CHAPTER 17: Sacred Guardian Beast

3.3K 178 20
                                    


Natigilan sina Seyriel at Asana maramdaman ang pagalaw ng puno at marinig ang mahinang tunog na tila ba may gumagapang na hayop malapit sa kinaroroonan nila, tulad ng gumagapang na ahas.

"Wag mo ngang niyuyugyog ang puno, malalaglag ako." Sabi ni Asana at napahawak ng mabuti sa sanga.

"Anong ako? Baka ikaw." Sagot ni Seyriel. Pero nanlaki ang mga mata at ilang ulit na napalunok makitang gumalaw ang halamang nakapaikot sa katawan ng puno.

"HSSST!"

"HSSST!"

"Sa, sa likod mo." Nauutal na sambit ni Asana.

Dahan-dahang lumingon si Seyriel at nakita ang gumagalaw na bagay sa kanyang likuran.
Napatingala siya at namilog ang mga mata makita ang isang malaking ulo ng ahas na nakadungaw sa kanya.

"Lapastangan! Sino kayong kainin ang aking makapangyarihang Prisya?" Sigaw nito ngunit hiss lang ang naririnig ni Asana.

Nadulas ang isang paa ni Seyriel sa sobrang gulat na muntik na niyang ikalaglag ngunit naibalanse ding muli ang katawan.

"Weh, di nga." Sagot niya habang tinapik-tapik ang dibdib para kumalma ang puso niyang bumilis ang tibok." Paano ka nakakapagtanim, e wala ka namang kamay? Ikaw ha, dinadamot mo pa ang prutas na ito. Di ba tinuro sa'yo ng nanay mo na masama ang maging madamot? Sige ka, mapapaluan ka sa puwet niyan." Pananakot pa ni Seyriel. Si Asana naman namamawis na sa takot at nanginginig na rin ang mga tuhod.

Nagulat naman ang tagapagbantay ng Prisya dahil naiintindihan siya ni Seyriel pero agad ding nakahuma. "Ang sinumang nakikialam sa sagradong bunga ng punong Prisya ay mamamatay." Ibinuka niya ang bibig para tukain si Seyriel pero agad itong nakaiwas.

"Prutas lang naman 'to eh. Paanong naging sagrado? Baka ayaw mo lang makiharvest kami. Tingnan mo nga oh, pwede ng i-harvest."

"Anong iharvest e inubos niyo na nga o."

"May natira pa kaya." Sabay abot sa kinagatan ng prutas na lalong ikinagalit ng higanteng ahas. May tinago pang nga prutas ang dalawang bata pero ang kinagatan pa ang ibibigay sa kanya?

Kung sana'y katulad siya kay Seyriel na kahit damihan niya ang pagkain ng Prisya ay magiging ayos lang ang katawan niya e di sana'y bumalik na ang lahat ng kapangyarihan niya. Pero hindi. Kailangan niyang dahan-dahanin ang pagkain ng Prisya kung ayaw niyang mamatay.

Isang prutas palang ang naubos niya sa loob ng isang buwan. Sapat lang para magkaroon siya ng mala-ahas ns katawan. Ito palang ang anyo na kaya niyang panatilihin sa loob ng mahabang panahon. Kaya niyang mag-anyong ibang nilalang ngunit mapapanatili lang niya ito sa loob ng maikling panahon.

Binago niya ang anyo na katulad sa mga Dragon snake para matakot sina Seyriel at ibalik ang mga prutas na tinago nila.

Lumiwanag ang kanyang mga kaliskis at naging kulay ginto. Nagkaroon din diya ng dalawang maliliit na pakpak. Saka siya nagpakawala ng malakas na enerhiya para i-pressure ang dalawang batang kaharap niya.

"Woaah! Ang astig! Kumikinang ang itim mong naglalakihang kaliskis!"

"Di siya natakot?" Napakunot ang noo ng Guardian Beast.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon