05

4.2K 81 7
                                    

MARTHA'S POV

Lumipas na din ang isang linggo, ng matapos ang akala nami'y isang masayang  kasalan. Nagtapos ito sa isang malaking trahedya ng hindi sumulpot ang groom sa kasal. Naglapat ito ng sakit sa aming mga puso. Lubos akong nasasaktan tuwing nakikita ko si Ate Clarissa. Hindi man sya nagsasalita nguni ramdam ko sa mga titig nya ang paghihintay sa kanyang minamahal, ang inaakala nyang kabiyak nya.

Kalokohan! Hindi ba sya nagsasawa? Kung ako sakanya hindi ko sasayangin ang oras ko sa muling pagbalik sa taong nag-iwan sa akin! Mas mamahalin ko ang sarili ko sa pagkakataon na iyon, pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na nariyan para sa akin. Hindi ako magpapatanga sa isang bagay na nanakit sa akin. 

Ganoon ba talaga pag nagmahal? Nagpapakatanga?? 

=____=

Hmm. Nilibot ko ang tingin ko sa silid aralan. Isang normal na araw na naman kung saan inilalahad ni ginoong yabut ang aming aralin tungkol sa lohika. Isinulat ko ang mga mahahalagang parte. Isang linggo na rin ang lumipas.. nang ako ay dukutin ng isang lalaking labandero, isang mahirap, nakakainis at walang pinag-aralang maralita. Kung ikukumpara sa akin isa akong ginto at siya ay isang tanso. Napakalayo ng agwat namin. Hm, bakit ko pa nga ba siya muling naisip? Tss. Isa syang malaking kalokohan! Isang pagkakamali ang aming pagkikita. Hindi iyon narapat mangyari! Nakapanglulumo ang mga sandaling naroon ako! Isang karumaldumal na sandali.

Inilipat ko ang tingin ko sa aking braso, wala na roon ang nakapanglilimahid na markang iniwan ng lalaking iyon sa aking braso. Ang kapal din ng mukha nya e'no? Ilagay ba naman ang  kanyang numero sa aking balat?! Hindi mo lubos akalain ang ginawa ko para maalis iyon! Permanente pa rin naman, halos mabaliw na ako! Pandikit lamang pala ang makakapag-alis dito. =__=

Nais kong makaganti sakanya! Ngunit.. hindi ko na sya dapat pa makita. Ako? Makikihalobilo sa isang maralita? Hah, hindi ako pinanganak para roon.  Pinanganak ako ng may marangyang buhay hindi ako inihulma upang malapitan lamang ng isang nakapandidiring nilalang. 

Oo nakapandidiri sya! Nakakairita! Tuwing naiisip ko sya.. agh! Isang bangungunot ang siya'y makilala!

DINGDONG!!**

POOINK!!**

" Arayyy!" napalingon ako sa kung ano man ang tumama sa noo ko.

" Martha! Sang lupalok na ng kalawakan napadpad ang isipan mo?"

" Pwede ba, Ate Callie!!" >0<

" Alam mo kafaated mula ng nakidnap ka, feeling ko nagbago ka." 

" Ano?! Hindi no!"

" Guilty beyond reasonable doubt. "

" TSS Ate!" 

" Osge alis na ako ha? Pupuntahan ko pa si Tyrell!" dalidali syang tumayo at naglakad palayo.

Ako? Nagbago?? Sa paanong paraan? Hm. Hindi ko maintindihan.. pero.. lagi ko talgang naiisip ang lalaking iyon. Bakit. Parang ayaw akong lubayan ng presensya nya?? Tss! 

Sa muling paglingon ko sa aking paligid.. wala ng natirang tao sa silid aralan.

NOT YOUR ORDINARY GANGSTER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon