CHAPTER 35: Rujin and Geonei

2.9K 149 13
                                    

(revised)

***
"Pero syempre biro lang." Sagot naman ni Rujin at tumawa.

Sumama ang tingin ni Seyriel at akmang batukan si Rujin pero pinigilan agad ang sarili baka kasi di na naman niya makontrol ang kanyang lakas at matuluyan pa ito. Kaso di pa nga tumatama rito ang maliit niyang kamao, umaaray na ang lalake.

"Aray! Aray!"

"Di pa kita nabatukan."

"Inihanda ko lang ang sasabihin ko-" di natapos sa pagsasalita nang tumama sa batok niya ang nakakuyom na kamay ni Seyriel. Bigla nalang nabalot ng dilim ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay.

Napatakip si Seyriel sa bibig maisip na napalakas yata ang pagbatok niya.

"Rujin! Wag ka na ngang umarte diyan." Pukaw ni Geonei sa kaibigan kaso hindi parin ito gumagalaw.

Nilingon niya si Seyriel na nakatakip ang isang palad sa bibig at guilty'ng nag-peace sign. "Di ko 'yon sinasadya." Katwiran niya at aalis na sana sa takot na magantihan ni Geonei pero nagsalita ang lalaki.

"Hindi ka maaaring umalis, baka maabutan ka ng ulan. May dalang sakit ang ulan sa lugar na ito. At siyang dahilan kung bakit maraming mga mamamayan ang nagkakasakit at namamatay." Sabi ni Geonei.

"E Ba't sabi niya biro lang?" Sabay turo kay Rujin na walang malay.

"Totoo ang sinasabi ko. Pagpasensyahan mo na ang isang 'to dahil wala talaga 'tong kwentang kausap." Sabi ni Geonei at pinasandal si Rujin sa poste ng pavilion.

May apat na poste ang pavilion na nilulumot na samantalang nababalot naman ng mga alikabok ang buong paligid. Nababalot na rin ng mga mga halaman ang bubong nito na gawa sana sa pulang bato. Walang pader at halatang matagal ng walang napapagawi sa lugar na ito.

May upuan sa gitna ng kinaroroonan nila at may nag-iisang mesa na yari sa puting kristal. Kapansin-pansin ang mga bitak sa paligid nito dahil kalumaan.

May apat na poste ang pavilion na nilulumot na samantalang nababalot naman ng mga alikabok ang buong paligid. Nababalot na rin ng mga mga halaman ang bubong nito na gawa sana sa pulang bato. Walang pader at halatang matagal ng walang napapagawi sa lugar na ito.

Umupo si Seyriel sa isang upuang yari sa bato at isinandal ang likod na ikinabagsak niya sa sahig. Wala nga kasing sandalan ang upuan. Napangiwi siya at muling umupo sa upuan. Nakita niyang tumatawa si Geonei kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Wag mo 'kong pagtawanan."

"Paumanhin." Hinging pasensya ni Geonei at tumikhim para mapigilan ang tawa.

Unti-unti ng bumuhos ang malakas na ulan. Siya ring pagkagising ni Rujin na nakangiwi ngayong hinawakan ang batok.

"Masakit 'yon a." Sambit niya bago muling tumayo at napatingin sa malakas na buhos ng ulan.

Si Seyriel naman nakakunot ang noo dahil sa may halong itim na likido ang tubig ng ulan. Lumapit siya sa bandang pinapatakan ng ulan galing sa bubong at akmang ilahad ang palad pero nahila agad siya ng dalawa.

"Huwag!" Halos panabay pa nilang sigaw.

"May lason ang tubig ulan kaya gusto kong tingnan kung anong uri ng lason ang meron dito." Sagot niya at muling nilahad ang palad.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones (V-1: Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon