CHAPTER ONE

7.3K 97 8
                                    

SHERRY POV..



                   Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago simulan ang gusto kong sabihin sa  pinsan kong si Carmen. Andito kami ngayon sa isang food chain at inaya ko itong kumain ng lunch.






                  "Nag propose na sa akin si Charles." Seryosong wika ko sa kaharap kung kumakain..  Nakita ko ang reaksyon nito sa sobrang pagkagulat..








                  "Really??" Nanlaki pa ang mga mata nito. Sabay tinginan tuloy ng ibang mga kumakain sa amin dahil sa lakas ng boses nito.." So, kelan ang kasal cous.!" Sabi pa nito tila mas excited pa sa akin..
Bahagya naman akong napailing bilang tugon ko sakanya.








                 "Why?" Nagtataka tuloy nyang tanong.. Nagkibit balikat lang ako.. Ewan ko ba nabigla siguro ako,feeling ko hindi pa ako ready buntong hininga ko..







                 "Three years na kayo mahigit ni Charles... At 30 years old kana. Pareho naman kayong may sariling business... Ano pa bang hahanapin mo!" Wika naman ng pinsan ko.. Tama kong tutuusin pwedeng pwede na kaming bumuo ng masayang pamilya.. May flower shop naman na ako at si Charles naman ay may ari ng isang auto shop may sarili na rin itong bahay sabi pa niya magiging bahay naming dalawa. Wala rin akong masabi dahil sobrang bait nito.. Ewan bakit ko sya tinanggihan biglang may takot akong naramdaman, alam ko kasing ang pagpapakasal ay pinag dedesisyunang maigi dahil pag andyan ka na hindi na pwedeng umatras pa...








                "Hindi pa ako handa." Tipid ko nalang na tugon sabay nilalaro ang pasta sa harapan ko gamit ang hawak kong tinidor..









                        "Mahal mo ba talaga sya?" Napatingin naman ako sa mukha ng pinsan ko sa tanong nito..








                  "Oo naman mahal ko sya.. Kaya lang may bagay sa loob ko na pumipigil sa akin.. Meron pa akong dapat ayusin." Tugon ko ulit... Mataman naman akong tinitigan ni Carmen sa sinabi ko...
Sya naman itong napahugot nang malalim na paghinga.









               "Sabihin mo nga sa akin Sherry may nililihim ka ba? Ano ba kasi talagang nangyari sayo sa hacienda dela Rosa 7years ago.?" Biglang tanong nito.. Na kinagulat ko din.








               Adventurous ako dati,mahilig pumunta kong saan saan. Yung malalayong lugar dito sa Pilipinas.. Tuwing bakasyon travel lang ako ng travel mag isa. Sa bucket list ko lahat ng lugar na gusto kong puntahan. Dahil nag iisa lang akong anak at busy naman ang parents ko sa business nila lagi silang nasa ibang bansa. Lagi din akong umaalis ng bahay kinakasabwat ko yung mga maids namin.








              Ang pinaka huling pinuntahan ko noong 22 years old ako at kaka graduate ko lang ng college ay ang liblib na lugar ng Magallanes. At sa isang hacienda ako napadpad na inabot lang naman ako doon ng mahigit isang taon.. Na stock ako sa lugar na yun dahil may malaking dahilan ako.  Sobrang nag alala ang parents ko that time ni walang naka alam kong nasaan ako akala pa nila noon patay na ako saklap..










               At dahil din sa nangyari sa akin doon nag stop na ako sa ginagawa ko sa hilig ko.. Binago ko na yung sarili ko or maybe nag matured na rin siguro ako..









                   "Napaka swerte ko kay Charles." Tila kina kausap ko naman ang sarili ko. Ayoko parin sabihin kahit kanino ang pinagdaanan ko sa haciendang yun.. Pero hindi ko pinagsisihan ang pagpunta ko sa lugar na yun...









                     "Yun naman pala bakit mo kasi tinanggihan!" Balik topic na ulit kami.. At napabuntong hininga ulit ako..









                   "Dahil may isang tao akong hindi makalimutan.. I mean closure siguro ang kailangan." Clueless ko namang sabi..









                  "So may iba ka?" Nakaka gulat naman tong pinsan ko kung makahiyaw.. Sabay nag peace sign sa paligid.. "Nagkakasala ka kay Charles sa ginagawa mo!" Dagdag pa nitong sabi. Ano bang pinagsasabi nito..








                       "Hindi mo maintindihan Carmen..." Sabi ko nalang ulit.. Basta gusto ko nang kalimutan ang tungkol sa hacienda pero pakiramdam ko naiwan parin ang puso ko sa lugar na yun.. Sa lahat ng pinuntahan ko don ang isang lugar na gusto kong balikan kaya lang hindi na rin pwede...










                     "Alam mo Sherry nakakabaliw ka talaga.." Natatawa nalang ako sa sinabi nito.. Malapit na matapos ang lunch break ng pinsan ko. Dahil isa itong teacher sa isang elementary school at malapit lang sa shop ko ang pinag tuturuan nya.. Pero yung pagkain ko hindi ko halos nagagalaw, masyado kasi akong ini stressed ng pag proposed ni Charles sa akin.










              "Mag kwento kana kasi cous.. Malay mo matutulungan kita kong ano man yang bumabagabag sayo.." Seryoso namang sabi pinsan ko.










              "Saka nalang Carmen.. Tignan mo yung oras may klase ka pa..." Sabi ko nalang at napasimangot naman ang loko. Sabay tingin sa suot nitong wrist watch.








                 "Okay sige mauna na ako sayo..at maglalakad pa ako patungong school.. Basta next time ha kukwentuhan mo na ako.." Paalam nito. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil makakalusot na naman ako sa pangungulit mg pinsan ko.. Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko at nagmamadali nang umalis...











                      Naiwan naman akong malalim parin ang iniisip..







               "Hi Toni..." Nagulat pa ako ng may magsalita at biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ng pangalang yun. Bakit ko ba ito naramdaman ilang taon na ang lumipas. Napalingon tuloy ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko ang mga grupo ng mga college students na umupo sa table kung saan nakaupo ang tinawag nilang Toni.. Nakahinga na naman ako ng maluwag,sa dami ba naman kasi ng tao sa mundo.. Madami ding magkakapareho ang nick name o pangalan.. 










                 'Makaalis na nga lang' mabilis ko nang dinampot ang cellphone at purse ko sa table at nagmadali ng naglakad palabas ng food chain...






.......Sherry Mercado (Kim Chiu)

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon