kay Seyriel.

"Bakit siya galit sa’yo? Ano na naman ba'ng ginawa mo ha?" Tanong ni Asana mapansing si Seyriel lang ang gustong atakehin ng nilalang na ito.

"Kinuha ko ang binabantayan niyang magical fruit. Nanghingi naman ako kaso nagalit kaya ninakaw ko nalang." Sagot niya na nagpatuloy parin sa pagkain sa kinakaing prutas na kunti nalang ang natira.

"Kasalanan mo naman pala e." Sambit na lamang ni Asana at napabuga ng hangin.

"Kasalanan niya. Bakit kasi ang damot." Sagot naman ni Seyriel. Napairap na lamang si Asana sa pagkahilig gumawa ng gulo ng kasama.

"Kung hindi ako nagkakamali, isang lightning fruit ang kinuha mo. Ang sinumang lightning magic users na kakain ng nasabing prutas na ‘yan, magkakaroroon ng mas malakas na lightning magic sampung beses sa orihinal na kapangyarihan. At ang mga magical beast o guardian beast na makakain niyan na may lightning attribute maaari ng magpalit ng anyo o magkatawang Mysterian."

"Napakahalaga para sa mga high level magic beast o mga guardian beast na gustong magkatawang Mysterian ang bagay na ‘yan. Namumunga ang ang punong yan, every two years at iisang bunga lang ang kaya nitong ilabas. Maaaring matagal ng binabantayan ng nilalang na ito ang prutas na ‘yan tapos kinain mo sa harapan pa niya mismo. Kaya nagalit siya sa’yo." Paliwanag ni Asana.

"Hindi ko kinain sa harapan niya, sa likuran niya kaya lang humarap siya e. Hindi ko na ‘yon kasalanan." Dahil sa sagot na ito, muli na namang nagpakawala ng kuryente ang nilalang na muntik ng ikasira sa harang na nilikha ni Shinnon.

Hindi na tuloy alam ni Asana kung ano ang gagawin kay Seyriel. Hindi naman pwedeng hahayaan niya itong masaktan ng mukhang bolang guardian beast na ito.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon